Chapter 20

563 19 1
                                    

Hyuna

When I thought things would finally go according to my will, but then good and bad things like this mixed up making me want to just give all of these up.

Ayaw ko ng ganito. I want a normal and peaceful life so much. But then it's so unfortunate for me being tied up by fate to be in this position.

But no. No matter how hard things could be, hindi ko iiwanan si Lazi. Tatanggapin ko kung ano man ang parusa sa pagmamahal ng taong nabiktima ng pamilya namin. I'd accept all the consequences, dahil ngayon alam ko, at paninindigan ko s’ya.

I told him I'm not gonna leave him again. My family might have broke his trust, but no, hindi ako papayag na pati ako sisirain ang tiwala n’ya.

And I just...love him so much.

“Si Doc Lazi, nasa loob?” I asked a nurse who happens to just got out from his office. May dala itong tray at chart. Parang nagdala ng kape para sa kanya.

Napatingin ako agad sa oras. Coffee sa hapon? Hindi naman maulan.

“Ah, opo!” Sagot nito na ikinatango ko. Umalis ito agad kaya umisang katok ako sa pinto at pinihit ang doorknob.

My eyes immediately landed on him. He was checking some papers with a newly made coffee beside it. Napanguso ako. He's obviously stressed. Sabi ko na eh, sana pumayag nalang akong huwag na s’yang magtrabaho.

I entered and closed the door. Umingay iyon kaya napaangat ng tingin si Lazi. His wrinkled forehead stretched when he saw me. He immediately dropped his eyeglasses and pen on the table. Sumandal ito sa upuan at ibinuka ang kamay para salubungin ako ng yakap.

I giggled and excitedly cuddled on his lap.

“Goodness, I'm starting to hate work when you're not around.” I heard him utter as he kissed the top of my head. Sumiksik ako sa dibdib n’ya at linunod ang sarili sa bango n’ya.

“How was my girl’s visit went?” Para akong hinihele sa boses n’ya. I can never forget his confession. Hanggang ngayon ay natutunaw parin ako sa mga ganito n’ya.

“Auntie...” I immediately paused when my voice almost broke. I swallowed the lump on my throat. “She misses the twin.” Namamaos kong sabi. Guilty about lying.

“Are you okay?” He asked again. Iyong kamay n’ya ay humahaplos sa likod ko. He’s making me so calm than ever.

“Gusto kong mangpahinga, rito.” I hugged him tighter. Now I'm being clingy. He chuckled and hugged me tighter.

“There, there, my angel. Pwede kang matulog sa ‘kin, hmm?” He assured and cupped my face. He kissed the tip of my nose making me close my eyes.

Pero hindi iyon naging sapat para sa akin. Hinawakan ko ang panga n’ya at himabol ang mga labi n’ya. I gave him a smack on his lips.

That kiss says, I love you too, Lazi. I always do. And I always will.

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa bisig n’ya. I just felt like I was safe, that I was at peace. Walang problema, walang iniisip. Only him.

Napadilat ako ng mata at namalayang nasa kwarto na ako ng bahay ni Lazi. I was alone inside the room, at tumatago na ang liwanag sa labas.

I sat on the bed and realized that I was not wearing the same clothes anymore, binihisan n’ya ako ng komportableng t-shirt at cotton shorts. Definitely my type.

Medyo bukas ang pinto ng kwarto kaya pumapasok ang amoy ng pagkain mula sa labas. My mouth watered as a I smelt something roasted.

Nang sumilip ako sa kusina ay nagulat ako nang makita ang lamesa.

The Doctor's Woman: Lazi LedismaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon