Chapter 13

1.1K 45 15
                                    

Hyuna

Two weeks. We still have two weeks to play pretend. After that, wala na. I have never imagined getting this close to a Ledisma, or even meeting a lot of them. Hindi ko plinano ang ganito.

Sometimes, I just miss feeling the clay against my palms. Carving and making pots like I used to do, almost two weeks in every month. Kumakapal na ang kalyo ng kamay ko. Auntie would want me to wear something to protect my hands, but I didn't. It would surely ruin the quality.

I miss waking up early, just thinking about what I would cook for breakfast, or how I make my coffee. I miss my laptop where I design houses and structures for my clients. Nakakamiss. But I know that there are things that really are not going back to where it was supposed to be. 

We all have to make something new and explore. Tama si Auntie, hindi dapat ako mawili sa nakaraan. I have to face what's in front of me.

Napanguso ako habang iniisip kung anong gagawin namin ngayon. Nasa labas ako, sa may sun lounge chair kaharap ng dagat, nakasuot ng bath robe at itim na bikinis naman sa ilalim. Balak kong maligo ngayon dahil hindi masyadong mainit at matao.

Well, it's cloudy today. Hindi ko pa nalibot ang buong resort, but the seaside is already my most favorite spot. There's this familiar feeling that could not explain, lalo na kapag nararamdaman ko ang buhangin sa balat ko. I felt like, I was being comforted.

Two days ago when the event happened. I've never heard any news on tv or even on the internet about that night. Hindi kagaya noon nang una akong naging biktima nila. They were so cruel. It was very obvious that Rosé made it worst for me. Siya lang naman naging laman ng lahat ng balita at blogs, she posted a lot of malicious lines. Playing damsel in distress.

While the Ledismas never commented a thing about it. It's not a good thing. Basta ayaw nilang sumawsaw habang ini-enjoy ni Rosé ang spotlight.

"Iinit na maya-maya, why don't you go for a swim?" Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Lazi sa likod ko. Napakamot ako ng batok. Bakit may asungot dito? Akala ko pa naman magiging peaceful ang araw na 'to.

"Sayang din ang fresh na hangin at tahimik na lugar, dumating ka pa kasi." Pambabara ko rito. Hindi n'ya ako pinansin o kahit umalis man lang. Kinula lang n'ya ang towel sa katabi kong sun lounge. Napanguso ako at inis s'yang sinuyod ng tingin. He was wearing a white long-sleeved polo with its three buttons open, paired with black shorts. He looks chill today.

"Bakit ka umupo?" Naiirita kong tanong. Gusto kong masolo ang moment eh! Tinaasan n'ya ako ng isang kilay at minata mula ulo hanggang paa. Napahawak ako sa dibdib at umaktong na offend.

"Pause from work. Bakit ba?" Tunog naiirita n'ya ring sagot. I groaned and stood up. Maliligo nalang ako!

"Maliligo ako! Bantayan mo ang mga gamit ko ha." Nabubwesit kong sabi at itinabi sa kanya ang phone at bath robe ko. Nang nalingunan ko s'ya ay huli ko itong malagkit na nakatingin sa katawan ko. 

"You know what, I think gusto ko ring maligo." Saad nito at tumayo. I immediately rolled my eyes. Kamanyakan nito!

"Diyan ka lang kasi! 'Yung phone ko." I pouted. Huli na dahil hinubad n'ya ang polo n'ya. Agad akong tumalikod, takot na baka matulala na naman sa katawan n'ya. I heard him chuckle as I felt a soft delicate cloth on my shoulder. Nagulat ako nang makitang ang damit n'ya iyon.

"Payag akong maligo kang nakabikinis at hindi ako kasama pero suotin mo, 'to." He said in a demanding tone. I glared at him, pero napaiwas lang din ng tingin nang makitang seryoso s'ya. Napilitan akong isuot ito. 

Malaki ito, it reached my mid thigh, mahaba ang sleeves pero okay lang naman kasi nagkasya. Naglakad na ako patungo sa dagat ngunit muling nagulat nang sumunod s'ya. Naguguluhan ko s'yang nilingon.

The Doctor's Woman: Lazi LedismaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin