Kabanata 4

132 5 0
                                    

Pang-umaga kami, uwian na namin ngayon at kasabay ko si Janelle, bumababa kami ng hagdan nang makita ko ang bestfriend nya bigla siyang niyakap noon, nakita ko na umiiyak yung bestfriend nya. Matagal din yung pag-iyak nya, naawa ako kasi iyak sya ng iyak.

Nang magpaalam na yung bestfriend nya kasi papasok na, bigla kong tinanong si Janelle,

"Janelle,anong pangalan nu'ng umiiyak?"  Tanong ko kay Janelle

Nagbaba ang tingin ko sa kamao ni Janelle, nakayukom iyon.

"Odette" madiing sabi nya ngunit hindi sa akin nakatingin

Sinundan ko ang mga mata nya kung saan sya nakatingin,nakita ko ang lalaki na nasa court hindi gaanong katangkaran, maputi,at matangkad, hindi kaya sya ang dahilan?

"Bakit sya umiiyak?" Tanong ko ulit, huminga ng malalim si Janelle bago ako sagutin

"Dahil niloko sya ng lalaki na 'yon" malamig na ani ni Janelle at itinuro ang lalaki na kanina lamang ay pinagmamasdan nya.

Hindi naglaon ay nagkukwento na si Janelle tungkol kay Odette. At dahil nagkaproject kami at kailangan namin magonline survey, doon ko nachat si Odette.

End of the Flashback

Mabait naman si Odette, madaldal, kaya lang minsan attitude talaga, matalino din sya dahil noong gumraduate kami ng elementarya ay isa sya sa may karangalan.

Actually si Odette ay kaklase ni Arvind noong elementary. Nakuwento ko sa kanya na crush ko si Arvind kaya ayon, madalas sa kanya ako nagtatanong kung ano ba ang ginagawa ni Arvind. Sayang nga lang dahil si Odette ay hindi dito naghighschool.

Alas-dose na ngayon at nakaonline si Odette, hindi na ako nagdalawang isip na ichat sya

'hi ^_^'

Agad itong nagtipa ng sagot

'hello'

Ganito naman lagi kami, minsan busy sya. Ang pasok kasi nila ay whole day, kami kasi half day lang.

'Gawa mo po?'

Tanong ko sa kanya dahil minsan kapag china-chat ko sya hindi sya kaagad nakakapagreply.

'nagla-lunch po'

Mamata ko nalang sya ichachat kaya nagpaalam na ako sa kanya.Itinabi ko na ang cellphone ko at tinignan ko si Joven. Busy sya sa paglalaro, kaya naman eto na ang pagkakataon para ako naman ang mambuwisit sa kaniya.

Naisip ko nalang na tawagan sya dahil nakakonekta ang mobile game na nilalaro nya sa facebook at messenger.

Lumabas muna ako, at kinuha ko ang cellphone ko, nag-on ako ng data at tinawagan sya sa Messenger. Nakasilip ako sa bintana para makita ang kanyang reaksyon. Nagulat ako ng bigla siyang napamura at tumayo, nang makita ko na palabas sya ng classroom agad akong tumakbo.

Nakababa na ako sa building at halatang hinahanap nya ako.  Nagtakbo ako sa court. At dahil napatingin ako sa likod ko, may nabangga ako. Napatingin ako sa harap ko, nakawak yung isang studyante sa ulo nya, biglang lumapit ang ilang lalaki.

"Oy brad ayos ka lang ba?" Tanong nung isa

Namumukhaan ko sya dahil kabatch ko din ito noong elementary ako.

"Ayos lang pero masakit" ani noong nabangga ko

Nagtawanan ang tropa nya,habang ako ay nakayuko lamang. Hiyang-hiya ako sa nagawa ko, ano ba kasing pumasok sa isip ko para gawin yon?. Bakit nga naman kasi ako tumakbo.

"S-sorry" yun lang ang nasabi ko

Nakayuko pa din ang lalaki na nabangga ko at nakalagay pa din ang kamay sa ulo

Ganon ba talaga kalakas ang pagkakabangga ko sa kanya?

"Oy! Oy oy anyare dyan ah?"

Madali akong nakaiwas ng tingin sa lalaking nakayuko ng marinig ko ang isang tinig mula sa likod ko.

Bihira ko man marinig ang boses nya, hindi ko alam pero ngayon nawala ang kung ano man ang gumugulo sa isipan ko.

"Tanga kasi yan oh" turo nu'ng isa doon sa nabunggo ko

Wala naman syang kasalanan, ako ang nakabangga ako yung hindi tumitingin, hindi naman sya.

"Keira" tawag ni Arvind sa akin

Dahan-dahan akong lumingon sa likod nakita ko si Arvind, nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pants nya. At nakatingin sa akin.

"A-ako, yung m-may kasalanan,t-tumatakbo k-kasi a-ako" nauutal ako dahil kinakabahan ako.

Kinakabahan ako dahil ramdam ko yung mga titig nya sa akin. Dahil yung titig nya bihirang mangyari. Sa loob ng halos 7 taon na akong umaasa sa kanya, ngayon lang nangyari ito.

"Sino ba kasi ang nagsabi na–"

"Par!"

Naputol ang sasabihin ni Arvinf at napa lingon ako sa nagsalita sa likod niya. Nakita ko ang bulto ni Joven. Lumapit sya sa akin at inakbayan ako.

"Oh bakit pre, may problema ba?" Tanong ni Joven kay Arvind

Hindi maalis ang tingin ko sa kamay nya na nakaakbay sa balikat ko.

Sa ilang segundo na walang nagsalita, doon na ako napalingon sa harap. Wala na pala doon si Arvind. Lumingon ako sa paligid, nakita ko syang naglalakad patungo sa Jornacion Building.

Bigla akong napatingin kay Joven, at tiningnan ko sya sa mata, inuutusan ko syang tanggalin ang kamay sa balikat ko. Nagets nya ang paraan ng pagtingin ko kaya tinangaal nya ang kamay nya at itinaas yun na parang sumusuko.

"Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin ano" mayabang na ani nya

Inirapan ko nalang sya at iniwan doon, dumiretso na ako sa classroom para kunin ang bag ko dahil 2 minutes nalang tutunog na ang bell.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now