Chapter 10

1.3K 37 22
                                    

Hyuna

That was my second. He was again, my second. Pero mukhang mas malala pa sa una ang nangyari sa akin.

Nilagnat ako kinabukasan dahil sa ginawa namin. Nakakahiya, pero masakit ang balakang ko pati ang hita at gitna ng hita ko.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi parin ako makabangon, alas nuwebe na ng umaga.

“I’m sorry.” Pag-uulit ni Lazi habang pinupunasan ang mga binti ko dahil hindi ako makabangon para maligo.

“Stop saying sorry already!” Nakakarindi na kasi, alam kong guilty s’ya, pero nakakahiya kapag nagso-sorry s’ya, naaalala ko ang nakakahiyang sitwasyon ko ngayon!

I just woke up in his room again, suot ko ay isang night gown na long sleeved. For the record, hindi ko s’ya nakita sa couch kung saan s’ya usually umiinom ng kape.

When I woke up, I saw him beside me. At sa tabi ng kama ay may trolley na puno ng pagkain na. He really did prepare, he told me. Kasi hindi raw ako nakapag dinner kagabi, and it was his fault.

I saw him pout a little like he wants to defend himself. Parang pinipigilan n’ya lang ang sariling magsalita pa ulit. He looks like a kid that was being scolded.

“I will not be working today, so if you need anything, call me.” Now he sounded like the boss here. Kanina parang nagpapaawa pa para patawarin eh.

“Bakit? Saan ka ba ngayon?” I asked and suddenly regret asking. Babarahin n’ya na naman ako.

“Cousins’. But it would be just nearby. Nagpapasama lang mag horseback riding.” He answered. Nagulat ako agad sa narinig, maliban sa hindi n’ya ako binara, may horseback riding din dito?! Wow, that would surely be worth a try.

“Ang galing, I’ve never tried that.” Bulong ko sapat na para marinig n’ya. He placed a bed table beside me and placed the food there. Napilitan akong bumangon.

“We’ll try that. That's why you have to get well, very soon.” He answered, patting my head. Napabusangot ako ng mukha, sinisira n’ya na naman ang buhok ko!

“Sige, bibilisan ko ang pag higa, ‘yung parang timelapse.” I joked. Alam ko namang hindi s’ya matatawa. He just rolled his eyes on me. Kill joy.

“I’m serious. I'll leave you to Merry, tawag ka lang sa front desk ng hotel. I'll see you later, kain tayo.” He said as he placed a medicine alongside the food.

Tumayo ito at isinuot ang isang itim na polo. He was shirtless awhile ago. And now he looks like a different person. Ang ganda n’yang tignan sa simpleng damit lang.

Bago s’ya umalis ay inimuwestra n’ya ang gamot sa mesa. It's for my fever of course. Kumain ako agad pagkalabas n’ya.


Kunti lang ang kinain ko at kumuha nalang ng prutas bago uminom ng gamot. Masakit man ang katawan ay inabot ko ang telepono at tinawagan ang front desk.


I asked for Merry, para sa mga pagkain. After that, I slept.


Nagising lang ako nang tumunog ang cellphone ko. I saw auntie’s name on it, also the time—ala una na pala ng hapon. Ang haba ng tulog ko, nawala na ang lagnat ko at hindi na masyadong masakit ang gitna ko. Pero hindi nawala ang sakit sa hita at balakang ko.

“Auntie?” I sounded very tired.

“Oh? May lagnat ka nga talaga?” I can even sense the disbelief in her voice. “Hindi ka naman madaling lagnatin ah?” Dagdag n’ya pa. Namula ako sa tanong n’ya.

Paano ko sasabihing iyong lalaking sumira ng buhay ko noon ang gumawa sa akin nito ngayon?

Bakit ko sasabihin kung pwedeng hindi naman.

The Doctor's Woman: Lazi LedismaWhere stories live. Discover now