Chapter 7

1.4K 59 5
                                    

Hyuna

I woke up with the smell of coffee inside my room. Sobrang kumirot ang ulo ko kaya napaupo ako sa kama. What just happened?

Nakahawak ako sa ulo at pilit na inaalala ang nangyari kagabi. I went to the hospital. I ate. Pumunta ng pool. Kahit na kumikirot ng husto ang utak ko ay pilit ko paring inaalala ang mga pangyayari pagkatapos nun.

Lucas. 

Napadilat ako nang sa wakas naalala ang lahat. Everything that he said! I have to tell Lazi!

Tatayo na sana ako nang biglang... 

"San ka pupunta?" Nagitla ako sa kama nang marinig ang boses ni Lazi, nagkakape sa couch ng...kwarto n'ya. Nasa kwarto n'ya ako? Pero mas nabigla ako nang makitang wala na naman s'yang pang itaas. He was only wearing cotton shorts and he has a face towel hanging on his neck. Kakaligo n’ya lang.

Umiinom s'ya ng kape while his hair was still wet. Napalunok ako nang makitang gumalaw ang lalamunan n'ya. Why does he always look like that?

"Bakit ako nandito?" I asked, not minding his question. He put his cup down and looked straight at me. Bigla akong nahiya sa posisyon ko. Nasa kama n'ya ako habang s'ya naman ay nasa couch lang.

"Because I brought you here?" Pilosopo n'yang sagot. Agad namang uminit ang ulo ko at sinamaan s'ya ng tingin.

"Ikaw? Why not Lucas? Eh s'ya naman naglagay ng pampatulog sa juice ko?" Reklamo ko na ikinataas ng kilay n'ya. He looked at his cup of coffee and suddenly laughed mockingly. 

"Dreaming, huh." Nanunukso n'yang sabi. Tuluyan akong napatayo sa inis. Is he saying that I was only dreaming?

"What dream?! Totoo 'yun! At the pool, he said stuffs like women in your life, that your mom, my mom..." Nalilito akong napahawak sa ulo, dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan ang mga sinabi ni Lucas.

"Stop that nonsense, Hyuna." Pikon na saad ni Lazi. "Nakatulog ka sa pool lounge. The guard called me, that's why I brought you here." Parang nainis nang binanggit ko ang mama n’ya.

Umiling ako agad sa sinabi niya. I was so sure about it. It wasn't just a dream! 

"You can watch the cctv if you want to." Dagdag n'ya na agad kong ikinatango. How thoughtful of him to initiate that idea!

"Great! At nang mapatunayan kong nagsasabi ako ng totoo. I know how to differ a dream to reality, Ledisma. Huwag mo 'kong pangunahan." I confidently said. He just scoffed and took his cup again. Napaiwas ako ng tingin.

"Aalis na 'ko." I said and walked towards the door without looking at him.

"You can't." Strikto n'ya namang sabi. Inis ko s'yang binalingan. Kay gandang umaga namang palaging galit, Hyuna!

"I just couldn't bear, being in a room with a guy na walang suot na pang itaas.” Asar kong singhal sa kanya. But instead of hearing him being angry, he just gave me a mocking smirk. Mocking. Gusto ko s’yang sapakin.

Muli s’yang uminom ng kape.

“Ikaw nga, you don't have anything under.” Saad n’ya dahilan para makapa ko ang katawan. My eyes widen as I realize that my nippies have been visible all this time!

“Bastos!” The first word I uttered. Paanong wala na? Sino nag bihis sa ‘kin? Siya ba?

“I slept here.” He tapped his couch. “Manang changed your clothes and not my work to take care of you.” He said. Nakita kong tinitigan n’ya ang dibdib ko kaya napatabon ako bigla. I saw him rolling his eyes.

“You can take a shower in the bathroom, there's also a spare toothbrush. Your clothes.” Saad n’ya pa sabay turo sa center table kung saan may paper bag ng isang sikat na designer brand.

The Doctor's Woman: Lazi LedismaWhere stories live. Discover now