Chapter 9

1.3K 48 3
                                    

Warning: R-18

Hyuna

Mabilis na lumipas ang linggong iyon, dumating na ang araw na magkikita ulit kami ni Auntie Essang.

Hapon ng myerkules at nandito kami ngayon sa harap ng resort lobby para salubungin ang pagdating nila. May malaking truck na nakasunod sa puting pick up na si Auntie mismo ang nag drive.

Agad ko s'yang naaninag sa loob at hindi ko parin maiwasang purihin ang kagandahan n'ya. She resembles my mom so much. She's that only something that reminds me of my mom .

"Auntie." Maligaya kong bati at sinalubong s'ya ng yakap pagkalabas ng pick up. Lumabas sa kabilang pinto si Auntie Ai-ai at ang ilan nilang kasama sa likod.

"Kumusta ka rito?" Malaki ang ngiti n'yang tanong. I smiled and shrugged.

"Hulaan mo, para maiba." Sagot ko nalang. Nanggigigil n'yang kinurot ang gilid ko kaya ako napahiyaw sa sakit.

Naku! Kung 'di lang talaga kita kaano-ano, Auntie!

"Maganda diba? Told ya!" Sabi n'ya sabay kindat. Pabiro ko na lamang s'yang inirapan. May kung anong pinapahiwatig talaga itong si Auntie eh, like she wants me to explore this place more. Parang gusto n'ya akong manatili.

Sinamahan ko s'ya sa kwarto nila, nasa second floor lang, kaharap ng pool. Magandang pwesto, alam kong magugustuhan n'ya.

"Kumusta na sugat mo?" Tanong nito habang inaayos ang mga gamit nila dito sa kwarto. Binalita ko sa kanya ang sugat ko sa paa, pati na rin ang pagkaalala ko ng sugat ko dati. Wala naman s'yang sinabi tungkol noon.

"Gagaling na, medyo mahapdi lang pag nababasa." Sagot ko. Buti nalang hindi mapawis ang paa ko.

"Hmm, 'yun lang?" She asked. "Magiging dalawa na ang peklat mo sa paa."

"Auntie, bakit parang sariwa sa akin iyong naalala ko." I asked out of nowhere. "I honestly forgot about that memory. Lumabas lang nang masugatan ako ulit."

I pouted. What if marami akong ganoon na ala-ala? Suddenly occurs just out of nowhere.

"Hindi ko rin alam, nak. Just explore and maybe you'll find out more. Just don't go farther, hindi ka naman siguro tatalon ng tulay hindi ba?" Saad nito na ikinanguso ko. Bahala na walang maalala basta hindi ako tatalon ano!

Hindi na kami magkakasabay mag dinner nina Auntie dahil may lakad daw kami ni Lazi ngayon. Naiisip ko palang ang isang iyon, nag-iinit na agad ang ulo ko.

Lalo na ngayon at kanina pa ako sa lobby ng resort at hinihintay s'ya. Sinabihan n'ya ako kanina na dito na raw ako maghintay.

I was wearing a floral dress, spaghetti-strapped ito at hindi aabot ng tuhod ang haba. Hindi naman ako nagpapaganda, sadyang hindi palang talaga ako nakalaba.

My cleavage is a bit showing dahil v-neck ang design nito at kita rin ang mababang parte ng likod ko. Ewan ko ba sa mga pinagbibili ni Auntie para sa 'kin. Ang weird ng designs.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang may pamilyar na sasakyan ang bumusina sa harap ng lobby. Tamad akong tumayo, dahil alam kong si Lazi iyon. Hindi man lang bumaba ng sasakyan para bumati.

Napakabastos talaga.

Pumasok ako sa passenger's seat at agad kong nakita nakasimangot n'yang mukha. Deritsu lamang ang tingin nito.

"Problema mo?" Tanong ko rito. Instead of answering, he just slightly pout his lips. Gusto kong matawa, ang cute, parang bebe.

"We'll go to Manila." Saad n'ya na ikinabigla ko. Manila? Malayo iyon ah!

The Doctor's Woman: Lazi LedismaWhere stories live. Discover now