CHAPTER 13

30 10 0
                                    

Alam kong gustong-gusto na ni Hubert na magtransfer ng school para magkasama kami muli ngunit hindi niya magagawa 'yon dahil sa parents niya. Hindi naman sa ayaw nila sa'kin para sa anak nila, it's just strict lang sila pagdating sa education ni Hubert. Gusto nilang sa Vesca makapagtapos ng pag-aaral si Hubert dahil para sa kanila, kung saan sinimulan ni Hubert ang pag-aaral niya ay dapat d'on din magtatapos para stable daw ang pag-aaral niya. Doon din pareho nakapagtapos ang parents niya kaya kailangan niyang gumaya. May ibang trip din kasi ang parents niya. Charot lang.

Actually, wala namang pakialam dati ang parents ni Hubert sa lovelife ng anak nila. All they really care is for Hubert's successful future. Pero they started to care about it when Hubert asked them that he wants to be with me, at the same school. Na ayaw niyang magkalayo kami pero ayaw pumayag ng daddy niya kaya hindi nalang rin pumayag ang mommy niya. Gaya-gaya kasi ang mommy niya. Char ulit.

Sinabihan nila nong time na 'yon si Hubert at ako na walang magandang dulot ang pag-iibigan namin dahil distraction daw sa pag-aaral ng anak nila at kung magpupumilit parin daw si Hubert na mag-aral sa Phillian ay hindi sila magdadalawang isip na paghiwalayin kami. Laking takot ni Hubert na mangyari 'yon kaya wala siyang ibang ginawa kundi ang sumunod sa gusto ng mga ito.

Kaya ganon nalang ang insecurities at pagseselos niya kay Adrian.

At dahil mahal na mahal ko si Hubert at ayaw ko siyang saktan, sinunod ko ang sinabi niya, ang iwasan si Adrian.

Tatlong linggo na ang lumipas at tatlong linggo ko na ring sinusubukang iwasan si Adrian gaya ng sabi ni Hubert. Kapag mahal mo talaga ang isang tao handa ka talagang magpakaalipin sa kaniya mapasaya lang siya. Hindi ka man pabor sa ideya, susubukan mo parin para sa ikabubuti ng relasyon n'yong dalawa. Gaya ng sitwasyon namin ngayon ni Hubert. Kaya kong gawin lahat ng gusto niyang gawin ko, huwag lang siyang mawala sa'kin.

Break time na at nakalabas na ang iba naming kaklase kaya kami nalang apat nina Adrian, Marvin, Irithel, at ako ang nanatili sa loob. Habang nakayuko akong nakaupo sa upuan ko ramdam ko parin ang titig ng katabi ko na si Adrian. Naramdaman ko ring nasa harap ko na sina Marvin at Irithel. Paniguradong anyayahin na naman akong sumama sa kanila Cafeteria para kumain gaya ng ginagawa nila nitong mga nakaraang linggo. Kaya todo na naman ako tanggi sa lagay na ito. Ano na naman kaya ang irarason ko? Palagi kasi akong may excuses like natatamad ako, may mens ako, wala ako sa mood, kahit ang totoo ay hindi naman.

Siguro nahahalata na nila ako nito dahil sa mga ikinikilos ko. Hindi na kasi ako kumikibo sa t'wing inaasar ako ni Adrian o 'di kaya ni Marvin, tanging si Irithel lang ang kinakausap ko pero hindi rin ganon ka long convo. Hindi narin ako sumasama sa kanila sa bahay nina Adrian sa tuwing maaga ang break namin at sinasabihan ko nalang sila na masama ang pakiramdam ko. Si Manong Manuel na rin ang sumusundo sa'kin every uwian. Tatlong linggo narin kasing hindi nagpaparamdam sa'kin si Hubert pero naiintindihan ko naman siya. Malamang busy 'yon sa practice nila. Miss ko na talaga siya. Oa na kung Oa, wala akong pake!

Kaya ganon nalang ako kasaya at kaexcited kaninang umaga habang kumakain nang nagtext si Hubert na susunduin niya daw ako mamayang hapon. Kaya ayon nalunok ko ng buo ang fried egg na niluto ni mommy para sakin. Char.

"Hindi ka na naman sasama?" biglang sabi ni Irithel kaya tiningala ko siya nakita kong tumaas ang isa niyang kilay habang nakapamewang.

Ngumuso ako kunyaring nanghihinayang. "Hindi, eh. Sorry talaga. "

Narinig kong nagbuntong hininga si Adrian na nasa tabi ko pa rin at hindi pa tumayo habang titig na titig parin sa akin.

"Why? 3 weeks mo na 'tong ginagawa, a. Wala lang nakakapagtaka lang kasi, Van, e. You know ilang beses na tayong hindi nagkakasabay kumain and even sa pagpunta sa bahay nina Adrian para makapag-bond tayo, tinatanggihan mo rin. May problema ka ba? You can tell us, makikinig kami. " mahabang sabi ni Marvin na may pag-alalang tono. Sabi na nga ba't nakakahalata na sila e.

Hopelessly AddictedWhere stories live. Discover now