CHAPTER FOUR

150 3 0
                                    

CHAPTER FOUR



“GINAWA mo ‘yun?” nangingiti pang tumango si Athena sa tanong na iyon ng kaibigan matapos niyang sabihin dito ang ginawa niyang pagmamakaawa sa tito Gregory niya patungkol sa scholarship ni Zephyr. “Gaga ka talaga, eh ‘no?”

“Ano ka ba? That’s not called gaga, it’s called love.” Sabi pa niya na nakangiti. Vacant nila ni Carla at nasa rooftop sila ng kaibigan. Madalas silang natambay doon dahil bibihira lang naman kasi ang mga estudyanteng umaakyat doon. Kasalukuyan rin silang kumakain rin ng ice cream ng kaibigan.

“Love mo mukha mo. Bakla nga si Frosty!” sabi pa nito kaya tiningnan niya ito ng masama.

“Hindi nga!” sigaw niya. Tapos ay tumingin muli sa kalangitan saka pumikit. “Ayaw mo yun, hindi mo na ako kailangan pang samahaan sa school nila Zephyr. Siya na mismo ang pupunta dito.”

“Sira kana talaga.” Anito. “Teka, sa tingin mo ba papayag iyon? Na lumipat?”

“Ozutir Academy na ito. Sa tingin mo may tatanggi pa ba kapag ito ang offer?” sabi niya.

“Well, may point ka naman.”

“Naniniwala talaga akong hindi bakla si Zephyr, Carla.” Muli niyang sabi kaya naman napailing nalang ang kaibigan.

“Athena. . .”

“Hmm?”

“Don’t you think this is a little bit too much?” sa sinabing ito ng kaibigan ay tiningnan niya ito.

“What do you mean, Carla?” tanong niya.

“About Frosty. He has a life in that school tapos biglang lilipat dito? Do you think he’s gonna be okay?” sabi nito kaya saglit siyang natahimik. “See? Hay nako, Athena. Sana lang talaga maging okay si Frosty dito, ano?”

Bumuntong hininga siya. Ozutir Academy is one of the best schools in her country. Matatalino nga ang mga estudyante doon pero hindi lahat mababait. Mas maraming masasama ang ugali. It’s cliché but, everytime na may transferee sinisigurado ng ilan kung galing ito sa mayamang pamilya o scholar. Mapangmata ang mga estudyante doon. Walang pakealam kung matalino ang isang tao. Kahit matalino kung hindi mayaman, manliliit ang tingin ng mga ito.

“He’s going to be, okay. Andito naman ako eh.” Sabi niya. Si Carla ay nabu-bully din noon. Pero dahil sakanya, nawala din ang mga bullies nito.



***



KINABUKASAN nga ay maagang hinatid si Zephyr sa Ozutir Academy kasama ang mga gamit niya. May dorm kasi ang school at doon na nga siya titira hanggang semester break. Dalawa ang nakatira sa bawat kwarto sa dorm. Maganda ang kwarto, talagang pang mayaman. May sariling toilet and bath at maliit na kitchen para sa dalawang tao.

May malawak na common area ang dorm building. Kung saan pwedeng tumambay ang mga estudyante ng sama-sama. Soot ang white and gold uniform ay tinitigan niya ang sarili sa salamin. Mukha siyang mayaman sa bagong uniform niya.

Wala siyang masabi sa bago niyang paaralan. Kung ikukumpara ito sa public school na pinapasukan niya ay talagang ibang level ang Ozutir. Napakalinis at ang mga building ay para kang nasa ibang bansa. Pero kahit ganon, hindi siya komportable. Huminga siya ng malalim, kung sa Ozutir gaganda ang kinabukasan niya ay pipilitin niya maging komportable. Para sa kanyang mga kuya.

“New here?” napapitlag siya sa lalaking kasama niya sa dorm. Matangkad din ito gaya niya at may pagka-chinito. Tumango siya. “I’m Eliezer Park. Half pinoy, half Korean. My mom runs a restaurant and my dad is the CEO of. . .”

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGWhere stories live. Discover now