CHAPTER 5

128 98 6
                                    

"Good Evening, tita. "bati ni Hubert kay mommy nang pinagbuksan kami nito ng pinto.

Sinamahan talaga ako ni Hubert dahil may isa nga daw siyang salita. Magpapaliwanag siya kay mommy para hindi na kami mapapagalitan.

"Good eve, my" bati ko rin at humalik sa pisngi.

"Kayong dalawa. Saan naman ba kayo galing at gabi na kayo nakauwi? " mahinahong tanong ni mommy. "Pasok. " maawtoridad na utos niya.

Ganyan talaga si Mommy kay Hubert. Malaki talaga ang tiwala niya kay Hubert dahil ilang beses nang pinatunayan ni Hubert sakanya na deserved niya talaga ako. Minsan nga lang 'pag sa paningin niya'y ang paliwanag namin ay hindi siya kumbinsido'y pinapagalitan kaming dalawa ni Hubert.

Mapagmahal na may pagka istrikta si Mommy kung sa tingin niya ay mali naman talaga kaya natatakot din ako sakanya minsan. Minsan lang kami magkaroon ng time sa isa't isa o makapagbonding. Kadalasan kasi ay ipinapahabilin ako ni Mommy kay Yaya Vicvic kung kailangan niyang lumabas ng bansa. Hindi niya ako isinasama dahil ayaw niyang maapektuhan ang pag-aaral ko dito sa Philippines.

Ngayong mga araw lang talaga siya hindi busy kaya andito siya ngayon sa bahay.

Nakapamewang na dumiretso si mommy sa sofa at sumenyas na umupo kami. Kung ganito ang ikinikilos ni mommy ay alam na namin ni Hubert na gusto niyang makarinig ng paliwanag.

Kahit papano naman ay naiintindihan ko rin naman si mommy lalong lalo na dahil may pinagdaraanan siya kaya alam kong ganun nalang kahirap sa kaniyang magtrabaho ng mabuti sa kompanya namin. Alam kong hindi niya rin ito ginagawa para sa sarili niya kundi para rin ito sa'kin. Para magkaroon ako ng magandang kinabukasan, that's why! And I really appreciate and admire her for that.

Sweet din naman kami ni Mommy pero may time ding napaka-over protective niya. Minsa'y nakakainis din naman. Alam mo yun? Yung ganon.

"Saan nga kayo galing? " baling ni mommy sa'min ni Hubert.

"We went to Sunflower Paradise, tita." magalang naman na sagot ni Hubert.

Tumaas naman ang isang kilay ni mommy. Here she go again. "At ano namang ginawa niyo d'on? "

"Malamang nagbonding. Mommy naman, e." natatawang pamimilosopo ko.

"Yes, tita. Niyaya ko siyang pumunta roon dahil alam kong stress siya sa new school niya at todo habol sa lessons na hindi pa na discuss sa'min noon. Medyu delay kasi ang Vesca kesa Phillian, tita. " mahaba namang paliwanag ni Hubert.

Minsan natatawa ako sa ganitong set up ni mommy. Feeling ko para kasi kaming nasa korte at siya naman ang judge. Objection your honor! Hahahaha.

Tumango naman si mommy at ngumiti sa'min which only means na We're NOT GUILTY. HSHSHS. "Good. Thanks for that, ijo. I'm sure masaya ang unica ija ko sa ginawa mo. " minsan talaga hindi ko maiwasang magtanong sa sarili ko kung may bipolar disorder ba si mommy o ano. Charlang! Mood swings lang ang peg e.

"It's my pleasure, tita and it's my responsibility to make her happy and feel special." giit pa niya nang may malumanay na boses at nakangiting nilingon ako.

Na-feel ko namang nag-iinit ang pisngi ko. Ows. Kinilig ako don, a. Ingles-ingles pa ang loko baka dadaloy pa ang mga dugo sa mata ko. Huwag naman sana.

"Ahhh. Nakakatouch naman, diba mommy? " maarteng ani ko at nilingon si mommy na natatawa dahil sa wala sa sariling reaksiyon ko.

Ngumiti naman si Mommy't tumayo sa kinauupuan at tinapik si Hubert sa balikat. "Thank you, ijo. " emosyonal na aniya. "By the way, nakapagluto na ako ng hapunan. Dito ka na lang maghapunan." biglang anyaya ni mommy.

Hopelessly AddictedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora