Kabanata 12

86 4 0
                                    

Lunes na ngayon......meaning FINALS na ngayon. Kinakabahan ako habang naglalakad sa gate. Nagulat ako ng may umakbay sa akin.

"Aga-aga kinakabahan ka" hinawakan ni Joven ang kamay ko na nanlalamig.

Finals na, sinong hindi kakabahan? Baka mamaya bumagsak ako.

"Eh ikaw di ka ba kinakabahan?" Tanong ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan papunta sa building namin.

Narinig ko ang pag-ngisi nya "Ano ka ba? Bakit ako kakabahan e lagi naman akong bagsak"

Napatingin ako ng masama sa kaniya. At kinurot sa tagiliran niya.

"Ano ka ba joke lang, nag-review naman, sabi mo nga walang mahirao kung nagrereview" pabiro niyang sabi

Napangiti ako, tumatatak naman pala sa kaniya yung mga sinasabi ko sa kaniya. Nang maka-akyat kami napatigil ako sandali, ganoon din siya.

"Oh bakit?" Nag-aalalang tanong niya

Tumawa ako at umiling "hindi, kailangan ko lang mag-locker, naalala ko kasi may folder ako doon"

"Oh sige tara kunin natin" hindi na siya nagdalawang isip kung sasamahan ba ako o hindi.

Dahil magka-lapit lang naman ang locker namin may kinuha din siya. Binuksan ko ang locker ko at bumungad na naman sa akin ang papel na nakatiklop.

Good luck sa exam :)

"Aba, nawiwili yung sumusulat sa iyo ah"

Hindi ko namalayan na katabi ko na si Joven, napatawa ako.

"Oo nga" ngumiti ako

"Aba, sabihin mo magpakita na siya, sa akin muna siya dadaan" napabuntong hininga siya.

Oo nga, kahit ako din na-curious kung sino ba iyong sumusulat sa akin eh pero mabait yon, at mukhang walang balak na ipahamak ako.

"Tara na nga" kinuha ko ang folder at sinara ko ang locker ko








"Okay class 1 hour lang ang Science, when I say times-up  finished or not finished pass your papers, are we clear?" Malamig na sabi ni Mrs.Padua

Nagsimula na kami magsagot, lumipas ang ilang minuto ay nakarinig ako nang nag-uusap....

"Pst... 41" rinig kong sabi ni Patricia

Tumingin ako sa kinaroroonan ni Mrs.Padua. nakatayo siya sa may pinto kaya hindi niya marinig ang pinag-uusapan sa likod. Maya-maya ay narinig kong nagsalita si Angel, sinabi niya ang sagot!

Freak! That's cheating!!.. tinignan ko ang wristwatch ko, 15 minutes nalang tapos na ang 1 hour. Since tapos na ako mag-sagot naisip ko na magkunwaring nagsasagot pa rin ako.

"43?" Si Angel naman ang nagtanong

Bago pa man makapag-palitan ng sagot ay inilaglag ko ang pencil case dahilan para makalikha ng ingay. Biglang bumaling ang tingin sa akin ni Mrs.Padua.

Pinulot ko ang pencil case "I'm sorry ma'am"

Matapos non hindi ko na narinig na nag-usap ang dalawa.

Natapos kami sa exam, at break time namin ngayon. Kasama ko sila Andreah na ngumunguya ng paborito niyang burger....

"Oy Pare, olom nyo bo nokoronog—"

Nakatanga kaming lahat kay Shelei at pilit na iniintindi ang sinasabi niya. Nag-peace sign siya at nilunok ang nginunguya.

"— ako nang nag-uusap kanina" pagtapos niya sa sasabihin niya. Tumango naman si Andreah

"Oo nga!, Agree kasi kanina naririnig ko si Angel na parang bumubulong" ani ni Andreah habang binubuksan ang mineral water na hawak.

Actually hindi lang naman talaga iyon ang unang insidente na nangyari ang ganoong bagay. First Quarter pa lamang ay nangyayari na iyon, hindi lang kami nagsusumbong. Pero ngayon desidido na akong mag-sumbong dahil hindi nila deserve ang makabilang sa honor students, cheating isn't a right way to be one of the honor students.

"Ahm wait lang ha, may pupuntahan lang ako" nagpaalam ako sa kanila at tinignan ang wristwatch, 20 minutes is enough to explain everything.

Pumunta ako sa faculty. Huminga ako nang malalim bago kumatok. Pagkatok ko ay binuksan ko nang marahan ang pinto, bumungad agad si Mrs.Padua na nasa kaliwang parte ng faculty.

Napatingin siya sa akin at bahagyang kumunot ang noo nya pero nawala din kaagad.

"Oh Ms. Villamor, what are you doing here?" Nginitian ko si ma'am at lumapit sa table niya.

"Please seat down" naupo ako gaya ng sabi ni ma'am.

Nag-iintay siyang magsalita ako. Tinignan ko muna ang wristwatch ko, 15 minutes...

"Ma'am, about po kanina sa pag-kalaglag ng pencil case ko—" hindi pa ako tapos ay natawa si ma'am

"—sindaya ko po iyon" natigilan bigla si ma'am sa sinabi ko.

"What do you mean?" Takang tanong niya

"Sinadya ko pong ilaglag para mabaling ang atensyon niyo sa amin. Inilaglag ko po 'yon dahil narinig ko po sina Angel at Patricia na nagpapalitan ng sagot" seryosong sabi ko kay ma'am

"Oh God! They're so unbelievable!, All this time? Si Angel ay isa sa mga honor students! For Pete sake!" Hindi makapa iwalang anas ni ma'am.

"Thank you for that Ms. Villamor" nginitian ko si ma'am.

Tinignan ko ang wristwatch ko, 10 minutes nalang tutunog na ang bell.

"Sige po ma'am mauna na po ako" tinanguan ako ni ma'am.

Lumapit ako sa pinto at pinihit ang doorknob..

"Actually ma'am ang totoo po niyan, simula First Quarter ganoon na sila"

Lumabas na ako at dumiretso sa klase para tapusin ang natitirang exam. God please guide me. Siguro naman ngayon na nalaman na ni Mrs. Padua ang nangyayari ay mabababaan sila Patricia at Angel sa deportment...

Chasing My Long Time Crush Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang