Chapter 16

905 41 3
                                    

Hyuna

"Pasensya ka na talaga ate ha? Okay lang ba talaga sa boss mo?" It was Julia. Naluluha na rin ito at halatang ayaw iwan ang mama n'ya. I gave her a reassuring smile.

"Oo naman, n-nag paalam ako ng maayos." I lied.

"Hue!" She exclaimed and hugged me tight. Hinimas ko naman ang likod nito. "Thank you!"

Pumunta naman ito kay auntie na nakahiga sa kama at natutulog. May basang towel ito sa nuo para sana bumaba ang lagnat nito.

"Mama, alis na po ako! Pagaling ka ha, malapit na akong maging architect." Nanlambot ang puso ko sa narinig. I wish I could also say that to my parents, o sa kuya ko man lang.

It pains me to remember that I'm an orphan, not because I have that title, but because I'm longing for my family's touch, and presence.

Pero okay na rin, narito naman ang isa kong pamilya.

I gave Julia my tightest hug as I sent her outside. "Galingan mo ha! Whatever the result is, okay lang as long as you know you did your best." Naiiyak at nakangiti naman itong tumango sa akin.

Just when she was lost in my gaze, I felt my heart throb. Nagsinungaling ako. I left Lazi yesterday.

Alam kong mali, hindi pa tapos ang kasunduan namin. But I think I have fulfilled my role, wala naman nang rason para magpanggap na babae n'ya. The thing between him and Rosè has already ended. I don't know why he brought me to that paradise, hindi ko alam, maybe his way of saying goodbye.

And if he did look for me when he woke up, he could've called. But he didn't.

Muli akong pumunta sa kwarto at tinignan kung bumaba na ba Ang temperature ni Auntie, buti nalang at bumaba nga. Sobrang init n'ya kahapon hanggang kagabii, gusto sana naming ipadala sa hospital pero ayaw n'ya talaga.

"Auntie!" Nagulat ako nang bigla itong gumising na nakalukot ang mukha na parang nasasaktan. "Kay masakit po ba? Saan? Sabihin mo ante." I was honestly panicking. Gusto ko s'yang dalhin sa hospital. Ngunit natigil lang ako nang dumampi ang kamay nito sa akin. A gave her a sad look.

She gave me a hopeful smile.

"Kalma na okay? Okay na pakiramdam ko, nagkacramps lang sa paa, masakit." She laughed. Gumaan naman ang pakiramdam ko.

Tinulungan ko s'yang umupo at pinainom ng tubig.

I sighed the heaviness I felt.

"Nakaalis na ba si Julia?" Nanghihina n'yang tanong. I nodded twice.

"Opo, malapit na raw s'yang maging architect. She'll make you proud." I smiled at the thought. Nuon, ako pa nagsabi n'yang kay auntie.

"She always make me proud, kayong tatlo." Auntie reached for my head and tapped it lightly. I chuckled.

Natigil lang kami nang tumunog ang cellphone ni tita. Iniabot ko iyon sa kanya at sinabing si Joshua ang tumatawag. She immediately smiled.

"Unico hijo ko!" Pilit na pinasigla nito ang boses kahit mahina pa.

"Mama! Kumusta ka na? Ang tigas ng ulo sabing magpa check up ka na, may pera naman tayo." I heard Joshua uttered from the other line.

"Kaya nga, bumangon pa ngayon, Joshua oh!" Pagsusumbong ko. Pinandilatan pa ako ni auntie kaya ngumisi ako. "Pinandidilatan ako oh!" I chuckled when Auntie palmed her face.

"Pinagtutulungan n'yo ako ha! Wala pa nga akong 50, malakas pa ako." She then pouted.

"Pinag-aalala mo kasi kami, para rin naman ito sa kapakanan mo, ma." I can imagine Joshua pouting at the other line too. Mag-ina nga talaga.

The Doctor's Woman: Lazi LedismaWhere stories live. Discover now