A LOVE WITHOUT LABEL

7.6K 141 21
                                    

Hi Readers, I just want to inform you that this story was already Published under My Imagination and only cost 1M.

Charrrrrrrrrrr.

Disclaimer :

This story is a work of fiction, pero may pagkakahawig ito ng konti sa tunay na buhay ng may akda. May ilalagay ako dito na mga pangyayare na nangyare na saakin kaya alamin nyo nalang kung ano yun.



Reminder :

This is unedited so you'll encounter Grammatical Errors, Punctuations and Typographical Errors in the story. Please bare with me.




SIMULA




Roses are Red

Violets are Blue

Mahal kita

Mahal moko

Pero

Imposibleng maging tayo

Have you ever fell inlove to the a person you've just met online?

Have you experienced Long Distance Relationship?

Minsan ka na rin bang nagmahal sa isang taong imposibleng mapasayo habambuhay?

Minamahal mo sya

Minamahal ka nya


Pero lahat ng yon ay pansamantala


Dahil dadating yung araw na iiwan ka nya

Mawawala sya

Dahil tutuparin nya ang bokasyon na hindi ka kasama.

At dadating yung panahon na ikaw ay magiging parte nalang ng kanyang mga ala ala.

Hindi man naging kayo

Pero nagkaroon ka ng malaking parte sa buhay nya.

At kahit kailanman hindi ka nawalan ng puwang sakanya

Ang hirap pala magmahal. Dati pinapangarap kong mahalin pabalik ng taong mahal ko. Dahil akala ko sasaya ako Tapos nung nangyare na nga wala na. Hindi pala nakakatuwa. Oo masaya nga pero sa una lang. Parang Bubble gum lang yan sa una lang matamis tapos kapag tumagal wala ng lasa nakakawala na ng gana.

I want to share my story to y'all. The story between mine and a boy I met online. Wala naman tong pinagka iba sa mga Love story na nababasa ko at napapanood ko dahil palaging may conflict na nangyayare, syempre hindi naman yun mawawala kasi andun yung twist ng story. Dun mo mas lalong mararamdaman ang lahat ng emosyon na nais iparating ng may akda sa mga sumusubaybay.

Ang nais ko lamang iparating eh sana basahin nyo parin. Maraming salamat.

Sabay naman nag hiyawan ang mga taong nasa baba ng entbladong aking kinatatayuan, at ang mga taong yun ay ang aking mga taga suporta.

4 Years nakong tumatayo sa parehong entablado kapag may ilalaunch akong bagong story o kaya naman kapag mag book signing. I'm so glad kasi narating ko na ang mga pangarap ko. At isa na dun ay ang pagiging Published Writer. Ang sarap sarap sa pakiramdam na pinapalakpakan ka, hinihiyawan, pinagkalaguluhan at minamahal ng marami. Yung pagmamahal na minsan ng ipinagkait sayo ng tadhana dati. Haysss

"Ate Vya sa 4 na taon mo pong pagsusulat? Sino po ba ang natatanging inspirasyon nyo?"

Napatigil naman ako sa pagkaway sa mga fans na panay sigaw saakin ng ' i love you' ng marinig ko ang tanong ng isang Fan ko din.

Nginitian ko sya ng Pilit kasi hanggang ngayon hindi ko parin masagot ang parehong tanong sa apat na taon ko bilang isang writer. Ang hirap hirap parin sagutin ng tanong na nagbibigay kaba at kurot saaking puso.

Iisang tao lang naman kasi ang tangi kong inspirasyon. Kundi yung taong Minahal ko when i was 17 years old. Hindi naging kami pero ipinaramdam nya saakin yung feeling na mahalin pabalik ng taong mahal mo. Actually my latest Published book intitled " Because of You" was all about us. The story was All about our naudlot na pagmamahalan. Hindi naging kami kasi mas pinili nya yung pangarap nya kesa saakin. Kaya pala ayaw nyang maging kami noon. Sinabi nya saakin na hindi na importante ang label. Ang importante e mahal natin ang isat isa. Naniwala ako sa mga sinabi nyang yun kaya sumang ayon nalang ako sa gusto nya.

After 4 years akala ko makakalimutan ko na sya. Pero wala. Hindi kaya ng puso kong mawala sya. Kaya hanggang ngayon sya parin kahit hindi na ako.

"Ate True to life story po ba ang Because of You?" Tanong pa nung isa.

"Its only a fiction" sagot ko. Yan yung lagi kong sagot sa tuwing may magtatanong saakin kahit noong di pa published ang book. Ayoko kasing malaman ng iba yung tunay na nangyare saamin. Pero nasa libro na yung mga pangyayare. sila nalang bahala ang mag isip kung ako at sya yung bida sa kwento.

Alam kong naccurious na kayo kung ano nga ba ang mga nangyare bago ko ipublish ang aking latest book.

Im sure sabik na kayong malaman kung sino ang 'inspirasyon' na aking tinutukoy.

Bakit nya ba ako iniwan?

Bakit ayaw nya na magkaroon ng kami?

Ano ba yung pangarap na ipinalit nya sa pagmamahal n'ya saakin?

Paano nga ba kami nag kakilala ng taong aking minahal na higit pa sa sarili ko.




:)

A Love Without label [Completed]Where stories live. Discover now