CHAPTER 3

1.2K 52 3
                                    

A Love without Label
By: LadyDivichi


Chapter 3

This is the 4th week without Andrew, no chats, no onlines, no sweet messages from him. Oo namimiss ko sya ng sobra sobra. Pero nawalan na din ako ng pag asa na bumalik sya. At kung sakali man na bumalik sya with his reasons good or bad tatanggapin ko. Dahil naniniwala ako na lahat ng bagay are meant to happen with or without reasons. Kapag nangyare ang isang bagay di mo na yun mababago pa, yung tao nalang talaga yung bahalang magpatawad sa taong nagkasala.

So ayun nung nawala si Andrew minsan nalang ako mag online. Pero di ako nawawalan ng pag asa na babalik sya. Naghihintay parin ako sakanya. Hinihintay ko palagi na mag pop up muli yung pangalan nya sa status bar ko.

Umupo ako sa kama ko habang hawak ang Cellphone ko. Nakatingin lang ako sa kawalan nh biglang tumunog yung 'Puking' ng messenger napangiti ako dahil umasa akong sya yun pero im wrong. Hindi sya yun.

I received a message from a stranger named Denice Garcia.

Denice Garcia : So you are Vya Admirable? Yung mahal na mahal ni Andrew?

Nanlaki yung mata ko sa chat nya. Nacurious ako bigla sakanya. Sino sya? Kaano ano nya si Andrew? Close ba sila?

Yan yung mga tanong sa isip ko na gusto kong malaman pero...

Denice Garcia : Sis alam kong nag hihintay ka parin sa kanya hanggang ngayon pero di na yun babalik sayo kasi akin na sya.

Nanlumo naman ako sa nabasa kong mensahe mula kay Denice. Di ko namamalayan na umiiyak na pala ako. Nanginginig at nasasaktan.

Kaya ba bigla nya nalang akong hindi kinausap kasi may iba naman pala sya? Kaya ba iniwan nya ako kasi may mahal naman syang iba! Pakshit! Asan ako dun? Asan ako nung mahal nya yung Denice? Ano yun? Joke joke lang na Mahal nya ako? Baka nga kasi joker sya.

Shit naman! Ganto pala to. Kapag nalaman mong may mahal na iba yung taong mahal mo para bang dinudurog yung puso mo.

Napangiti nalang ako ng mapakla habang nag iisip ng kung ano ano.

Balak ko syang replyan nun pero hindi kaya ng kamay kong magtype ng mga salita dahil sa sobrang panginginig nito.

Muling nag pop up yung name ni Denice sa Status bar ko at binasa ang chat nya.

Denice Garcia :  Joke lang yun sis hahahahahaha. Naiyak ka no? Charrr lang yun, wag ka pakaseryoso jan. Ako si Denice kaibigan ako ni Andrew. Bading ako kala mo babae ako? Wahahahahaha huli!!!!

Bigla nalang akong napatitig sa kawalan ng mabasa ko yun. Halos isang minuto akong natulala at pagkatapos nun. Tumawa ako ng malakas na malakas. Para akong sira dito na tawa ng tawa. Hindi ko alam. Naiiyak ako habang tawang tawa. Natatawa ako sa sarili ko kasi ganun ako kadali mauto. Ganun ako kadali mapaniwala ng isang tao. Grabe! Hayp yan.

Napangiti ako muli ng mapakla ng marealize kong ang TANGA TANGA KO.

Denice : Sige na nga sasabihin ko na sayo yung dahilan kung bat nawala si Andrew for almost 3 weeks.

Nagkaroon naman ako ng interes sa sasabihin nya kaya hinayaan ko lang syang magreply.

Denice : Nasira yung Selpon ni Andrew, binasag ng Papa nya. Kasi palagi nalang daw selpon ang hawak ni Andrew. Wala na itong magawa. Nakakalimutan nya na lahat ng mga gawaing bahay. Kaya noong nalasing yung Papa nya sakto kachat daw nun ni Andrew kaya napagbuntungan ng galit binasag yung cp nya tas nasuntok pa si Andrew ng Papa nya ng Dalawang Beses dahil wala daw si Andrew'ng Kwentang anak.

Naglayas si Andrew after that pumunta sya sa bahay namin dito sa nakituloy. Ikwenento saakin ang lahat ni Andrew pati yung about senyo kaya kilala kita Sis. Di ka nawala sa bawat kwento ni Andrew. Palagi syang nag aalala sayo. Minsan nga nahuli ko syang umiiyak sa sulok kasi labis ka na nyang namimiss. Hindi nya magawang mag online kasi Nagtrabaho sya para pambili ng selpon. Sumama sya saakin pinasok ko sya sa isang coffee shop kaya ayun.

Sana maintindihan mo. Di ka nya iniwan. Mahal na mahal ka nya Vya.

Habang binabasa ko ang mga chats ni Denice Grabeng Luha yung nailabas ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi nag isip ako ng masama sakanya.
Di ko naman kasi alam na ganun pala yung nangyare sakanya. Naghalong Awa at pagmamahal ang naramdaman ko habag binabasa ko ang dahilan kung bakit nawala si Andrew ng halos 3 weeks.

Ngayon alam ko na. Hindi nako aangal pa. Ang iniisip ko nalang ngayon sana ok lang sya. Sana palagi syang ligtas at sana bati na sila ng kanyang Papa.

Im sorry Andrew dahil inisip kong iniwan moko. Im sorry, i love you

Vya Admirable :  Sabihin mo kay Andrew Mahal na mahal ko sya. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Mag iingat nalang sya palagi.

I replied to him/her.

Denice : Ikaw nalang magsabi sakanya.

Vya : Pano?

Denice : Hayyyy Ang init dito sa labasan nyo. Papasukin mo kaya kami.

Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. Nagulat ako ng may halong kaba. Yung kaba na kakaiba basta di ko maipaliwanag.

Nagulat naman ako ng bigla akong tinawag ni Papa at sinabi nyang may naghahanap saakin na dalawang tao at yung isa ay Bakla.

Mas lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko ng sabihin yun ni Papa. Kaya dali dali akong pumunta sa may bintana at binuksan ito ng kaunti. Nagulat ako ng makita ko sya.

Si Andrew nasa labas ng bahay namin naghihintay. May dalang bulaklak at may hawak na isa sa mga character na We Bare Bear yung Bear na pareho naming paborito.

Labis ang tuwa ko ng makita ko sya. Sobrang saya ko at di nako makapaghintay na mayakap sya. Kaya agad akong bumaba sa hagdan papunta sa labas. Wala na akong pake kung ano yung itsura ko basta ang importante makita ko sya, mayakap ng mahigpit at masabi ang mga salitang noon ay sa Online ko lang nasasabi.

'i love you'

Nasa tapat na ako ng Pintuan namin. At andito nga sya nakatayo at tuwang tuwa na makita ako. Agad akong tumakbo papalapit sakanya at agad ko syang niyakap. .

Pero bakit ganun? Bakit di ko sya maramdaman? Bakit?

Andrew!!!!

Bigla nalang akong nagising mula sa isang panaginip. Basang basa yung unan ng luha ko. Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang aking mukha na putlang putla. Mukha na Desperada na. Napaka Haggard ko na. Di na ako to. Di na ako ang dating Vya na puro lang tawa at kalokohan.

Ngayon ibang mukha na ang nakikita Ko. Si Vya na kumikintab ang mukha dahil sa luha na dumadaloy mula sa mata ko.

Ganito pala ang nagagawa ng pag ibig sa isang tao. Ginagawa kang Tanga, Timang at Bobo.

Kasalanan mo to Destiny! Bakit mo pa kasi ipinakilala ang taong di naman mag sstay saakin habang buhay. Bakit mo ba pinaparanas saakin to? Haup naman oh.

Nakaka inis.

A Love Without label [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon