Kabanata 8

98 4 0
                                    

Natapos na ang 15 minuto at nakumpleto na kami. Nagpa-attendance muna si Secretary.

"Guys listen, 3 weeks nalang magpe-perform na tayo, galingan nyo please ah,patunayan nyo kay president na tama sya sa pagpili sa inyo" sabi ni sec.

Agad kaming nangiti at tumango.

"Tutugtugin natin ang nobela" dahil sa sinabi ni sec nagtawanan sila

Nakakatawa ba 'yon? Kahit saang anggulo tignan parang hindi.

"Para sa mga walang jowa" natatawang sabi ni sec

Anong problema nila sa walang jowa ah? If I know mas mabuti pang walang jowa at least walang iisipin.

"Para sa mga hindi minahal pabalik" pabirong ani ng Lead vocalist

Tama, wala naman talagang problema sa sinabi nila,ako lang ang nagiisip na meron. Masyado lang ako sigurong tinatamaan sa mga sinasabi nila kaya ganoon ako makareact.

Nagsimula din naman kami agad, 2 oras ang ginugol namin sa practice na 'yon. Nang makauwi ako nagbukas agad ako ng Messenger. Nakita ko na may chat si Arvind. Akala ko naman kung ano na tungkol lang pala sa skin ng mobile game na nilalaro nya.

Nakita kong online si Odette kinamusta ko sya, sabi nya ayon sya pa din. Natawa nalamang ako, kinuwento ko sa kanya yung narinig ko na usapan nila Arvind at ng mga kaibigan nya. Ang sabi nya lang di ka pa sure,maraming namamatay sa maling akala. Kapag kausap ko sya lagi nalang ganoon, parang lagi nalang syang may alam.

Kinabukasan ay P.E namin kaya nagpaalam ako na hindi ako makaka-attend sa practice kasabay namin ang Pilot.....yeah you're right....kasabay ko din si Arvind....

"Antagal ni Sir ano?" Angil ni Joven

Nagsuot naman ng jacket si Andreah

"Yeah, mangingitim na nga ako kakaintay don" pag-sangayon ni Andreah sa sinabi ni Joven

Nilalaro ko ang sintas ko ng guluhin ni Joven ang buhok ko. Tinignan ko sya ng matalim –_–

"Anong problema mo ah!?" Iritang tanong ko sa kanya

He just chuckled at mas lalo pang ginulo ang buhok ko. Nagpapadyak ako at lumayo sa kaniya. Nagpaalam ako na magsi-cr lang ako.

Nang makarating ako sa cr humarap ako sa salamin at nagsuklay. Di ako nagtagal sa loob at lumabas din. Nakasalubong ko si Arvind ngunit tinignan nya ako ng matalim at nilagpasan. Wala sa sariling napakunot ang noo

"Anong ginawa ko?" Tanong ko sa sarili ko

Bumalik na ako sa court nadatnan ko sila na nakaupo na at nandoon na si Sir. Naupo ako sa tabi ni Gretchen.

"Oy anong ginawa mo kay Arvind ah?" Bulong nya sa akin

Ano nga bang ginawa ko? Nag-cr lang naman kaya ako tapos paglabas ko ganoon na sya

"Wala ah, anong gagawin ko?" Inosenteng tanong ko.

Umiling-iling si Gretchen. Ilang saglit pa ay nagsimula na kaming lahat. Maglalaro kami ngayon, volleyball sa babae basketball sa lalaki.

Kalaban namin ang section nila Arvind at dahil magkatalikuran kami ay hindi ko alam ang nangyayari. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng sigaw mula sa mga lalaki. Agad kaming natigilan at lumingon sa kanila.

"Sinadya mo yon!" Sigaw ni Joven

Habang si Arvind ay walang karea-reaksyon nakatayo lang, nakititig kay Joven at hawak-hawak niya ang bola.

"Wala namang kasalanan si Arvind eh" depensa  ni Jhared

"Paanong walang kasalanan!?—" galit na sigaw ni Joven

At dahil takot ako na baka mag-away pa sila, nilapitan ko si Joven at hinawakan ang braso nya.

"—eh kahit nga i-review ang cctv makikita nyo na sinadya nyang itulak ako" pumiyok pa si Joven sa galit nya

Tiningnan ko si Arvind at laking gulat ko na sa akin sya nakatingin—hindi mali, sa kamay ko, doon sya nakatingin. Kaya naman ibinaba ko ang tingin ko sa kamay ko, nakakapit nga pala ako sa braso ni Joven. Agad ko iyong inalis at nag-angat ng tingin kay Arvind, ngayon ay nakatingin sya sa akin. Ngunit bigla nyang ini-iwas ang kanyang tingin sa akin.

Biglang pumito si Sir Alex..

"Rivera!, Villanueva! Come to the office!" Sigaw ni Sir

Nang maunang maglakad sina Joven ay nagpaalam na si Sir na dismissed na ang P.E. hindi ko alam kung ano'ng mangyayari kina Arvind sa office.

Umakyat ulit ako sa building namin para pumunta ng locker, doon ko kasi inilagay ang bag ko at magpapalit ako ng damit. Pagkabukas ko ng locker, may nakita na naman ako ng sulat.

'crush kita'

Hindi ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Si Joven!!? Crush ako!? O si Arvind!? Hindi ko alam kung sino sa kanila ang naglagay. Pero kung sino man sya, sorry nalang dahil may iba akong crush.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now