CHAPTER THIRTEEN

94 2 0
                                    

CHAPTER THIRTEEN



“MICKO, hindi ka na dapat pumunta dito. Kaya ko naman umuwi mag-isa eh.” Sabi ni Athena habang nagliligpit ng kanyang table. Bago kasi siya mag out ay pinuntahan na siya ni Micko sa opisina upang sunduin siya. “I know you’re tired also.”

Nauna nang umalis sina Carla at Gracia bago pa man dumating si Micko.

“Ikaw ang pahinga ko, Athena.” Nakangiting sabi nito. Sanay naman na siya sa mga ganoong salita ng binata pero minsan ay natatameme parin siya. “Tsaka I wanna know bakit kasama mo si Zephyr kaninang lunch.”

“Mrs. Darwin, invited me for lunch. Kapatid siya ni Mr. Valdez, yung client ko. Tapos sinama ko si Carla. Si Zephyr ang architect ni Mrs. Darwin at nais nitong manghingi ng idea sa mga ginawa kong designs sa bahay ni Mr. Valdez.” Paliwanag niya.

“That’s weird. Bakit siya hihingi ng idea sayo eh arkitekto na rin siya?” kunot noong tanong nito. Hindi na niya sinabi sa binata ang mga bagay na nasabi ni Zephyr. “Are you okay? Hindi ka ba ginulo ng Zephyr na iyon?”

“I’m okay, Micko. Don’t worry. Let’s go?” aniya matapos magligpit ng lamesa. Binuhat naman ni Micko ang kanyang sling bag at ang hawak niyang mga folders na kailangan niyang ireview mamaya bago matulog.

“Kailangan mo ba talagang i-overtime ang mga ito sa bahay mo?” tanong pa nito. Tumango siya. Kailangan pa niyang mag doble time upang mabawasan ang tambak niyang trabaho.

“By the way, hiring kami ng apprentice. Naisipan namin nila Carla na kumuha.” Sabi niya.

“Mabuti yan at dapat lang dahil marami na kayong projects. Para naman may kasama kayong ma stress.” Natatawa pang saad ng binata. “Kotse mo na ang gamitin natin, ako na ang bahalang bumalik dito para sa sasakyan ko.”

Tumango lang siya. Pinagbuksan naman siya ng pinto. Napaka gentleman yata ng binata sakanya.

“Okay ka lang?” tanong niya. Nakita niya kasing nanginginig ang mga kamay ng binata. “Gusto mo ako na magdrive?”

“No. Ano ka ba? Kaya nga ako nandito para ihatid ka. Isa pa nagpareserve ako ng table for our dinner. Kain muna tayo bago umuwi.” Sabi nito kaya tumango nalang siya. Hindi rin naman siya makakahindi sa binata. Isa pa, normal naman na nilang ginagawa ang kumain sa labas.

Simula din noong makapagtapos si Micko ay humiwalay na ito sa pamilya niya. Totoo ngang napakalupit ng mga ito pagdating sa binata. Mabuti nalang at matalino rin ang binata. Alam rin nito ang mga diskarte sa buhay sa kabila ng lahat. Alam nitong kumita ng pera sa kahit anong paraan.

“What?” natatawang saad ni Micko ng mapansin yata niyang nakatitig siya rito. “Kanina ka pa nakatitig saakin.”

“Thank you,” nakangiting sabi niya. Napakabait naman kasi nito sakanya.

“My pleasure, love.” Sabi nito kaya naman natigilan nanaman siya. Love? “Totohanin na kaya natin, Athena?”

“M-Micko. . .” iyon nalang ang nasambit niya.

“Tara, dinner muna tayo.” Tila baliwala nitong sabi saka pinaandar ang sasakyan.

Tahimik lang silang dalawa sa biyahe hanggang sa makarating sila sa restaurant kung saan nagpareserve ang binata ng kanilang dinner. Maganda ang fine dining restaurant na iyon. Mukhang bagong bukas ang restaurant na iyon, ngayon lamang niya kasi napuntahan.

Pinagbuksan nga siya ni Micko ng pintuan saka dumeretso na sila sa table kung saan sila nakareserve. Pagkaupo nga ay may mga waitress na na nag abot ng menu. Nag lagay ng pinggan at wine glass.

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGWhere stories live. Discover now