Kabanata 17

70 2 0
                                    

"Hi Keira,good morning" nakangiting bati ni Arvind nang makapasok ako sa classroom.

Yeah you're right guys! Kaklase ko si crush :). By the way, nanibago nga rin ako dito sa lalaking ito, noong magbakasyon kami, madalas na kaming mag-chat. Yung chat na makabuluhan ba, hindi basta nag-kamustahan lang.

"Good morning din" nakangiting bati ko sa kaniya at naupo sa tabi nya.

Nakita ko na may hawak siyang parang libro ata. Kinalabit ko siya.

"Ano yan?" Curious na tanong ko. He just smiled

"Ah wala lang toh" pagkasabi niya nun sinara niya ang libro at ibinalik sa bag

I just nodded and smiled back.






"Bakklaa!!" Masayang sigaw ni Shelei nang makalabas ako sa classroom.

Hindi na kasi kami magka-kaklase nila Andreah,Shelei,Gretchen at Joven. Si Andreah ay St.Matthew, si Shelei ay St.Mark, si Gretchen naman ay kaklase ni Andreah, habang si Joven ay St.Joseph.

"Oh asaan na sila Andreah?" Tanong ko kay Shelei, napakamot siya ng ulo

"Eh, kasi hindi makakasabay sa atin mag-break. May tinatapos silang project" malungkot na ani ni Shelei. Kalagitnaan na kasi ng school year.

"Ay sige ayos lang yun, tara na" aya ko at inakbayan si Shelei.

Nang makarating kami sa cafeteria, nakita ko agad si Arvind kasama ang kaibigan niya. Nag-iwas ako ng tingin at kinausap si Shelei.

"She. Ano gusto mo?" Tanong ko sa kaniya

Nakunot ang noo niya at binigyan ako ng malalim na tingin. Inilagay niya ang kamay niya sa leeg ko.

"Wala ka namang sakit" aniya at tinanggal ang kamay na nakalagay sa aking leeg.

Napailing ako at nginitian siya

"Ano ka ba Shelei!, Ayaw mo non? Libre kita" kinindatan ko pa siya at napangiwi siya dahil doon.

"Ikaw ha, ganiyan ba epekto kapag pinapansin ng crush?" Nginitian niya ako ng makahulugan

I just rolled my eyes and fall in line.

"Ano nga gusto mo She?" Tanong ko ulit

"Ay sige burger and coffee nalang" I nodded

"Sige na, humanap ka na ng puwesto ah" sabi ko at iniwan niya na ako sa pila.

Hawak ko ang tray kung saan nakalagay ang order namin, maingat akong naglakalakad at hinahanap si Sehelei. Saan ba naman kasi nagsuot ang babaeng iyon?. Hindi naman gano'n kalahihan ang cafeteria pero, ang hirap hanapin.

"Bes!" Napalingon ako sa sumigaw si Shelei, nakaupo sa dulo ng cafeteria.

Napailing ako, kaya naman pala ang hirap niyang hanapin kasi ganoon.

Nang mailapag ako ang order namin, tinitigan niya muna iyon bago mag-angat ng tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay.

" 'di lang ako makapaniwala" bahagya siyang tumawa.

Ganoon ba talaga ako kakuripot last year?. Sa bagay, dati kasi sila ni Joven ang madalas mang-libre.

Hinawakan ni Shelei ang kape at nagulat ako nang tumayo siya. Akala ko kung saan siya pupunta, yun pala ay tatabihan ako. Napatayo ako ng maramdaman kong nabasa ako.

"Ano ba!?" Galit na turan ni Shelei

"Sorry po." Pag-hingi ng tawad nong lalaki.

Tinignan ko ang uniform ko nabasa ng kape, medyo mainit pa naman.

"Bakit kasi tumatakbo!?" Inis na sigaw ni Shelei sa lalaki.

Nagbaba ako nang tingin sa I.D nong lalaki, he's a grade seven student. Kaya hinawakan ko na sa braso si Shelei at umiling ako.

"Sorry po ate" hingi ng tawad nong nakabangga kay Shelei. I just nodded and smile at him.

"It's okay, sa susunod wag ka nang tatakbo okay?" He nodded at me and pointed my uniform.

"Nadumihan ko pa po, sorry ulit"

Napatingin din ako sa uniform ko, malamang mapagalitan ako nito pag-uwi ko. Napaatras ako ng isang hakbang nang maramdaman kong may humawak sa siko ko.

"Are you alright?" Malamlam na tanong mula sa aking likod.

Parang may kung anong humaplos sa puso ko at tumibok ito nang mabilis. Napatingin ako kay Shelei na nakangiti sa akin at nakagat ko ang labi ko. Naramdaman kong bumitaw siya sa akin.

"Hey bud, next time don't run inside the cafeteria, okay?" Pagkausap niya dun sa batang lalaki, tumango ito.

Naramdaman kong umalis na ang batang lalaki at nagbalik sa normal ang lahat. Napatingin ako sa kaliwang braso ko, namumula iyon.

Nagpaalam ako kay Shelei na mag-cr lang ako, at sinamahan niya ako. Naramdaman ko ang pagdampi ng tubig sa braso ko at medyo mahapdi iyon.

"Sorry talaga ah" malungkot na ani ni Shelei. Napatingin ako sa salamin sa harap namin at nakita ko ang repleksyon niya na nakayuko.

Sinarhan ko ang gripo at humarap kay Shelei.

"Okay lang, wala ka namang kasalanan eh" nginitian ko siya at marahan siyang tumango.

"Paano yan?" Tinuro niya ang uniform ko, bakas doon ang natuyong kape.

"Hayaan mo na, ako na bahala kay mama" ngumiti siya ng mapait

Pagkalabas namin ng cr, bumungad sa amin ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa hallway at may hawak na jacket, nagtama ang tingin namin at bumaba ang tingin niya sa uniform ko.

"Here, wear that" inilahad niya ang jacket sa akin, pagkatapos ay naglakad siya, ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagya niyang pag-ngiti.

"Ay ganon?, Araw-araw na nating utusan yung bata na sagiin ako tas tapunan ka ng kape" nang-aasar na sabi ni Shelei.

Eto na ba Lord?. Unti-unti na ba akong nakakapasok sa puso niya?. Nagbaba ang tingin ko sa jacket ni Arvind. At sinoot iyon. Nakakapanghina na hindi ko malaman

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now