CMLTC Special Chapter

105 3 0
                                    

"Hija are you done?" Tanong ni Tita Lyn sa akin

Kasama ko kasi si Tita Lyn ngayon dito sa department store, nag-shopping kami para sa debut ni Kathryn ang pamangkin niya, next week na kasi iyon. Napili kong iregalo ang shoes na gustong bilhin ni Kathryn last time kasi siya ang kasama ko doon.

"Opo tita" I smiled

" Okay tara na sa counter para mapunch na" I slowly nodded

After noong mawala si Arvind, mas napili kong magsasama kay Tita Lyn, kasi gusto kong makalimutan niya din kahit papaano. Ayokong magkasakit si tita ng dahil lang doon. After namin dito ni tita, magkikita kami nila Andreah kami naman ang magba-bonding.

"Let's go hija?, Oh by the way asan na sila Andreah nga pala?" I blinked twice before answering Tita Lyn.

"Ah, papunta na po iyon, 5 minutes nalang" true naman kasi, nagtext sa akin si Shelei kasama niya daw si Andreah at ang husband niya.

"Oh there they are" tinuro ni tita ang bandang entrance

Nagtagpo agad ang mata namin ni Shelei nakangiti siya at parang batang nagtatakbo sa akin.

"Kamusta na!" She said while scanning my body

"Okay lang ako" napatango siya tumingin ako sa tiyan niya.

She's 2 months pregnant wala pa kaming napapansing pagbabago sa kaniya.

"Ah, hija. Mauna na ako ah? Nagtext na si Kathryn" paalam ni tita

Susunduin kasi siya ni Kathryn, sa akin niya iniwan ang ireregalo niya kay Kath.

"Sige po tita ingat" she nodded and gave me a smile

Nang makaalis si tita, niyaya ako nila Andreah sa restaurant. Magkatabi kami ni Andreah at katapat namin ang mag-asawa.

"Oh eh kamusta naman kayo?" Tanong sa akin ni Andreah, i stroked my eyebrows

" Ni ano" i rolled my eyes

You know what kase, after ng 40 days ni Arvind everyday na silang may ipinapadate sa akin, tuloy nagmumukha akong desperada sa ginagawa nila.

"Buang, tumigil ka nga Andreah pasakan ko ng pearl yang bunganga mo" sabi ko, she shrugged her shoulder

"Bakit ba kasi ayaw mong humanap–"

"Bakit hindi ikaw ang maghanap" i said in a sarcastic tone.

"Hala ah, gusto mong malagot ako sa fiance ko?" Sagot niya sa akin

Pwes ako din, gusto mo akong malagot kay Arvind? Oh no please.

"Sige ah mag-cr lang ako" paalam ko sa kanila.

Halos libutin ko ang buong restaurant at wala palang cr dito. Tinuro ako ng staff doon sa cr ng mall. napairap ako, anong klaseng restaurant sila? Next time talaga hindi na kami dito.

Pagkapasok ko sa comfort room medyo maraming tao, malamang matatagalan pa ako. After 10 minutes na pag-iintay, nagdecide na akong lumabas.

"I'm sorry" paumanhin ko dahil paglabas ko nabangga ko siya

Nag-angat ito ng tingin sa akin. Bigla akong kinabahan hindi ko alam kung bakit. Napahinga ako ng malalim.

"It's alright, are you okay miss?"

Sa halip na sumagot natulala ako sa kaniya. It's been a year pero bakit tanito? Parang tumigil ang ikot ng mundo, I'm not sure pero bakit kamukha niya ang kaharap ko?

"Hey miss okay ka lang?"

Should I say hindi?

"Ah oo" i smiled a little

"Hmm, I'm Jai" nagbaba ang tingin ko sa kamay nya na inilahad niya sa akin

Bakit si Arvind ang nakikita ko? Kamukha nya talaga, pero may pagkakaiba ang boses nila.

"Keira" inabot ko ang kamay nya. Tinitigan niya muna ako bago binitiwan ang kamay ko.

"Sorry ulit" ani ko

"Okay lang" pagkatapos bigla kong nakita si Andreah na nakatingin sa akin

Nilapitan ko siya at nanlalambot na ako, inabot ni Andreah ang mukha ko.

"Okay ka lang?,  Bakit para kang nakakita ng multo?" Tanong ni Andreah

"Nakita ko kasi si Ar—Jai" nakunot ang noo niya sa sinabi ko

"Ha? Anong Arjai?" I shook my head

"Nakita ko yung kamukha ni Arvind, pero nagpakilala siyang Jai" nanlaki ang mata ni Andreah sa sinabi ko at tinignan ang puwesto ko kanina

"Hindi kaya, may kakambal si Arvind, naitanong mo ba iyon kay tita?" Tanong ni Andreah habang nakatingin padin kung saan nakita ko si Jai

I immediately called tita.

"Hello tita?" Nanginginig ang kamay ko

"Oh hija" napahinga ako ng malalim habang nakatingin kay Jai na may kausap din sa telepono

"Tita.. I-I just want to ask. M-may k-kambal po b-ba s-si J-jai?" Nauutal na tanong ko dahil sa sobrang kaba ng dibdib.

Seconds of silence....

"Oo,hija" nabitawan ko ang cellphone ko

Hinagod ni Andreah ang likod ko. And she get my phone na nalaglag.

"So meron?" Tanong niya habang gulat din. I slowly nodded

"Oh my god" napaatras siya.

Maybe it's really meant na may mawala dahil maaring may bagong darating. After the rain there's always a rainbow. Everything happens for a reason. Habang nagpapatuloy ako sa buhay si Arvind nag nagiging inspirasyon ko.








A/N: Thank you for reading!! Please support I Met The Player!! :).

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now