Chapter 15

1.1K 44 8
                                    

Hyuna

"Paano kung mahulog ako?" Kinakabahan kong tanong sa katabi kong doktor. Nandito kami sa rancho ng mga kabayo.

Yes I was excited to try horseback riding, but seeing how those girls in front striving hard to keep their balance on that horse made me want to just watch them.

"Ayaw ko nalang nga." Pinal kong sabi at walang pagdadalawang isip na hinila ang braso ni Lazi palayo.

Pero nabalik lang ako sa kinatatayuan dahil hindi ko matangay ang katabi. Nagtataka ko s'yang tinignan.

He's now looking at me with an amused face. Naiinis ko s'yang tinitigan pabalik.

"Tara na! Ba't ka natuod?" Gusto ko nang umalis! Sa cold spring nalang kami! Pero umaga pa, ang pangit naman mag cold spring sa alas otso ng umaga. Malamig na nga sa suot kong cotton shorts at black halter top eh. Buti nalang may cardigan akong checkered black and red.

"Why are you backing out?" Panunuya n'ya pabalik. Irritated, I crossed my arms on my chest, napatingin naman s'ya rito. Agad akong namula at nagsalitang muli.

"T-tingin sa taas, Lazi! Manyakis talaga." Pag-iiba ko sa usapan. He raised a brow at me as he grab my wrist pulling me towards the men in charge.

"We'll do this today, our plan is already fixed." Mas pinal n'yang sabi. I bit the insides of my cheeks, trying to compose myself despite the nervousness.

"Kapag mahulog ako, babayaran mo ko sampung milyon, t'saka house and lot ni Auntie, bigyan mo magandang trabaho ang mga pinsan ko!" Parang maiiyak kong sabi. Hinawakan ko ang braso n'yang nakahawak sa kamay ko.

"Hindi ka mamamatay." Tanging sagot n'ya. Nawawalan ng pag-asa akong tumingin sa mga kabayo.

"Doc! Ito na ang kabayo n'yo." A man with wearing a blue uniform approached us. Dala nito ang isang malaki na puting kabayo. Ito ang kakaiba sa lahat ng kabayo na nandito, others were brown and black, s'ya lang ang puti.

"What a pretty horsey." I whispered. Narinig ko ang mahinang tawa ni Lazi bago ako muling hinila papunta sa kabayo. Humigpit ang hawak ko sa kamay n'ya.

Iniabot ng lalaki ang lubid kay Lazi na s'ya namang pinasalamatan ng huli.

"Salamat po."

"Humali ka hija, isasakay kita—"

"Ako na po, manong Velino." Mas mabilis pa sa kabayong sagot ni Lazi. Tumango si manong ay nagpaalam na para asikasuhin ang iba. Mas humigpit ang kapit ko sa kamay ni Lazi nang bahagya n'ya akong tinulak papunta sa kabayo.

He looked at me with his brows furrowed.

"Kinakabahan ako, Lazi." Madiin kong sabi. Ningisihan lang ako nito at hinila papalapit sa kanya. His other hand caressed my hair lightly. It honestly made me calm.

"Hindi ka mahuhulog, you're with me." Saad nito na mas ikinakaba ko. Eh loko pala 'to eh.

"Kaya nga! Baka ihulog mo 'ko, sa iisang kabayo pa naman tayo—"

"Then you'll ride to a different horse, Hyuna." Umiling-iling naman ako agad at pekeng tumawa. Pabiro ko s'yang hinampas sa braso.

"Ito naman, nagbibiro lang eh. Sige na isakay mo 'ko paano ba?" Ako na mismo ang lumapit sa kabayo at marahang hinawakan ito. Buti nalang kalma ang kabayo na ito.

"Stay still." Dinig kong saad n'ya at binitawan ang kamay ko. I stilled when his hands held my waist and lift me up. Napakapit ako sa lubid ng kabayo at iniangat ang isang paa para makasakay. Agad ding sumunod si Lazi sa likod ko. Kinabahan pa ko nang gumalaw ng bahagya ang kabayo.

The Doctor's Woman: Lazi LedismaWhere stories live. Discover now