CHAPTER 1

3.6K 100 17
                                    

A Love without Label
By: LadyDivichi

Hi ulet. Hehe mag leave narin kayo ng Comment kung may tanong kayo at kung wala naman mag leave parin kayo ng Koment. Anyways Vya pronounce as Viya (main character). Skl.

Chapter 1


I was just scrolling on my Boring Newsfeed nagpapaantok lang ako kasi katatapos ko palang magsulat ng story sa wattpad. Di naman ako famous doon kaya boring din.Chaaaar. Kaya tumambay muna ako sa aking fvcking fb account. Tamang react lang sa mga Memes tapos hanap ng update about sa EXO. Yun. Yan ang midnight routine ko kapag nag papa antok.

Alas dose narin pero ayaw sumapi ni Mr.Antok saaking mga mata. Kaya bumalik muna ako sa Wattpad para magcomment sa mga story ni Sic Santos nagbabakasali lang na manotice nya na. Grabe. Hanggang ngayon talaga di nya parin ako nanonotice kahit panay comment at message ako sa mga accounts nya. Hayyyysss Sic Santos.

Pagkatapos ko mag papansin kay Sic. Bumalik ulit ako sa FB. Pero wala namang kwenta kaya naisipan ko na mag log out. Pero nung akma ko ng papatayin yun Data e, biglang may nag pop up na mensahe mula sa messenger ko.

Nakita ko yung name nya 'Andrew Velasco' nagdalawang isip pa akong i open yung message kasi baka chain mail lang o magpapa react sa dp.

Pero nag chat ulit sya ng 'HI'. Kaya naman binuksan ko na iyon.

Bago ko sya replyan ni-view ko muna yung Timeline nya. Puro shared post ng mga kalokohan. Tiningnan ko din yung dp nya. Nakakatawa kasi ginawa nyang meme yung sarili nya.  Cute syang lalaki, matangos ang ilong at makapal ang kilay. Tiningnan ko rin yung previous profiles nya. Natawa ulit ako kasi wala syang matinong profile. Puro meme. Kaya panay tawa lang ako na walang sound baka kasi magising sila Mama nasa kabilang kwarto pa naman sila.

After ko iview yung timeline nya nireplyan ko na sya ng 'Hello' tas may smily face. Akala ko di na sya magrereply kasi lumipas yung 13 minutes na wala syang reply. Kaya naisipan ko ng mag log out. Pero bigla nanamang nag pop yung name nya sa Messenger ko. Napangiti naman ako ng kaunti na parang tanga. Ewan ko ba.

Andrew : Late na miss matulog kana.

Napakunot noo naman ako kasi di ko inaasahan na ganun yung imemessage nya saakin.

Vya : Haha.Di pa ako antok

Andrew : Ako rin eh.

Vya : Bat ka nagchat?

Andrew : Wala lang. Nakita ko lang yung name mo sa nf ko. I found you interesting kaya chinat kita.

Mejo naging happy naman yung heart ko sa sinabi nya. I found him interesting din kasi nakakatawa sya. Parang ang sarap nyang maging kaibigan. Pero di ko yun sinabi sakanya. Nakakahiya.

Vya : Interesting? Ako? Hahahaha. Yuck

Yan nalang yung naireply ko sakanya. Pa humble kasi ako.

Andrew : Yuck ka jan. Ang cute mo nga eh. i saw your pictures hahaha pandak ka pala. Para kang minions.

Mejo nainis naman ako dun sa reply nyang yun. Oo pandak ako pero kailangan pa bang ipamukha yun saakin? Nakaka inis ah. Grabe! Nakaka asar sya.

Vya : Chinat mo ba ako para tuksuhin.

Reply ko kunwari galit. Yieee

Andrew : Ah hindi. Pinapatawa lang kita.

Wow! Nakakatawa yun? Ah? Nakakatawa?  Hindi!! Kaya sa inis ko sinendan ko lang sya ng Like. Tapos nag out nako. At pinatay na yung data.

A Love Without label [Completed]Where stories live. Discover now