CHAPTER THREE

166 3 0
                                    

CHAPTER THREE



“MABUTI nalang talaga at nakauwi tayong buhay ano.” Napasimangot si Athena habang nakikinig sa boses ng kaibigan mula sa kanyang cellphone. Kausap niya ito habang nakaharap sa salamin at kasalukuyang sinusuklay ang mahaba, kulay kahel na alun alon na buhok. “Patay talaga tayo kapag nalaman ng mommy mo kung saan tayo pumunta kanina.”

Halos lahat yata ng features niya ay nakuha niya sa kanyang ama na ni minsan hindi pa niya nakita. May pagka asul rin ang kanyang mga mata kaya madalas talagang napagkakamalang pure blood american siya. Sabi ng mommy niya, hindi na niya kailangan pang tanungin ang hitsura ng ama niya dahil hindi naman na raw ito kailangan.

“Ang OA mo, Carla. Kala mo naman ay galing tayo sa gyera.” Sabi lang niya. “Kung bukas ay ayaw mong sumama, edi maiwan ka sa school.”

May dorm naman kasi sa Ozutir Academy, pero ang mommy niya ang nag insist na huwag silang magdorm upang magkita parin sila araw-araw. Simula noong ipanganak siya ng mommy niya ay siya talaga ang kauna-unang prinsesa ng mga Morrison. Kaya naman pati ang mga tito niya ay over protective pagdating sakanya.

“What? Babalik tayo doon?” tila gulat pa nitong tanong.

Nakakapagod man iyon pero, yun nalang ang tanging paraan niya para makulit si Zephyr. Isa pa, nahirapan rin kaya siyang hanapin si Zephyr. Talagang lahat ng Zephyr ang pangalan sa facebook ay inisa isa niya. Kaya naman matapos ang halos isang buwan nahanap niya ito at kung saan ito nag-aaral.

“Why not?” nang matapos mag-suklay ng buhok ay humiga na siya sa kanyang kama.

“Anong why not ka diyan, Athena?” kahit sa cellphone lang sila nag-uusap ng kaibigan ay alam niyang nakataas ang kilay nito. “Ano bang nagustuhan mo sa Frosty na yon ha?”

Napairap naman siya sa ere dahil doon. Lahat ng kung anong meron kay Zephyr ay nagustuhan niya. Siguro parang mula ingrown hanggang anit! At ang pinakarason kung bakit niya ito hinahabol ay dahil sa nangyari sakanila. Pero hindi pa kailangan malaman ni Carla ang bagay na iyon.

“Hindi mo ba nakikita? He’s tall, dark and handsome! Siya ang prince charming ko, Carla.” Bulalas niya. Narinig naman niya ang pagtawa ng kaibigan. “Why are you laughing?”

“Prince charming ka diyan. Prince rin ang hanap nun, Athena. Gumising ka nga!” natatawa nitong saad kaya sumimangot siya. Alam niyang hindi bakla si Zephyr. She felt his hardness at hindi naman siguro mangyayari iyon kung bakla ito.

“Hayaan mo na nga lang ako, Carla. Pero teka, paano mo nga pala nakilala si Zephyr?” tanong niya. Naalala kasi niya nang mabanggit niya ito kanina. Alam na agad nitong bakla si Zephyr.

“Hindi mo alam?” anito.

“Na ano?”

“Well, sila lang naman yung tinutukoy ko sayo nung birthday ni Gilly. Yung bagong lipat.” Saad ng kaibigan kaya nangunot noo siya. “Yung kuya ni Frosty ay bagong farmer ng tito Gregory mo.”

“Oh? Really?” iyon nalang ang nasabi niya. “Eh bakit ngayon mol ang sinabi?”

“Eh malay ko bang enteresado ka pala kay Frosty!” sigaw naman nito.

“Okay, calm down.”

“Teka, ang sabi mo kay Frosty kanina ay alam mo kung saan ito nakatira?” tanong nito. Sumimangot siya. Hindi naman kasi totoong alam niya ang tungkol kay Zephyr. Sinabi niya lang iyon upang kahit papano ay manatili siya sa isipan nito. “Teka! Saan silang banda nakatira? Malapit ba sainyo?”

Ang mga farmers kasi na may pamilya ay maykanya kanyang two storey kubo type house. Kung saan amy kusina, dalawang kwarto, sala at toilet and bath. Magkakatabi ang ilang kubo, pero magkakaibang spot sa farm. Depende kung saan nakatoka ang tatrabahuhin.

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGWhere stories live. Discover now