CHAPTER 8

86 64 0
                                    

Nakita kong bahagyang nanlaki ang mga mata ni Adrian at napatikom ang bibig samantalang rinig na rinig ko rin ang bungisngis ng dalawa naming kaibigan kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Ano kaya 'tong pinagsasabi ng dalawa sa mommy ni Adrian.

"Mom, mali po kayo ng iniisip. This is Evangeline. She's just... " nilingon niya ako. "a friend. " bumaling siya muli kay tita.

Sumimangot nalang ang mommy niya at tiningnan ako. Lumapit naman ako sa kaniya at nag-alok ng kamay.

"Nice to meet you, Mrs. Scott." kaswal kong sabi at nginitian siya.

Tinanggap naman niya ang kamay ko tsaka nag shakehands kami.

Nginitian niya naman muli ako. Sana all masiyahin. Chos?. "Naku, ija! Just call me tita Felicity." giit niya.

Nahihiya naman akong ngumiti. "A-a. Okay po, Tita Felicity."

"Huwag kang mahiya, ija. Kita mo 'tong dalawang 'to... " turo pa niya kila Irithel at Marvin na ngingiti ngiti ang mga lintek. "Gayahin mo sila wala din kasi 'yang mga hiya. "

Napatawa naman ako sa joke ni tita.

"Naku Naku, tita mommy! Kung alam niyo lang na wala rin naman yang hiya ang kausap niyo. Kung alam niyo lang" ngumingisi't nanunuyang tudyo ni Irithel.

"Oo nga,tita. Pakipot lang 'yan. " Aba't inaasar mo rin ba'ko, Marvin. Malilintekan ka talaga sakin. Gumagaya ka na sa magpinsan a. Cannot be!

"Shut up, you two. Inaaway niyo ang kaibigan niyo e." saway ni tita sa dalawa. "Halika, ija. Pasok na tayo sa loob at paglulutuan ko kayo ng Merienda niyo." baling niya sakin at hinila ako papuntang loob.

Pagpasok namin sa loob ay na-amaze ako at sinuyod ng tingin ang buong bahay nila.

Wow! Ang laki. I wonder kung gaano din kaya kalaki ang kay Adrian.

What?! What are you thinking? I mean ang room ni Adrian 'no. Naku, ikaw ha? Malala ka na. Chos.

Pinaupo naman ako ni Mommy niya sa Sofa at sumunod na rin ang tatlo.

"Adrian, anak! E-welcome mo naman si Ija dito sa bahay natin. " utos ni tita kay Adrian na ngayo'y nakadikwatrong upo sa single couch.

"Tsh. " singhal ni Adrian sa mommy niya't inirapan pa ng loko.

Walang modo ang loko.

Nakapamewang naman siyang nilapitan ni Tita.

"Nako, Adrian ikaw'ng bata ka! Ganyan ka ba mag-welcome ng bisita, ha? "sermon ng mommy niya.

"Mom," kunot-noong reklamo niya sa momny at kinuha na ang cellphone niya mula sa bulsa at nagpindot-pindot.

Napabuntong -hininga nalang ang mommy niya sa kaniya at ngumiting bumaling sa'kin.

"Welcome to our house, ija. Don't be shy, feel at home. Sige na't magluluto na muna ako sa kitchen a. Brb. " pamamaalam ni tita at dumiretso na sa kitchen nila ata.

Magluluto daw si Tita sa Kitchen? Malamang. Alangan naman sa Bathroom,diba? Heheheh peace tita.

Napakabait naman ng Mommy niya feeling ko masungit ang daddy niya at d'on siya nagmana.

Teka...

"Where's your Dad? " i asked him.

Lumingon naman siya sakin saglit at binalik na ang tingin sa cellphone na hawak niya.

Hopelessly AddictedWhere stories live. Discover now