CHAPTER 9

53 40 0
                                    

"Tingnan natin kong paano ka pumatay ng minions, na lagi mong pinagyayabang sa'min." naghahamong dagdag pa niya.

Ngumiwi naman akong nakatitig sa mga mata niya habang kinukuha ang cellphone ko sa bulsa.

"Yeah? Tingnan mo kung gaano ako kagaling." pagyayabang ko rin.

Bumaling agad ako sa cellphone ko para i-on 'yon ngunit...

Shit! Low Battery?! Piste sayang yong pagyayabang ko kung lowbat 'to. Wrong timing amp!

Unti-unti kong inangat ang mga ulo ko para bumaling sa tabi ko na ngayo'y naghihintay nang makapasok sa app. Naglo-loading pa kasi.

"Oh? Ba't hindi ka pa kumikilos diyan? Bilisan mo't ayaw ko 'yong pinaghihintay ako, Miss Frost. " reklamo niya nang napagtantong hindi ako kumikilos.

Awkward naman akong ngumiti sa kaniya.

Kakahiya!

"A-ahh A, kasi... kasii.. " wala akong maidadahilan!

"What? " kunot-noo't inis niyang singhal.

Pinakita ko naman sa kaniya ang screen ng cellphone niya na all black. Tsh!

"Pagkatapos? Ano ba yan? " inis na aniya.

Napairap nalang ako sa tanong niya. Slow ka boi? "Obviously, low battery ako. Lowbat!"

Umaksyon ng bumuka ang bibig niya para magsalita pero pinutol ko agad. "Pero huy! Wala ako nagdadahilan dahil natatakot ako sa'yo, ha. Kasi never akong natatakot sa mga weak katulad mo."

Kumunot naman ang mga noo niya dahil sa mga pinagsasabi ko. "What are you talking about? "

"Wala. Mabuti nang advance. "

"Tss. " singhal niya.

"Oh ano na, dri? Simula na tayo? " agad anyaya ni Marvin na kakarating lang galing labas at nag indian seat na sa floor na may carpet.

"Game. Classic or Rank? " baling sa kaniya ni Adrian.

So... Here I am. Mao-op na. I left the group.

Tumahimik nalang ako sa tabi at sinuyod muli nang tingin ang buong bahay.

"Rank."

"Okay. "

"Hoy! pasali! " rinig kong sigaw ni Irithel na papalapit na sa gawi namin.

"Hurry, Iri. " utos agad ni Marvin na ang tingin ay nasa cellphone lang.

Nang makalapit ay umupo na din sa sahig si Irithel gaya nang kay Marvin, nakaharap siya sa'min pero 1 meter away nga lang.

Samantalang si Marvin ay nakasandal ang likod sa ilalim ng sofa na nasa tabi ng tuhod ni Adrian. Nakaupo parin si Adrian sa sofa, magkatabi kami.

"And you... " baling sakin ni Adrian habang hinihintay si Irithel na makapasok sa application. Loading pa kasi. "Watch and Learn, okay? "

Ngumuso naman ako at tumango.

Litse kayo gusto ko nang umuwi! Nakaka-op!

Ngumiti siya't ginulo ang buhok ko."Good dog. "

Pinalo ko naman ang kamay niya.

Ako? Aso. Psk baka ikaw. Ngingiti ka jan mukha namang aso. Ang sarap mong banatan! Pasalamat ka talaga't pagmamahay mo 'to

Hopelessly AddictedWhere stories live. Discover now