CHAPTER 10

1K 59 2
                                    

A love without label
By: LadyDivichi

Chapter 10

Its Christmas day. I celebrate my Christmas with my Relatives here in Bicol. Umuwi yung Lola ko sa side ni Mama tapos yung Step Sister ko kasama din nila yung dalawa kong Tita. Galing silang Visayas to be specific, in Cebu sobrang miss na miss na sila ni Mama so we decided to buy a plane ticket for them para makasama namin sila

Di naman ako Close sa Pamilya ni Mama. Kaya iniisip nila na ayaw ko sa kanila. Porke ba di Close ayaw agad? Duh! Ako pa yung nagmukhang masama, ayos ah.
 
 

Habang sila nagsasaya doon sa Dining. Ako naman nasa kwarto. Naisip kong buksan yung letters and cards na bigay sakin ng Fans.
 

 

Inisa isa ko yun. Mahahaba yung ibang messages mejo nakakatamad basahin. Tapos may isang glittered stationary na kumuha sa atensyon ko.
 

  
  

Kinuha ko yun at dahan dahang binuksan maganda kasi kaya ayaw kong masira hahaha. Lahat naman maganda pero ito yung stand out.
 

  
   

Pagkabukas ko ay agad kong binasa yung message.
 

  

From : You know Ice Bear
 

  

Pagkabasa ko palang sa word grabe na agad yung ibinigay nitong kakaibang pakiramdam.
 

  

Lumakas bigla ang tibok ng puso ko.
 

  

Ngunit ipinagpatuloy ko parin ang pagbabasa.
 

  

Hi, its been a long time. Im sorry kasi di ako sumipot sa usapan.

  

Sa unang sentence palang alam kong sya yun.

  
  
Lumipad na kami nun patungong Italy para mag aral. Saktong date ng meet up. Di nako nakatawag sayo kasi binawi saamin ang aming mga gadgets. Im so sorry for making you wait. Im sorry for hurting you. Pinagsisisihan ko yun ng sobra. Bumalik ako sa Pilipinas for a Christmas break. Tapos sa 28 ulit aalis nanaman kami. Buti nalang nakita ko sa status mo na may Book Signing ka.Pumunta ako ng Manila for that, to see you. Di mo ako nahalata kasi sobrang saya mo. Isa ako sa nagpapirma ng Libro pero you didnt notice me. Mas okay na rin yun kasi atleast nakita kita. I gave you this letter to tell you everything. Im so happy that i already saw you my love. I love you❤.

Habang binabasa ko yun. Grabeng luha nanaman ang umaagos mula saaking mga mata. Nagsisi ako kasi bakit di ko man lang sya napansin! Bakit di ko man lang naramdaman na andun sya?

Siguro ganun na nga talaga ang mangyayare kapag papunta kana sa salitang moving on. Kahit nasa harap mo na yung taong minahal mo minsan ay di mo na mararamdaman na nasa tabi mo lang sya nakamasid.

I feel his sincerity sa tuwing binabasa ko ang bawat salitang nakasulat sa liham nya.

Gusto kong sabihin sakanya na 'MAHAL PARIN KITA AFTER WHAT HAPPENED KAHIT NAKA MOVE ON NA AKO SA SAKIT, IKAW PARIN ANG LAMAN NG PUSO KO' pero di nya naman yun malalaman. Kaya ibubulong ko nalang sa hangin ang lahat.

Mahal parin kita Andrew kahit sa iba kana sumasaya. Wala akong karapatan na pigilan ka sa pangarap mo. Di ko kayang humadlang sa gusto mo. Basta lagi mo lang tatandaan na Susuportahan kita. Kahit ito'y patago nalang.
  
   
  

Pumunta ako sa labas upang makalanghap ng sariwang hangin. Iniisip ko kung paano kapag nagkita na kami...ano ang gagawin ko. Iiyak ba ako at isusumbat lahat sakanya ang sakit na naranasan ko. Papatawarin ko ba sya. Yayakapin dahil sabik na sabik ako sakanya o wala lang.
  

  
Sa totoo lang hindi ko talaga alam. Baka maistatwa nalang ako kapag nakita sya.

Tinatanong ko rin ang sarili ko. Mahal nya lang ba ako? Wala na ba syang balak na makasama ako habang buhay?
  

Babalik sya para ano? Para bumalik din ang sakit na minsan ko nang kinalimutan.
   

 
Ano ba ang nasa isip ng lalaking iyon?
  

Bakit ang hilig hilig nyang saktan ako...samantalang malapit sya sa Diyos. Alam nya ang Tama at Mali.
   
  
O baka naman...
  
   
Ako lang talaga ang gumagawa ng dahilan para masaktan ang sarili ko.
   
   
Hindi ko na talaga alam. Gulong gulo nanaman ang isip ko.
   

Napayuko nalang ako at kinagat ang labi dahil wala nang ibang makaka-kagat dito kundi ako lang. 

  
"Vya.." Rinig kong wika ng isang pamilyar na boses sa bandang kanan ko.
 
 
Tiningnan ko sya.

  
Its Her.
  

My Step sis. Mas matanda sya saakin ng 5 years and we're not close.
  
  
"Parang hindi ka ata Okay." Mahinahon nyang sabi
  
  
Napa-iling nalang ako. I don't want to talk right now. I think my mouth are tired.
   
 
"Love?" maikli nyang tanong and i still don't want to talk
   

"Hindi halata sayo na naiinlove."

Napatingin ako sakanya dahil sa kanyang sinabi.

Nang iinsulto ba sya or what?

 
"I mean paano ka maiinlove kung ang aura mo ay parang sing tigas ng bato" dagdag nya pa   

Ano bang gusto nyang iparating! Ano!

 
"Paano mo naman nasabi?" Wika ko hindi ko na matiis ang bunganga nya kaya, hindi narin nakatiis ang bunganga ko.
  
  
  
"Kasi kami ngang pamilya mo rin hindi mo man lang kayang mahalin." sabi nya habang halatang its time to make sumbat na saakin.
  
  
Inaamin ko din naman sa sarili ko na may mali ako. Kasi kapag nakikita ko ang mukha ng Step sis ko, meron akong galit sa puso ko na hindi ko alam kung saan galing. Alam kong wala syang kasalanan. Dahil kung tutuusin sya ang may karapatang magalit saamin, my mom didn't give her so much attention, we left our home in Cebu to stay here in Bicol. Iniwan namin si Ate Aice pati ang Lola ko.
  
Kaya alam kong nangungulila din sila sa Mom ko. They need love and attention too.

Kaya deserve ko naman sigurong masumbatan. 

   
"Pero ayos lang iyon. Hindi naman kita masisisi kung ganyan ang nararamdaman mo para saamin. Mahal ka namin Vya at ayos na iyon. Hindi mo na kailangang mahalin kami pabalik." she said it with tears at hindi ko na rin napigilang umiyak.
  
  
"Im sorry kung malamig ang pakikisama ko sainyo. Sorry Ate" at agad ko syang niyakap.
 
"Matagal na kitang pinatawad" tugon nya.
  

Sobrang higpit ng yakap nya saakin, ramdam ko yung pagmamahal ng isang kapatid na mas matanda saakin.
 
  
Its time to give love and forgiveness that they deserve. Malayo na ang nararating ko. Ayaw kong magmukhang mayabang sa mga mata nila. Gusto ko silang mas bigyan ng attention katulad ng pagbigay ko ng attention sa taong minahal ko.
  

 
Love is about Forgiveness. Narealize ko rin na masarap sa feeling kapag may taong pinapatawad ka sa kasalanan mo.
   

Kaya naisip ko na.

Papatawarin ko na si Andrew dahil deserve nya yun at deserve ko din makalaya sa rehas na bumabalot sa puso ko. 
 

I feel relieved. I can now breathe without hinanakit sa puso. Konti nalang magiging Ayos na ako.

A Love Without label [Completed]Where stories live. Discover now