Chapter 12

1K 37 3
                                    

Hyuna

Galit parin ako.

Halos hindi ako magpahawak ni Lazi nang makapasok kami sa venue. I tried keeping the distance between us, but he was always following me wherever I go. Kahit maraming bumabati sa kanya at kumakausap, naiinis ako sa pagiging bantay sarado n’ya.

I was glaring at him, galit at naiinis. Ngunit parang wala lang ito sa kanya. He took a sip on his glass of wine while talking to some of his friends who called him. He never broke our eye contact. He was leaning on the bar counter while I was sitting on a couch, not far away from him.

Binabantayan nga talaga ako.

Hindi ko alam kung anong problema n’ya. He told me to go home, ngayon nagalit nang mawala ako. Ako pa ang bad girl!

“Nasa labas? Sure kayo? The famous Rosé Gonzaga?” Napagting ang tenga ko nang marinig ang usap-usapan. Almost everyone were whispering, gossiping about the situation.

“Balita ko wala na raw ang engagement.”

“I’ve heard about that too, they both were seen with another partners.”

“Omg, I thought Lazi was cheating again, si Rosé rin pala!”

“Sa tingin n’yo bakit s’ya nandito? Of course those were fake news, ship ko sila!”

Natataranta akong napatingin sa gawi ni Lazi, but to my surprise he wasn't there anymore.

“Let’s go?” Napaigtad ako nang marinig ang baritunong boses n’ya sa gilid ko. He was already offering his hand.

Imbis na tanggapin iyon ay inirapan ko lang s’ya. The audacity though.

Inayos ko ulit ang sarli, I even heard him groan in annoyance. Bahala ka d’yan kung ano man ang problema mo.

“Stop fixing, boys are already staring.” Madiin nitong sabi na parang nagpipigil. Medyo nagulat ako pero muling umirap nalang.

“Umupo ka, wala akong ganang umalis.” Pagtataray ko at ininom ang isang baso na may asin. Muntik ko pa itong maibuga dahil sa anghang. I firmly closed my eyes.

“That’s tequila. Tsk.” Iling n’ya at inagaw ang baso. Napaayos ako bigla ng upo nang makita ang dalawang pinsan ni Lazi. It was Lerion and Luriel Ledisma. I sighed.

They sat on the couch in front of us like they own it, and the place. The design is very Ledisma.

“Well, hello Hyuna.” Luriel greeted, half smiling. Tinaas ko lang ang dalawang kilay ko at tumango ng kunti.

“Kaya siguro galit si Lazi kanina. Kasalanan mo parin lazi.” Kinakausap na nila ngayon ang katabi kong iniinom ang natirang tequila sa baso ko. Hindi ito sumagot.

“Literally his fault. Hindi n’ya binantayan ang babae n’ya kanina.” Luriel smirked. Huli nito ang inis ni Lazi dahil padabog nitong inilapag ang baso sa mesa at sumandal sa gilid ko sabay lagay ng kamay sa couch sa may balikat ko.

Hindi ko makuha ang ibig nilang sabihin. Do they think that we're really on?

“Alam ba nila?” Kunot-noong tanong ko kay Lazi. Nag-iwas ito ng tingin at ngumuso sa kawalan.

“That you two were just pretending?” Lerion interrupted. “Of course we do.”

“Pero anong ibig n‘yong sabihin kanina?” Nalilito kong tanong ulit.

Nagkatinginan ang magpinsan, Lazi had a warning look on his face.

“Ask anything but that.” Makahulugang sagot naman ni Luriel. I almost facepalmed.

The Doctor's Woman: Lazi LedismaWhere stories live. Discover now