Kabanata 5

124 5 0
                                    

Makalipas ang 1 linggo, narito kami ngayon sa Library, nagbabasa ng libro. Nadi-distract ako sa paraan ng pagtingin sa akin ni Joven. Actually he's acting weird lately.

Nakatitig sya sa akin ngayon, simula ng maupo kami dito hindi na nya inalis ang tingin nya sa akin. Nakikipagtitigan ako sakanya pero hindi ko kinaya kasi ilang na ilang na ako. At kahit ngayon na nasa libro ang buong atensyon ko, kitang-kita ko sa peripheral vision ko na nakatitig sya sa akin.

"Ano bang problema mo!?" Medyo napalakas ang boses ko, kaya pati sina Andreah, Shelei at Gretchen ay nakatingin na sa akin.

Nagpeace sign ako kina Andreah at ibinalik ang paningin kay Joven. Hindi nya ako singot basta nalang sya nakatingin sa akin na parang binabasa ang emosyon ko.

Itinabing ko ang libro na binabasa ko sa mukha ko, aist ano ba kasi yon, bakit ba kasi ganoon sya kung makatingin?

Nang natapos ko na ang pocket book na binabasa ko, ibinaba ko iyon, nanlaki ang mata ko ng makita na nakatitig pa din sa akin si Joven,  naka-head-down lang sya pero sa akin nakatingin, at yung libro na kinuha nya hindi iyon nakabuklat. Kung paano ko nakita noong una, ganoon pa din ngayon.

Tumayo ako at ibinalik sa shelf ang libro, lumapit sa akin si Andreah.

"Uy ano yon? Bakit natulala na ata si Joven sayo?" Tanong ni Andreah sa akin.

Nagkibit-balikat lang ako. Kahit ako hindi ko din alam eh, noong nakaraan ganoon din siya sa ibang paraan nga lang.

"Guysss! Sinong may ballpen!?" Sigaw ni Joven,

Napatingin ako sa kanya,kinuha ko yung isang ballpen sa case ko, pero nakalahad na ang ballpen ni Cleah sa kaniya, tinignan nya ako at ibinaba ang tingin sa ballpen na hawak ko. Humigpit ang hawak ko sa ballpen.

"De eto na kay Keira"

Halos manlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. Sabay hablot ng ballpen na hawak ko.

End of the Flashback

"Di ko nga din alam eh, ang weird nya kaya this past few days" iyon ang sinabi ko

Tumango-tango si Andreah. Tumingin pa ako ng ibang pwedeng basahin

"Agree ako don, napansin ko din lagi na nakatingin yun sayo" sabi ni Andreah

Maya-maya pa ay lumapit na sila Gretchen sa amin at kunot noong  ibinalik ang librong hawak nya.

"Oh e bakit naman ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko

"Eh paano kasi hindi ko maintindihan yung binabasa ko" tila maiiyak pang ani ni Gretchen

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maawa ako sa kanya. Mahinang tumawa si Andreah

"Bakit kasi english ang binabasa mo?" Tanong ni Andreah

Gretchen rolled her eyes bago sumagot

"Hello buti sana kung may tagalog dito" mataray na sabi ni Gretchen

"Nako Gretchen ah tigilan mo ako sa katarayan mo ha, bubunutin ko yang mata mo" nananakot na ani Andreah

Binalik na nila ang mga hawak nilang libro at lumabas ng Library. Dumiretso ako sa locker.

Kukunin ko sana  yung libro ko sa Filipino nang mapansin ko ang isang maliit na papel. Nakatiklop iyon at tila gawa pa sa pinilas na page ng notebook. Binuksan ko iyon.

Hi, kung mabasa mo to siguro hapon na, sana maturuan mo ako tumugtog.

"Keira!" Sigaw ni Shelei at tinaas-baba pa ang kamay sa mukha ko

Mabilis ko inilagay ang sulat sa loob ng locker at isinara.

"Natutulala ka na din?" Tanong ni Andreah

Mabilis akong umiling, at tumingin sa hagdan parang may nakita akong nakasilip. Ipinilig ko ang ulo ko.

"Andyan pa ba si Joven?" Tanong ko sa kanila.

Nagtitigan muna sila bago ako sagutin

"Wala na" sabay nilang ani. Tumango-tango nalang ako

Bakit si Joven ang hinanap ko?.. Siya lang kasi ang naisip kong gagawa no'n, hindi pwedeng si Arvind dahil walang pakialam sa akin yun.

Kinabukasan maaga akong pumasok nadatnan ko si Joven na nagse-cellphone. Ibinaba ko ang bag ko sa upuan ko at nilapitan siya.

"Joven"

"Hmn?" Sagot nya at nasa nilalaro ang atensyon

"Ikaw ba yung naglagay ng sulat sa locker ko?" Tanong ko sa kaniya

Bigla siyang natigilan at nakatingin sa akin. Pinatay nya yung cellphone nya at humarap sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"A-ako?" Turo nya sa sarili

"Hindi yung anino mo,malamang ikaw diba?"

Nilagay nya ang kaniyang kamay sa ulo at naglulumikot ang mata.

"So ikaw nga?" Ulit ko sa tanong ko

"A-ah, a-ano oo s-siguro– este o-o a-ako n-nga" nauutal na sagot nya

Ang weird nya talaga

"Eh bakit hindi mo pa sinabi na sakin at talagang nagsulat ka pa" natatawang tanong ko.

"E-eh ka-kasi n-nahihiya ako"

Doon na ako tumawa ng sobra (A:siguro mga lima Keira ano?)

"Sa itsura mong iyan!?—" Turo ko sa kanya mula ulo hanggang paa

"—may hiya ka pa pala"

Tumayo sya at lumabas ng classroom,hindi ko na siya sinundan dahil may gagawin pa ako.

Chasing My Long Time Crush Where stories live. Discover now