CHAPTER 6

112 87 2
                                    

Hinahagod-hagod ni Marvin ang likuran ko. "Okay ka na ba, Van?" nag-aalalang tanong niya sakin pagkatapos kong uminom ng tubig at naging maluwag na ang pakiramdam.

Tumango lang ako sakanya't sinamaan ng tingin si Adrian. Tawang tawa amputa. "Asumming! " singhal ko.

Ngumisi naman ang loko. "What? I'm just asking."

"Feeler!"

"Hey, Hey. Stop it, you two." natatawa pang suway ni Irithel.

Umirap nalang ako sa kawalan at napasandal sa inuupuan habang naka-crossed arms. "Psh. "

Narinig kong tumawa ng mahina ang bruha. "Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa'min. Ayaw naming manghula,Van." kunot noong tanong pa niya.

"Sinisira niyo ang moment ko, e. Nakaka-Badtrip kayo!" inis ko silang sinermonan, tumatawatawa lang ang mga abnuy.

Feeling ko ako palagi ang tirada nilanng asarin at inisin, a. May oras din kayo sakin. Matitikman niyo ang lintek na paghihiganti ng nag-iisang Binibing Frost! Char.

"Mr. Scott and Mr. Gayes!" rinig kong galit na tawag ng lalaking hindi pamilyar sakin ang boses.

Sabay naman kaming apat na lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon and there may lalaking galit ang mukhang papalapit sa gawi namin.

Ano namang problema ng isang 'to?

Tiningnan kong mabuti ang lalaki at feeling ko nasa 4th year high school na ito. Medyo matured na e.

"Uy, Luther!" bati ni Adrian sa estraherong lalaki. Tumayo siya sa kinauupuan niya at nakipag kamay pa ang loko.

C'mon Adrian. Can't you see? Galit na 'yong tao oh, feeling ko ilang minuto nalang ay sasabog na 'yan. Tapos ikaw...pachill-chill lang? Feeling cool amp.

Ngumiti nman si Marvin, sunod na tumayo at nakipagkamay din sa lalaki. "Bakit naparito ka, Ther? "

"Diba may usapan tayo ninyo kasama ang team kahapon? Nakalimutan niyo na naman ba o kinalimutan niyo ng kusa? " istriktong tugon ng lalaking si Luther daw.

Wow ang istrikto naman nito. I'm scared. Chos lang! HAHAHAHA. Captain ata.

"Ahh ang meeting ba 'yong tinutukoy mo, Kap? " nagawa pang maging kalmado ni Adrian kahit halatang galit na galit na ang kausap.

Napatawa nalang ako sa isip. Mga pasaway pala 'tong dalawa e. Tsk tsk tsk.

"Exactly, Mr. Scott. Galit na galit na si Coach at ang ibang players. Kanina pa kami naghihintay sa inyo sa court pero hindi niyo kami sinipot and coach decided na tanggalin kayo sa team. " mahabang paliwanag ni Luther.

Nanlaki naman bigla ang mga mata namin ni Irithel dahil sa kagaguhan ng dalawa kaya sila natanggal.

"Seriously, Luther?! Agad-agad? " sabat ni Irithel.

Napalingon naman si Luther sa gawi namin. Sandali pa siyang napatitig sa'kin at bumaling na ke Irithel. " Yes, ofcourse. Hindi ito ang kauna unahang pagpapasaway nila kay coach. Ilang beses na nangyari 'to kaya punong-puno na si coach sa kanila. Sino ba naman ang hindi magagalit niyan, Miss? "

Napapahiyang tumango si Irithel sa kanya kaya bumaling nalang ito sa dalawang nawalan ng team. Hahahaha yan ang napapala niyo!

Problemadong problemado na ang mukha ni Marvin samantalang si Adrian nama't chill lang ngumingisi pa. Sayang saya ka, tol?

Tinapik ni Luther ang mga balikat ng dalawa at bumuntong hininga. "Kaya...you two? It's a goodbye. You're not part of the team anymore. Sayang kayo ." 'yon lang at tumalikod na si Kap Luther.

Hopelessly AddictedWhere stories live. Discover now