Kabanata 19

73 2 0
                                    

Kinabukasan, 15 minutes after 5 ay nasa school na ako dala ko na ang gitara ko at dumiretso sa music room.

"Ay Palaka!" Sigaw ko ng may humawak sa balikat ko

Humarap ako at as usual, si Miguel na naman ang nakita ko.

"Oh anong trip mo?, Ang aga-aga gusto mo na atang mamatay ako sa nerbyos" masungit na tanong ko dahil bigla akong nawala sa mood

"Chill. Magpa-practice ako" sabi niya

Di naman halata dahil naka-sabit sa kaniya ang gitara, palibhasa sound proof ang music room.

–_–

"Iiwan ko ang gitara ko, anong oras ang practice?" Tanong ko sa kaniya habang isinasandal ang gitara

"Hmn, same pa din, after class"

Tumango nalang ako at nagpaalam na sa kaniya. Naglalakad ako papunta sa room ng may narinig yabag mula sa likod ko. Bigla ata akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko.  Napayukom ako at binilisan ang lakad, laking gulat ko nang bumilis din ang yabag sa aking likod. Tinakbo ko ang classroom namin, binuksan ko ang pinto at pagkapasok ko sinarhan ko at sinandalan ko iyon.

"God please help me" mahinang anas ko

Biglang may kumatok at doon ako mas lalong kinabahan. Siguro'y naka-tatlong katok ito bago tumigil. Halos tawagin ko na lahat ng santo sa takot ko. Lumipas ang isang minuto at kumatok ito ulit. Siguro kaklase ko na iyon kaya binuksan ko na.

"Did I scared you?" Tanong niya sa akin habang binabasa ata ang nasa isip ko

"Yeah a little" niluwagan ko ang bukas ng pinto at naupo na ako.

Anong a little Keira?  E halos tawagin mo na ata pati nanay mo. Tinig ng isang bahagi ng isip ko.

"Sorry"

Luh wag kang marupok Keira! Tinakot ka niya!

"Ah okay lang" nanlalamig tuloy ang kamay ko sa takot na 'yon.








"HAHAHAHAHAH" hindi matigil sa pagtawa si Andreah dahil sa kinuwento ko.

"So, you're thinking na may ibang tao na sumusunod sa iyo gano'n?" Tanong ni Joven at biglang tumawa. I just nodded.

"Then, he asked you if natakot ka nya at sinagot mo a little kahit halos natawag mo na lahat ng santo?" Shelei asked between her laugh. Tumango lang ulit ako.

Ganito sila, kita nyo ugali? Ansaya nila na ganoon. Pero legit yung takot ko po kanina. Hehehe.

"Eh ano sabi niya?" Tanong ni Gretchen habang ngumunguya

"Wala, anong sasabihin non?" Sarcastic na tanong ko

"Weh?, Yun pa si Villanueva eh sira ulo yon" seryosong ani ni Joven at ngumisi

Parang kahit kaibigan ko sila gusto ko na silang pugutan right now...

"Yie, nagdadalaga na ang aming Keira" sinundot-sundot ni Shelei ang tagiliran ko

"Heh! Bilisan niyo kumain oh! 10 minutes nalang mag-start na klase namin sa Filipino" yun nalang ang sinabi ko dahil pahahabain pa nila ang usapan.

Biglang pumasok si Mrs. Alona, ang teacher namin sa Filipino. Tumayo kami at binati siya. May gagawin kaming project sa kanya pero ngayon lang kami mag-gugrupo.

"Ganito nalang, pipili nalang ako ng 5 leader at sila na ang bahalang pumili ng gusto nilang kagrupo alright?" Tanong ni Ginang at tumango kami.

Tinawag niya si Arvind, Jerome, Miguel, Joshi at Mark. Kaya daw lalaki ang pinili ni ma'am na magleader dahil lagi nalang daw babae.

Nagulat ako dahil hindi pa ako pinipili. Nag-crossed finger ako, sana! Sana.. sana ano...kay Arvind ako....sana tawagin niya ako....

"Ahm, next si... Villamor po"

Doon na ata nagtatalon ang puso ko, kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-ngiti. Lumapit na ako sa kaniya, ako ang huli niyang pinili. Kakilig naman.

"Sige na simulan nyo na ang pag-gawa ng brochure, papasa ninyo iyan sa akin bago nag-uwian."

Ako ang nag-gupit ng mga pictures. Ang lesson kasi namin ay iba't-ibang magagandang lugaw sa Pilipinas. At pinagawa kami ni ma'am ng brochure.

"Sino pong may extra scissors?" Tanong ni Miguel

Agad akong napatingin sa kaniya. May extra  ako kaso bakit may pumipigil ata sa akin na wag ko siyang pahiramin?. Ay ewan. Tumayo ako at lumapit sa bag ko, kinuha ko yung gunting at ipinahiram sa kaniya.

"Ah thanks, buset yang si Villanueva ha, dapat akin ka eh" seryosong ani ni Miguel

Bigla akong pinamulahan ng pisngi. Anong akin ka!? Ano ba Keira kung ano-anong naiisip mo. Hay nako.

"Keira!" Seryosong tinig ng leader namin

Nakita kong seryoso siyang nakatingin kay Miguel, bumulong sa akin si Miguel

"Yie, selos na naman crush mo oh" siniko ko siya dahil siguro mukha ng kamatis ang mukha ko.

Bumalik ako sa mga ka-grupo ko at tinuloy ang pag-gupit ng mga pictures. Wala pang uwian ay natapos na namin kaagad, mabuti na yung nauna kaysa naman mahuli kami.

Matapos ang klase naglunch ako at dumiretso na sa music room. Uupo pa lamang ako nang biglang may dumating

"Hi" nakatalikod ako sa bumati

"He's our new member, please introduce yourself" ani ni president.

"Hi, I'm Arvind Villanueva"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang pangalan niya at ang boses niya. Sya!? Kasama ko siya!!!?? Omyghod talaga. Sobra-sobrang blessings ang ibinigay nyo God. Napangiti ako ng wala sa oras habang nakangisi sa akin si Miguel.

Chasing My Long Time Crush Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu