CHAPTER FOURTEEN

93 3 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN



“YOU look tired, anak. Natutulog ka pa ba?” Tanong ng mommy ni Athena. Nang mag week end nga ay bumisita siya sa sanctuario. Upang makita naman ang mommy niya. Nang makapasok nga sa bahay ay iyon agad ang bungad ng kanyang ina.

“I’m fine, mom.” Aniya sabay beso beso rito. “Are you okay na, mom? Wala ka nang sipon at ubo?”

“I’m fine. Don’t worry about me. Ikaw ang inaalala ko. Napakalaki na ng eyebags mo at napaka putla mo.” Sabi nito. Kaya natawa siya. Simula pagkabata kasi ay lagi siyang sinasabihan nito na alagaan ang pisikal na katawan. Lalo na sa mukha dahil babae siya. “Huwag mong gayahin ang tito Matthew mo. Di bale siya at lalaki. Ikaw? Ni wala ka pang boyfriend tapos di mo maalagaan ang sarili mo.”

“Mom!” aniya.

Natatawa siya sa kanyang ina dahil dati ay ito ang mahigpit na nagbabawal sakanya na mag boyfriend, ngayon naman ay atat na atat na. Wala ring kaalam alam ang ina patungkol sa pakikipag boyfriend niya noon kay Zephyr, ten years ago. Ang mga araw na tumatakas siya, makita lamang si Zephyr.

“Kailan mo ba kasi balak mag boyfriend?” tanong nito.  Umupo muna siya sa sofa at ganun din ang ina. May meryendang dinala ang katulong doon.

“I’m only twenty-eight mom, ayokong magmadali.” Sabi niya.

“Ayun na nga! Twenty-eight kana. Dapat ngayon ay may boyfriend kana to plan a future with.” Seryosong saad ng ina. Napailing nalang siya sabay inom ng juice. “Si Micko, hindi pa ba nag-propose sayo?”

Muntik na niyang maibuga ang iniinom na juice sa tanong na iyon ng kanyang ina.

“Mommy, hindi ko nga boyfriend si Micko. Anong propose?” aniyang nailing pa. Paano ba niya sasabihin sa ina na nililigawan na siya ng binata? Huwag na muna siguro. “Tsaka, kumalma ka nga, mommy. Si Carla at Gracia rin naman ay wala pa ring boyfriend.”

“Hay! Ewan ko saiyo, Athena.” Sabi nalang nito. “Bisitahin mo ang tito Matthew mo, okay?” sabi ng ina.

“I will, mom.” Sagot niya.



***



MATAPOS nga magtanghalian ay lumabas na siya ng bahay. Tumingin siya sa garahe, buhay pa ang kanyang ATV. Pinapaalagaan rin naman kasi niya iyon. Napangiti siya, marami na rin siyang napagdaanan kasama ng ATV na iyon.

Sumakay nga siya doon at tinungo ang daan patungo sa tito Gregory niya. Pero habang nag da-drive ay napatingin siya sa burol kung saan ang naging meeting place nila ni Zepphyr noon. Napangiti siya sa kabila ng pait.  Matagal-tagal na rin siyang hindi napadpad doon.

Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip. Lumiko siya at tinahak ang daan patungo roon. Gusto rin niyang matanaw ang dagat mula doon. Mainit pero ayos lang dahil sa parteng iyon naman ay may lilim at ma-presko talaga ang hangin.

Habang papalapit nga sa burol ay nagbabalik tanaw siya.


“ATHENA! Gusto kong puntahan yung burol!” rinig ni Athena ang sigaw na iyon ni Micko habang sila ay nagpapatakbo ng kanilang ATV. Pati si Zephyr ay nakasakay rin, gamit nito ang isang ATV na galing sa farm. May kalumaan pero okay pa ang takbo.

“May mas magandang lugar doon!” si Zephyr ang sumagot. Tila ayaw rin nitong dalhin si Micko sa burol.

“Yeah! Mas okay doon!” segunda niya. Sabay turo sa kabilang banda. Tila ba gusto rin niyang maging pribado ang lugar na iyon para sakanila ni Zephyr bukod sa pamilya.

Sa isang mataas na tanawin sila dinala ni Zephyr. Hindi man ito kasintaas ng burol pero maganda rin ang tanawin. Patag ang madamong lupa. Makikita mula doon ang kabuuan ng mango orchard. Kahit siya ay napahanga sa lugar. Nadadaanan niya ang parteng iyon pero hindi pa niya ito natambayan.

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGWhere stories live. Discover now