CHAPTER FIFTEEN

87 3 2
                                    

WARNING: RATED SPG!

CHAPTER FIFTEEN

"Hey, little bro! You grow too fast!" Bungad ni Athena sa pinsan niyang si Brion. Ito kasi ang nagbukas ng pinto at una niyang nakita nung kumatok siya sa bahay ng mga ito. Panganay na anak ito ng kanyang tito Gregory.

"I'm not little anymore sissy! Mas matangkad pa nga ako sayo oh." Nakatawang sagot naman nito saka nakipag high five pa. Ngumiti siya lalo na ng makita ang tita Andreana niya, ang asawa ng tito niya.

"Hello, tita Andrea." Bati niya tapos ay nakipagbeso beso siya rito.

"Hi, darling. You look beautiful."

"Thank you, tita. Pero mas pretty parin po kayo." Nakangiti niyang sabi.

"Ikaw talaga! Binola mo pa ako. What do you want na meryenda. Igagawa kita." Sabi pa nito.

"Kahit ano po, tita." Sagot niya. "Tsaka hindi kita binobola ha! Kaya nga patay na patay sayo ang tito. Where's tito? It's Sunday."

"Nasa farm, alam mo naman ang tito mo hindi mapakali kapag walang ginagawa!" sabi ng tita niya sabay nailing at natatawa. Wala nga siyang masabi sa kanyang tito, napakasipag nito.

"Bakit ngayon ka lang dumalaw, ate Athena?"

"Sorry, I was busy. Dumalaw lang din talaga ako kay mom dahil nung nakaraang kausap ko ay may sakit siya. Why? Did you miss me, Brion?" tanong niya rito. Si Brion ang kanyang naging unang pinsan kaya naman ito rin ang naging close niya. Kung hindi siya nagkakamali ay twenty one years old na ito. Dahil anim na taon ang agwat nila.

"Yeah. Of course, you're my favorite ate." Nakangiti namang sagot nito. Napakagwapo rin ng kanyang pinsan. Tila pinagsama ang mukha ng magulang nito. Perfect combination dahil pareho naman kasing maganda ang hitsura ng magulang. She wonders kung ilang babae na ang napaiyak nito.

"Because I am the only one ate of the Morrisons!" natatawa niyang saad. Sa kanilang magpipinsan kasi ay siya ang panganay.

"Exactly!" pilyong sagot nito. Kasalukuyan itong nagsisintas ng sapatos mukhang may lakad dahil nakabihis ito.

"Anyway, how's school? Baka puro pambaba-babae ang inaatupag mo doon ah." Aniya. Tumawa naman ang pilyong pinsan.

"Naku, ewan ko ba sa pinsan mong iyan, Athena. He's like a younger version of your tito Wazel. He's collecting girls." Iiling iling na sabi ng tita niya sabay lapag ng sandwich at juice sa mesa. "Here, magmeryenda ka muna."

"Thanks, tita." Aniya.

"Mom!" angil naman ng pinsan. "That is not true. Gawa gawa lang ni Ziandra ang mga sinusumbong niya sainyo ni dad. Ginagawa niya iyon because she has no friends."

Si Ziandra ang middle child. Ziandra is the opposite of Brion, napaka introvert nito samantalang si Brion, extrovert. Madalang nga lang niyang makita ang pinsan niyang iyon. Kahit sa mga family gatherings, nagkukulong lang iyon madalas sa kwarto.

"Why?" kunot noong tanong ng tita niya sa pinsan.

"I don't know. Just ask her." Kibit balikat na tugon ni Brion. "Mom, I'm going to Travis' house."

"Basta umuwi ka ng maaga, okay? Isusumbong talaga kita sa daddy mo!" Banta ng tita niya sa pinsan. Ngumisi lang ang huli.

"Sure!"

"Brion! I hate that smile!" napailing nalang siya ng tumawa ang pinsan bago lumabas ng pintuan. "Si Brion talaga ang nagpapasakit sa sentido namin ng tito mo."

"Hayaan mo na, tita. Minsan lang naman maging binata eh." Aniya. Matalino rin naman si Brion pero napakapasaway nga lang nito.

"Anyway, ang mommy mo ay panay ang banggit niya tungkol sa future mo." Sabi ng tita niya kaya nangunot noo siya. Siguro tungkol nanaman ito sa pakikipagnobyo niya dahil wala namang problema sa career niya so far.

MORRISON SERIES #3: ZEPHYR|R-18|ON-GOINGWhere stories live. Discover now