CHAPTER 8

914 50 1
                                    

A love without label
By: LadyDivichi

Chapter 8

Vya P.O.V

Matapos ng last text saakin ni Andrew di na sya nag paramdam ulit. Its September na din. At tatlong araw nalang bago ang araw ng aming pagkikita. Naeexcite narin akong makita sya kasi pinangarap ko din talaga noon na makita sya. Gusto kong makita yung taong mahal ko. Gusto ko syang mayakap mahalikan at mahawakan ang kamay.

Masaya ako kasi finally magkikita na kami.

---

Its Already September 28 at wala paring paramdam si Andrew. Wala syang chat or text saakin para iconfirm na tuloy yung meet up.

Pero pumunta parin ako sa Mall kung saan ang aming napag-usapang lugar, inisip ko na baka isurprise nya ako. Pero pagdating ko dun wala akong nakitang kaluluwa o anino man lang ni andrew.

Tinatry ko rin syang tawagan pero Out of Coverage area. Halos naka sampong missed calls na'ko pero wala parin sya. Hindi parin sya sumasagot.

Ano ba naman yan. Paghihintayin nanaman ba ako ni Andrew? Papaasahin nya nanaman ba ako? Papaiyakin?

Di ko man lang nalaman agad na talent nya palang mang ghost. Konti nalang mapagkakamalan ko na syang multo eh.

Nagstay parin ako sa kinatatayuan ko ngayon kasi umaasa parin ako na darating sya. Umaasa ako na di nya na ako papaasahin. Baka natraffic lang. Pero halos tatlong oras na akong naghihintay. Kapag nag alas dose na tapos wala pa sya. Susuko nako. Hindi ko na sya hihintayin.

Saktong alas dose na. Pero di na talaga sya sumipot. Wala na susuko nako. Pangalawang beses nya na akong binigo at tama sa siguro yun para sumuko ako. Sobrang sakit na talaga ng mga pinaramdam nya saakin.

Ayoko na talaga magmahal puta! Ang sakit!!!

Naturingan pa naman syang alagad ng DIYOS pero sya pa yung solid manakit ng damdamin ng iba. Alam ko na may dahilan sya. Pero wala na akong pake dun. Nasaktan na ako. Di ko na papaniwalaan ang mga rason nya.Im done!

Andrew P.O.V

Sobrang excited nako sa pagkikita namin ni Vya. Tatlong araw nalang mayayakap,makakasama at masosolo ko na sya sabik na sabik na ako.

"Pre Pinapatawag tayo ni Fr.Anthony" wika ni Jerome na kasama at kaibigan ko dito sa loob.

Mukhang nahuli nya akong nakangiti sa kawalan. Alam nya ang tungkol kay Vya. Palagi ko syang nababanggit kay Jerome. Kaya kilala nya ito at alam nya ang mga nangyare saamin.

"Bakit daw?"

"May sasabihin daw" agad nya naman akong inakbay at naglakad na kami papasok sa meeting area namin.

Lahat ng mga Pari at kasamahan ko dito sa loob ay kompleto. Kapag ganito eh may importanteng sasabihin si Fr.Anthony. Mejo kinabahan ako kasi parang alam ko na.

Nakita kong pumasok na si Fr.Anthony at ang iba pang Pari.

Nagsimula na syang magsalita at tama nga ang hinala ko. Ang sasabihin nya ay tungkol sa muli naming pagbabalik sa St.Anthony Seminary sa ibang bansa at saktong sa September 28 iyon.

Paano na? Paano na yung meet up? Sigurado akong icoconfiscate nanaman nila ang mga gadgets namin. Di ko matatawagan o matetext man lang si Vya. Pwera nalang kung hindi ko ibigay ang selpon ko. Pero paano? Eh kilalang kilala ako ni Fr.Anthony. siguradong kapag di ko ibinigay yun mahahalata nya parin.

Shit! Kung sakali man. Panglawang beses ko ng masasaktan at paghihintayin si Vya. Ayoko ng mangyare yun. Gagawa parin ako ng paraan para makita sya.

Pagkatapos ng Meeting. Kinuha na ng mga tagapangalaga namin dito ang lahat ng gadgets para itago at mamayang alas singko ay magdadasal na kami.

Naisipan kong kausapin si Fr.Anthony ang Pari na close ko dito sa Loob. Nakita ko sya sa loob ng simbahan habang inaayos ang altar ni Jesus.
Nilapitan ko sya at di ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sakanya ang lahat.

"Oh Andrew? May kailangan ka?" Tanong nya. Matagal naman akong hindi nakapagsalita sa tanong nya dahil di ko talaga alam ang sasabihin ko. "Halatang may bumabagabag  sa iyo ngayon, ano yan? pwede ka mag kwento." Napangiti sya. "Tungkol ba to kay Vya? Yung babaeng mahal mo?"

Nagulat naman ako ng banggitin yun ni Fr. Paano nya yun nalaman?

"P-pano?"

"Ikenwento saakin ni Jerome."

"Haysss Si Jerome talaga napakadaldal."

"Alam mo Andrew, hindi naman masamang magmahal hanggat di ka pa nagiging ganap na Pari. Pero wag mong kakalimutan kung ano ang sinumpaan mong tungkulin sa simbahan. Hindi natin mapipigilan ang puso na magmahal. Ang mahirap lang eh kung mahal mo sya pero may iisa kang Vocation." Inakbayan ako ni Fr.Anthony at bumaba kami mula sa altar. Umupo kami sa isang bakanteng upuan dito sa simbahan.
Nakikinig lang ako habang sya ay nagkekwento.

"Mahal mo sya?" Napatingin ako kay Fr. Dahil sa tanong nya. Napatango naman ako bilang sagot.

"Halata naman, hayyyy ang hirap talagang magmahal ng dalawa. Nakikita ko sayo yung kabataan ko dati, sobrang malapit ako nun sa Diyos kabilang kasi ako sa Religious Family kaya ganun. Habang lumalaki ako naisipan kong pumasok sa seminaryo dahil yun. Yun ang gusto ko, gusto kong ialay ang buhay ko sa DIYOS gusto kong maglingkod sakanya. Pero sa di inaasahan nainlove ako at sa Bestfriend ko pa. Sinabi ko sakanya ang lahat ng nararamdaman ko para sakanya pero nalaman nyang magpapari ako kaya di nya ako pinayagan na ligawan sya. Kasi sa huli sya lang din naman yung maiiwan kapag pumasok nako sa seminaryo. Ayokong maging selfish at unfair sakanya kaya sumang ayon ako sa gusto nya na wag ko syang ligawan. Pero Sabi nya saakin mahal nya rin ako. At bilang taong nagmamahal susuportahan nya ako sa mga gusto ko. Hinayaan nya akong pumasok sa seminaryo at ngayon nalaman ko na may Pamilya na sya at eto ako Pari na. Pero di ko sya kinalimutan. Kahit di maj kami hanggang dulo di sya nawala sa Puso ko. Palagi ko parin syang ipinagdarasal pati ang pamilya nya. Kaya andrew kung gusto mo talagang maglingkod sa panginoon at sa simbahan palayain mo yung taong minsan mong minahal. Kasi sya yung mahihirapan sa inyong dalawa. May Pinangakuan kang tungkulin habang sya naghihintay lang saiyo. Wag kang maging Unfair. Hayaan mo syang sumaya kahit wala ka sa piling nya. Kung mahal mo talaga sya papakawalan mo sya. Papalayain mo sya. Para hindi na sya maghintay at masaktan pa." habang sinasabi yun ni Fr. Si Vya lang ang nasa isip ko. Di ko namamalayan umiiyak na pala ako dahil siguro tama nga si Fr. na kapag mahal mo yung tao hahayaan mo syang maging masaya.

"Andrew kung ikaw ang nasa position ni Vya ngayon. Alam kong mahihirapan ka rin. Oo pareho kayong nahihirapan pero mas nahihirapan sya. Sana maintindihan mo. Sana nakatulong ako sa bumabagabag sa isipan mo ngayon." ..tumayo na sya at hinawakan ang buhok ko at ginulo ito senyales na nakikisimpatya sya sa puso ko..

Naiwan akong umiiyak dito mag isa dahil sa mga realizations ko. Siguro nga dapat ko na syang palayain sa rehas ng pagmamahal ko. Ayaw ko ng umasa at masaktan si Vya dahil sa kagagawan ko.

Gusto ko na syang maging masaya.

September 28, natuloy na ang flight namin pa ibang bansa. Hindi ko na nakausap si Vya matapos nun. Nawalan ako ng lakas ng loob dahil sobrang nahihiya nako sakanya. Wala nakong mukhang maihaharap at boses na maipaparinig sakanya. Alam kong galit na sya saakin ng sobra dahil sa pambobokya ko sakanya.

Dahil sa kagustuhan kong maging maligaya sya na wala ako. Di ko na sya kinausap. Nakayanan nya na wala akong 1 year alam kong kakayanin nya ulit. Sana maging masaya sya. Sana makalimutan nya na ako. Alam kong hindi madali pero ipagdarasal ko sa Diyos ang agarang paghilom ng sugat na nagawa ko kay VYA.

Im still inlove with the girl i met online. Hindi sya mawawala sa Puso ko. Kahit hindi naging kami Ituturing ko syang pinakamalaking bahagi ng Buhay ko.

You're the best Chapter of my Whole story Vya. I love you, Goodbye.

A Love Without label [Completed]Where stories live. Discover now