CHAPTER TWELVE

92 4 0
                                    

CHAPTER TWELVE




“AKALA ko ba ay ilang bahay na ang napatayo mo, foreman?” inis na inis si Athena ng umagang iyon. Akala naman niya’y walang sisira sa araw niya. Nadatnan kasi niyang masyadong mataas ang pagkakabuhos sa kitchen counter. Ipinantay ang height nito sa bar counter. “Bakit naman hindi mo binasa ng maayos ang plano?”

Palagi naman siyang nag-iikot sa mga project sites niya, ngayon lang talaga may palpak lalo pa at bago ang foreman sa site na iyon.

“Pasensya na, architect. Hindi ko talaga napansin.” Sabi pa nito kaya napasapo nalang siya sa kanyang noo. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Paanong hindi nito alam ang height ng kitchen top kung ilang bahay na ang napatayo nito?

Sobrang stress na siya dahil sa dami ng kailangan niyang tapusin.

“Hindi pwedeng pasensya lang ito. Oo, kaya pa ‘yan bakbakin at ulitin, pero yung oras ng paggawa at pagbakbak niyan ay sayang sa oras.” Sabi pa niya na pilit hindi itinataas ang boses. Hindi naman siya magagalitin, pero talagang nasira ang araw niya ng makita kung gaano kataas ang binuhusan ng mga ito.

“Pasensya na po talaga.” Sabi naman nito. Huminga nalang siya ng malalim saka tumango. Napahilamos pa siya sa sarili niyang mukha. Wala naman na siyang magagawa.

“Sa susunod kasi ay magtanong muna kayo kung may hindi kayo naiintindihan sa plano para ma check ko. Pwede niyo naman akong tawagan.” Dagdag niya. “Sige na, ayusin niyo ‘yan. Ayoko na sanang may maulit na ganito.”

Tumango naman ang foreman. Siya naman ay pumasok na sa kanyang sasakyan. Binuhay ang makina pero hindi pa niya pinaandar. Humawak siya sa manubela saka sumandal sa upuan at pumikit.

“Bakit ba kasi ito pa ang profession na napili ko? Ang sakit pala sa ulo!” bulong niya sa sarili. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang caller. Si Mr. Valdez.

May problema nanaman ba sa plano?

“Hello, Mr. Valdez.” Aniya ng sagutin niya ang tawag. Sana lang huwag na dumagdag si Mr. Valdez sa stress niya dahil talagang punong puno na siya.

“Good morning, Ar. Morrison.” Bungad nito.  “Are you free later?”

“Why, Mr. Valdez? Is there any problem? May ire-revise na naman po ba sa design?” tanong pa niya. Hindi niya alam kung anong klaseng tono ang nagamit niya, pero medyo hindi magandang pakinggan iyon. Pero huli na upang bawiin.

“No. Okay na tayo doon.” natatawa namang saad nito. “My sister asks me to invite you for lunch. Yung kapatid ko kasi gusto rin magpatayo ng bahay malapit sa ipapatayo kong bahay. Since malapit na ang ground breaking ng bahay ko, baka gusto mo namang tulungan ang kapatid ko sa pagdi-dese nyo.”

“Sorry, Mr. Valdez. I would love to. Pero baka di ko ma accommodate sa ngayon ang bahay ng kapatid mo. Masyado kasing maraming inaasikaso sa ngayon.” Sabi niya. Kung magdadagdag pa siya ng project ngayon ay baka mapatay na niya ang sarili sa stress.

“No, you don’t have to. My sister hired an architect na. But the architect wants to meet you para magbigay ng idea para sa designs ng bahay.” Sabi nito kaya nangunot noo siya. Masama ang kutob niya.

“May I know who’s that architect?” tanong niya.

“I think his name is Ar. Dela Vega. I don’t remember his first name but yeah, he is young like you.” Sabi nito kaya napapikit nanaman siya. Ano bang problema ni Zephyr?

“I’m sorry, Mr. Valdez. I can’t make it.” Sabi niya agad. Alam niyang magaling na architect si Zephyr, kita naman niya iyon sa bahay ni Daryl.

Kaya hindi siya naniniwalang kailangan nito ang opinion niya. Kung ano man ang dahilan nito’y wala na siyang pakealam.

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGWhere stories live. Discover now