CHAPTER 12

35 14 0
                                    

"Adrian?! "

"Van?" sagot ni Adrian nang nakababa na mula sa driver's seat at bumaling na sa gawi namin ni Hubert.

"Hey, bro." masiglang bati ni Hubert na nakahawak na sa kabilang bewang ko.

Tinanguan at nginitian lang siya ni Adrian.

Taray naman nang isang 'to haha.

"Anong ginagawa mo dito? " wala sa sariling tanong ko sa kaniya. Shet nakakahiya baka nakita niya kami ni Hubert sa ganong posisyon. Todo bigay pa naman ako kanina. Pakshetttt.

"Obviously kakain kami sa loob niyang Mcdo, alangan naman manlimos diba? Gosh. Where's your common sense, sis? " rinig kong sarkastikong sagot ng babaeng pamilyar ang boses mula sa likuran ni Adrian, papalapit sa gawi namin.

Nasa madilim na parte kasi nakapwesto ang sinumang sarkastika habang nagsasalita kaya hindi ko naaninag kong sinong bitchyitchy yon. Char.

Nang nakalapit na ang babaeng iyon sa gawi namin ay nakilala ko kung sino ito at tama talaga ang hinala ko kanina.

"Uy, Megan!" nakangiting baling ko sa kaniya. Ang ganda niya ngayon kahit naka hoodie jacket at nakashorts lang ang lakas parin ng dating. Sana all.

Samantalang ako, heto naka skirt na uniform parin. Mabuti nalang nakapagpalit ako ng pang itaas kanina kaya medyo style narin kahit naka knee sock pa. Pshhh wirdo.

"Oh? Hi Van." walang ganang bati niya pabalik sakin tsaka humawak sa kamay ni Adrian. May pa sandal-sandal sa balikat epek pang nalalaman. Ang taray pala ni Ate.

Tipid siyang ngumiti sakin at nakita kong bumaling ang mga mata niya sa kay Hubert. "Megan, this is my boyfriend, Hubert. Hubert, this is Adrian's girlfriend, Megan. " pagpapakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you, Ms. Megan. " nakangiting nakipagkamay si Hubert kay Megan na tinanggap naman nito.

Ngumiti si Megan. "Yeah, same. " kaswal na aniya. "If you'll excuse us, kakain na kami sa loob. We're having a date tonight kaya we should go na. Bye. " mataray na pahintulot ni Megan at hinila na si Adrian papuntang loob.

"Ang feeling naman ng isang 'yon." reklamo ng katabi ko.

Siniko ko naman siya. "Ano ka ba nagpahintulot lang 'yong tao e, feeling agad?"

" 'Yan ang dating sakin e. Hindi naman siya ganin kaganda a. "

"Alam mo napakatsismoso mo talaga. 'lika na nga, tumatakbo ang oras abir. " hinila ko na siya sa may pinto ng driver's seat sa kotse niya at binuksan iyon para papasukin na.

"Wait, young lady. Manonood pa tayo ng sine diba? " turo niya sa tapat kung saan ang SM.

"Gabi na at marami pa akong paper works ngayon. Next time nalang. " totoong sabi ko.

Yes, totoo talaga hindi po ako nagsisinungaling. Naremember ko kasi bigla.

Nakita kong lumungkot ang itsura ni Hubert.

"I'm really sorry, Hubert. I-"

"I understand. Ano pa bang magagawa ko diba? " pamputol niya sa sasabihin ko. Malungkot naman siyang yumuko. "Pasok ka na. " turo niya sa kabilang bahagi ng sasakyan sakin at pumasok na sa loob.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at dali dali ko ring isinara ang pinto ng sasakyan nang nakapasok na ako.

"Hubert... "

Hopelessly AddictedWhere stories live. Discover now