CHAPTER 10

61 39 0
                                    

"Why? Curfew? " tanong ni Irithel sakin, tumango naman ako. "What time? "

"Seven." tipid na sagot ko. Lagot talaga ako kay mommy, promise!

"Hala ka! Lagot kang bata ka!" pananakot kunyare ni Adrian sakin.

Psh, corny! What do you think of me, man? A kid?

"Luh patay! " mahinang sabi ni Marvin. "I'm sorry, Van. Hindi ko na namalayan ang oras. I better call tita. Malalagot talaga tayo nito" nagpapanic naman niyang kinuha ang cellphone niya.

"Dapat lang. Kasalanan niyo 'to, e." turo ko sa kanilang tatlo. "Dahil kung hindi niyo ako pinilit, hindi sana ako mababalisa ngayon. " pansisisi ko pa sa kanila.

"No. It's not ours, it's yours." sabat pa ng kontra-bido. Sino pa ba? Edi si Adrian.

Umirap nalang ako sakaniya. Wala akong time makikipagbangayan sa kaniya dahil nababalisa na ako. Lintek!

"Hello, tita?... " agad akong kinabahan. Napakagat nalang ako sa mga kuko ko't dumiretso sa gitna nina Adrian at Marvin.

"Yes, Good evening po.I'm with Van po right now, tita. Sorry hindi po kami nakapagpaalam...... At friend's house po...... Adrian Zychi Scott's...... Yes, tita. Medyo mahirap po kasi 'yong pinagawa sa'min e. Kakatapos lang naming gawin..... Po?..... Andiyan si Hubert?....." mabilis akong napalingon kay Marvin.

Nasa bahay si Hubert? Lagot, Double kill!

"Sige po. Ibibigay ko muna kay Van." sabi ni Marvin sa kabilang linya at binigay sakin ang cellphone.

Kinuha ko muna ito pero bago ko sinagot ay napalingon ako sa kanilang tatlo. Gagong Adrian, nagsesenyas-senyas pa sa'king lagot daw ako. Umirap nalang ako.

"Hello, my? " kabadong bungad ko.

"Nakk! Ikaw bata ka. Kanina ka pa hinihintay ni Hubert sa bahay. May pupuntahan daw kayo. Heto kausapin mo. Hubert! " tawag niya kay Hubert.

"Hello, babe? Good evening " bungad ni Hubert sa kabilang linya.

"Hi, Hubert. Good evening din. Anong ginagawa mo diyan sa bahay. " kabadong ani ko. Napakagat tuloy ako sa labi ko, kinakabahan.

"May pupuntahan kasi sana tayo. Where are you? "

"Nasa bahay nina Adrian. "

"Sige. Send mo 'yong address, now na. Susunduin kita. " nagmamadaling aniya.

"But Huber--"

*toot toot toot.

Binabaan ba naman ako ng linya.

Napabuntong hiningang binalik ko nalang ang cellphone kay Marvin. "Send mo daw Address. Thanks!" utos ko sa kaniya at napasandal nalang sa sandalan ng sofa at napatingala sa kisame.

Saan naman kaya kami pupunta? Gabi na, a.

Natigilan naman ako sa pag-iisip nang may nag-alok sakin ng tubig.

"Here, Miss. Inumin mo, nininerbyos ka na, e. " natatawang offer niya sakin ng tubig.

Tuwang tuwa talaga ang number one basher ko! Piisstee oh!

Inis ko namang tinaggap ang tubig na inalok niya at nilagok din. Narinig ko pang tumawa siya.

Pagkaubos ko nito ay agad ko ring inalok balik kay Adrian ang baso. Kumunot ang noo niya kaya tinaasan ko din siya ng kilay. Wala siyang ibang magawa dahil ang lakas ng charm ko kaya tinanggap niya nalang ito.

Hopelessly AddictedWhere stories live. Discover now