CHAPTER ONE

597 11 5
                                    

CHAPTER ONE


“ANO ba kasi ang ginagawa natin dito Athena?” Napasimangot nalang si Athena Vanesse Morrison sa tanong ng kaibigan niyang si Carla Montalban. Kanina pa kasi ito nakasunod sakanya at kanina pa din ito nagrereklamo. “Athena! Bakit hindi nalang kasi tayo sumakay sa sasakyan mo ha? Ba’t kailangan pa nating mag-commute tapos eto naglalakad pa tayo ng malayo? Nagpapalaki ba tayo ng mga binti ha? P’wes yung akin malaki na!”

Huminto nga siya at tumingin sa kaibigan. Chubby si Carla pero hindi yun naging hadlang upang matakpan ang kagandahan nito. She’s very cute and charming.

“Just a moment, Carla. Besides, we can't get in the car because my driver will ask where we are going and then he’ll report it to my mom.” Giit niya tapos nagpatuloy sa paglalakad. Pagod na rin naman siya pero hindi siya pwedeng huminto at sumuko.

Mabuti nalang talaga at natakasan nila ang driver niya. May dorm naman sa school nila pero mas gusto ng mommy niya na uwian pa rin siya. Malayo layo rin kasi ang school na pinapasukan niya sa mismong national highway.

“Eh saan ba kasi tayo pupunta?” pangungulit muli ng kaibigan. Ang ginawa niya ay nang mag-uwian, ay may kinontak na siyang taxi upang sunduin sila ni Carla sa labas ng gate. Nung isang araw pa niyang plano iyon pero ngayon lang natuloy dahil nga ngayon lang niya natakasan ang driver.

"Can you just be quiet, Carla?" aniya. Napangiti pa siya ng matanaw na ang gate ng isang public school. Dali-dali siyang lumapit doon at tila tinitingnan ang bawat estudyante na lumalabas sa gate. “Nasaan na kaya ‘yun?”

Sana lang ay hindi siya nahuli ng dating.

“Eh sino nga?” iritang-irita na talaga ito. “Magsabi ka naman!”

“Basta!” aniya na abala pa rin sa pagsilip sa gate. Pinagtitinginan na rin sila ng ibang students dahil sa soot nilang uniform. White at gold ang kanilang soot. Yes, literal na silk gold ang soot nila. Above the knee ang skirt at may blazer din na kulay gold. Sa Ozutir Academy sila pumapasok, isang private school. At bibihira lang ang mga katulad nilang madaan doon bukod sa napakalayo ng school nila ay iilan lang ang mga nag-aaral doon.

“Huwag mong sabihing gusto mong magtransfer dito? Hoy Athena ha, okay na ako sa schoo—”

"There he is!" nahinto sa pagsasalita ang kaibigan ng sa wakas ay makita na niya kung sino ang rason kung bakit nagpunta siya sa lugar na iyon.

“Who?” si Carla na tiningnan rin ang tinitingnan niya.

“Si Zephyr Dela Vega!” sagot niya at may kinang sa mga mata niya.

“Oh my gosh!” nagulat pa siya sa sigaw ng kaibigan.

“Why?”

“Yung bakla?” si Carla na gulat na gulat at hindi makapaniwala.

Bakla? Napataas naman ang kilay niya.

“Anong bakla? He's not gay! Wait, how do you know him?” tanong niya. Pero bago pa makasagot ang kaibigan ay nakita na niyang papalabas na ng gate ang binata. “Anyway. Mamaya na yan. Halika na—”

Hihilain na sana niya si Carla pero pinigilan siya nito. Mas malaki ang katawan ni Carla kaya mas malakas ito kaysa sakanya.

“Teka ngang babae ka, may hindi ka ba sinasabi saakin ha?”

“Meron! Pero mamaya na yan! Halika na’t salubungin na natin si Zephyr!” aniya. Binitawan naman siya ng kaibigan at napailing.

“Alam mo, girl? Masama talaga pakiradam ko sa baklang yan.” Saad nito habang nakasunod sakanya.

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGWhere stories live. Discover now