CHAPTER 11

39 15 0
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa'king hindi ka pa pala nakauwi't andito ka kela Adrian? " mahinahong tanong ni Hubert habang nagseseat-belt, nasa loob na kami ng kotse niya.

"Lowbat kasi ako e. Sorry. " nakayukong sagot ko.

Hinawakan niya naman ang pisngi ko upang maiharap ako sa kaniya.

"No, it's okay. I understand." ngiti niya kaya Ngumiti na rin ako.

"Thank you, Hubert. "

Hinalikan niya ang noo ko. "Anything for my princess. "

Kinilig ako don a. Enebe!

"Let's have dinner muna before kita ihatid sa inyo. Diba sabi ko kaninang babawi ako? Kaya nagpaalam na'ko sa mommy mo. " sabi niya at sinimulan nang paandarin ang makina ng kaniyang sasakyan.

Seryoso lang siyang nakatingin sa daan, hindi nagsasalita at kitang kita sa mga mata niya na pagod na pagod siya. Ipinatong ko ang isang kamay ko sa bandang hita niya para maipakitang nag-alala ako. Dahan dahan niya naman akong nilingon na may nagtatanong na tingin.

"Pagod ka? " tanong ko pero buntong-hininga lang ang natanggap ko bilang sagot. "Pagod ka nga. Hubert, kung pagod ka pwedeng sa susunod ka na lang babawi. Magpahinga ka na lang muna. " nag-alala kong dagdag.

Huminto muna ang sasakyan nang dahil sa traffic kaya bumaling na muna sa'kin si Hubert at ngumiti na halatang pagod na pagod parin ang mukha.

"Nagpapahinga na ako." mahinahong aniya tsaka sumandal.

"What I mean is a proper rest for you. Marami pa namang time para satin e. Don't stress yourself, babe. " sabi ko at hinaplos ang braso niya.

"Ikaw ang pahinga ko, Maria. Kaya pagbigyan mo na ako. Don't worry, babe magpapahinga din ako next time. For now, ikaw muna okay? " mahabang aniya at pinasandal ang ulo ko sa balikat niya tsaka hinalikan iyon.

Napangiti muli ako. Ang sweet talaga ng isang 'to minsan nakaka-stress din, ang lakas mambwiset e.

Napakalas ako sa pagkasandal sa kaniya nang nag GO signal na ngunit nanatili paring nakapatong ang kamay ko sa hita niya habang tinatahak ang daan papunta sa paborito naming fastfood chain.

Nang makarating kami sa tapat nang McDo ay kinalas niya ang seatbelt ko pati na rin sakanya at umuna nang lumabas ng kotse para pagbuksan din ako ng pinto.

McDo talaga ang paborito naming kainan mapabreakfast, lunch, o dinner man. Noong nililigawan pa niya ako'y dito niya ako palaging dinadala at sa Mcdo ko din siya sinagot. Nandamay pa ang loko ng mga staffs para i-surprise ako.

Haaay Kaysarap balikan. Na-feel ko talagang napakaswerte ko sa lalaking 'to.

Cheap man ang dating para sa iba ngunit for me and hubert, it's romantic.

"How's your day, babe? " tanong niya nang matapos na kaming makapag-order sa counter at nakahanap na ng mauupuan.

Good for two ang table na inupuan namin, nasa gilid nang malaking salamin kaya kitang kita namin ang labas.

"Fine, medyo nakacatch-up na din sa mga lessons. " ngingiting ani ko.

"Good for you. I'm so happy. "

"Oo nga. By the way, kumusta na pala ang dalawa? " pangungumusta ko sa dalawang bruha.

"Uhmm. Sila? Okay lang din naman silang dalawa. Miss ka na. " ngiti pa niya

"Magbonding naman tayo minsan oh. Like mag-beach tayo, tell them! " excited kong sabi.

Bigla namang kumunot ang noo niya sakin.

Hopelessly AddictedWhere stories live. Discover now