CHAPTER 5

1.1K 58 3
                                    

A love without label
By: LadyDivichi

Isa rin ba kayo sa nag wwonder kung anong nangyare kay Andrew? Kasi ako rin eh. Bigla nalang syang nawala sa eksena.

Chapter 5

Nagsimula na yung Klase kaya mejo naging busy na ako. Nakaka stress pala yung college days. Hayss pero ok narin na ma stress ng dahil sa school works kesa sa pakening na love na yan.

Dahil sa sobrang busy ko ayan nakalimutan ko nanaman si Wattpad. Di ko alam kung ano ng balita sa mga stories ko. Hahaha.

Kaya ngayon after ko tapusin yung assignment ko. Dinalaw ko si Wattpad. Ayun as usual padami ng padami yung votes reads at comments. Nakakatuwa.

Tapos dinalaw ko rin si Twitter grabe sabog din. Pati si IG. Pero di rin talaga magpapatalo si FB. Yan tayo eh. Sa FB narin kasi kami nagchachat ni Ms. gomez yung head ng *** Book Publishing.

Noong nakaraang linggo naprint na yung Book na Huling ElBimbo tapos ready na para ilaunch tapos maghanda na daw ako sa book signing. Tapos kapag naging No.1 most selling yun eh pede maging movie.

Kaya next week baka di ako makapag online class kasi may 1 week straight book signing daw sa ibat ibang lugar gaya ng Manila,Cebu,Batanggas, Olongapo at huli dito sa Bicol.

Im so excited at sobrang saya kasi unti unti konng naaabot ang aking mga pangarap.

Thanks G.


----

Its June 21 na ito sana yung araw ng book signing ko kaso napostponed because of typhoon. Sayang excited pa naman ako. Kaya ipinagpagtuloy ko nalang yung mga paper works at mga iincode kong assignments. Ito yung isang advantage ng isang estudyante na nag online class kasi kahit masama ang panahon may klase ka. Ok na din kasi na aadvance ako sa mga lessons.

After I finished my work eh nagpahinga ako saglit. Tamang scroll scroll nanaman ako sa FB. Tapos tiningnan yung last message saakin ni Ms.Gomez. Ayun dito sa Christmas Vacation ko na itutuloy yung Book signing tapos ayun sakanya 5 spot nalang mag No.1 na ang Huling El Bimbo.
Tas sabi nya pa this August Ipupublish na inprints ang Dulce Mihi Vindicta after nila ireview.

Tapos yun ang saya ko nanaman nawala nanaman yung pagod ko. Hayssss.

Pagkatapos ko magbasa ng mga Post sa FB. Inilapag ko na ang aking selpon sa Desk ko katabi nung Laptop.

Ang lamig ng panahon dahil may bagyo nga. Signal no.2 na dito saamin sa Bicol. Kaya ramdam na ramdam na.

Ngayon mag isa lang ako sa kwarto ko. Malamang akin to eh. Tas sila mama at papa nasa sala nanonood ng Balita. Yung dalawang kapatid ko naman na babae nagseselpon. Lagot talaga yan pag nalowbat di ko sila papahiramin ng PowerBank.

Hayyy ang sarap matulog sa ganitong oras. Ang lamig parang ang sarap ng sopas. Hahaha.

Bigla naman akong napa isip. Kamusta na kaya sya? Kilala nya pa kaya ako? Ano na kayang buhay ang meron sya ngayon? Haysss. Sa haba ng panahon na wala na sya sa puso ko. Palagi parin syang binabanggit ni isip sa isipan ko. Di parin talaga sya mawala sa isip ko. Feeling ko namimis ko sya.

Kaya naman muli kong binuksan yung phone ko at inopen yung aking FB. Hinanap ko yung past convo naming dalawa. Tapos ayun tamang back read. Umupo ako sa kama para maging komportable ako.

Tapos di ko namamalayan umiiyak nanaman ako. Pero hinayaan ko lang yung pagtulo ng luha ko baka gusto nya lang makisabay sa pagbuhos ng ulan.

Pagkatapos kong mabasa yung last message na sinend nya saakin na 'I LOVE YOU, KAHIT WALANG TAYO SPECIAL KA SAAKIN' naka capslock pa para dama ko daw. Wew Special mo mukha mo.

A Love Without label [Completed]Where stories live. Discover now