Kabanata 6

114 4 0
                                    

Kinabukasan ay dinala ko ang gitara ko at maaga din akong pumasok. Sabi ni Joven gusto nyang pagaralan tugtugin ang Together, sabi ko nga pagaralan muna ang mga keys,mapilit eh pero aaminin ko mabilis syang matuto.

"Naks pare, pwede na bang manligaw?" Pang-aasar ni Gretchen

-_-

"Tseh doon ka nga sa crush mo" pag-taboy ni Joven kay Gretchen

"Kayabang naman, wala sa tono yung tugtog mo hoy!" Bawi ni Gretchen

Ilang saglit pa ay may sumilip sa pinto ng classroom namin.

"Dito po ba si Keira Mae Villamor?" Tanong ng isang lalaki

Napatingin sa akin si Shelei

"Opo eto po oh!" Turo sa akin ni Andreah

Tumango ang lalaki kay Andreah at bumaling sa akin sabay ngiti, nginitian ko ito pabalik.

"Tawag ka po" ani ng lalaki

Lumabas na ako sa classroom at sinundan yung lalaki, nagpakilala sya na Miguel at pinapatawag daw ako ng president ng Glee club.

Nakarating na kami sa music room, pinihit ni Miguel ang pinto

"Andito na po si Villamor" masayang ani ni Miguel

Ngumiti sa akin ang president ng club at nginitian ko din pabalik. Inaya ako na maupo,tanggap na ako sa club na ito. Nagmeeting kami na simula bukas magpa-practice na kami para sa next month.

"Diba crush mo si Arvind?"

Nagulat ako ng tanungin ni Miguel iyon

"Easy, kaklase nya ako" bahagya pa itong tumawa

Sino naman ang nagsabi sa kanya non? Si Shelei kaya?

"Totoo pala na magaling kang tumugotg ano" ani ni Miguel habang inaayos ang mga music instruments.

Umiling ako at tumawa

"Hindi magaling, marunong lang ano" sabi ko

"Nga pala sige pwede ka ng bumalik sa classroom nyo ako nalang bahala dito"

Nginitian nya ako at tumango sya.

"Sige ah, salamat" umiling sya at napakamot ng ulo

"Wala yon ano ka ba" mahina syang tumawa

Nagpaalam na ako at tumalikod naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko si Arvind. Nginitian nya ako tsaka sya nagpatuloy sa paglalakad.

Ang bilis ng tibok ng puso ko,close naman kami ni Arvind ayun nga lang bihirang makapagusap sa personal, sa chat puro kamustahan. At bihira nya akong ngitian dahil mahiyain din yan.

Ang ending,bumalik ako sa classroom namin nang nakangiti. Kinalabit ako ni Shelei

"What's wrong?, You're smiling like an idiot"

I stared at her and narrowed my eyes. I really hate that side of her.

"Hoy ah yang bunganga mo Shelei" she just smiled at me.

Dumating si Ms. Jenne ang subject teacher namin sa Science nagpaproject si ma'am yung magluluto, mixture kasi ang lesson namin. Bukas yun gagawin.

At dahil may grupo-grupo kami, lumapit na ako sa mga kagrupo ko. Napagusapan namin na mag buko pandan at mag Graham balls na lang.

"Keira, ikaw nalang leader namin" presinta ni Jillian.

Napatingin ako sa kagrupo ko, nakatingin din sila sa akin,napahinga ako ng malalim palibhasa ay mga tamad eh. Nagbell na at kinuha ang bag ko.

Naglalakad ako palabas nang hablutin ang bag ko kaya napatingin ako sa likod si Joven na naman.

"Oh bakit?" Tanong ko

Nakangiti na naman sya na parang ewan.

"Samahan mo naman ako" nagsiklop pa ang kamay nya

"Bibili ako dyan lang sa kanto" ani ni Joven

Meron kasing grocery store sa kanto kaya mabilis lang, hindi ako ang bumili ng kailangan dahil inatas ko yon sa iba.

"Hmn, sige" nagtatalon pa ito na parang bata

Naglalakad na kami palabas

"Ani bang gagawin nyo bukas?" Tanong ko,

May hawak na naman sya na pagkain, ayh nako talaga. Nanliit ang mata ko nang matanaw ko si Justin.

Nga pala, si Justin ay crush ni Odette— este mahal ni Odette, bilib nga din ako kay Odette, dahil kahit hindi sila nagkikita ni Justin crush nya pa din, well knowing na doon sa school na pinasukan ni Odette madaming pogi don.

Nakita ako ni Justin kaya kinawayan nya ako, tumigil siya saglit at inintay pa na makalapit kami.

"Musta?" Tanong nya,

Nginitian ko siya

"Eto okay lang, eh ikaw?" Tanong ko sa kanya

"Ayun training sa badminton" nakangiting ani nya

Matalino din naman 'tong si Justin

"Eh yung crush mo crush ka pa ba?" Inosenteng tanong ko

Ngumiti lang sya "Ewan"

Hanggang doon lang ang usapan namin dahil nagmamadali si Joven, hinahanap na daw sya kanila.

Nang mabili namin lahat nagpaalam na ako sa kanya pero hinatid nya ako sa sakayan.

"Par ingat!" Paalam nya,

"Ikaw din"

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now