CHAPTER 7

938 53 3
                                    

A love without label
By: LadyDivichi

Chapter 7

Vya P.O.V

Natapos ang gabing yun na puro lang ako iyak. Wala akong nagawa kasi di ko mapigilan ang emosyon ko. Naiinis ako kasi matapos ng ginawa nya saakin. Eto iniiyakan ko sya dahil mahal na mahal ko parin sya.

Kayang magsinungaling ng bibig ko na sabihing wala na syang puwang sa buhay ko. Na kinalimutan na sya ng puso ko. Pero hindi kayang magsinungaling ng puso na syang nakakaramdam ng pagmamahal. Kaya nitong ilabas ang lahat ng emosyon na di kayang itago ng bibig.

Kinabukasan. Naka receive ako ng text mula sa isang unknown na number.

09********* : i want to see you.

Nagtaka naman ako kung sino yung nag text. Pero nakaramdam ako ng kaba mula saaking dibdib.

Dahil sa sobrang pagka curious tinawagan ko na yung unknown number.

Nagring iyon. Kaso ang tagal nyang sagutin.
Nakadalawang tawag ako bago nya ito sinagot.

Pero ang tagal nyang magsalita kaya inunahan ko na.

'Hello?'

'Hello whos there?'

Pagkatapos kong maghello agad nya namang pinatay yung phone.

Ano ba yan!!! Napaka papansin naman.

Makalipas ang ilang minuto sya na yung tumawag saakin.
Kaya bilang ganti nireject ko yung Call nya. Bahalasya.

Pero naisip ko baka isa yun sa mga Head ng Book Publishing hala!!

Kaya ako na yung tumawag.

'Hello? Oh my gash! Isa po ba kayo sa head ng book publishing? Sorry i rejected your call'

Pero nagulat ako ng marinig ko ang boses ng nagsalita mula sa kabilang linya. Nakaramdam ako ng kaba at ng kakaibang feeling. Yung feeling na parang kilalang kilala mo na yung nasa kabilang linya.

'Vya'

'What? Whos this?'

'Its me'

Andrew? Sya na ba to? Paano nya nalaman ang number ko?

'Its andrew'

Di ako nakasagot agad nung nagsalita sya. Kasi ito nanaman nararamdaman ko nanaman yung magkahalong tuwa at luha.

'Alam kong nabigla ka kaya ako tumawag kasi gusto kitang makita Vya. For the first and Last Time gusto kong makasama ka. Ako na sasagot sa lahat makasama ka lang. Gusto kong masabi sayo ng personal lahat ng mga nararamdaman ko. Kaya Vya hihintayin ko ang sagot mo kapag handa kana.'

Nanatili akong nakatayo ngayon, hawak ang aking bibig at umiikyak nanaman. Para nakong bata na naagawan ng Candy dahil sa kakangawa.

Akala ko tapos nako sa kakaiyak. Pero hindi pa pala.

Gabi na at nakahiga na ako ngayon sa kama balot na balot ng Pink kong malambot na Blanket dahil sa sobrang lamig. Naka earphones naman ako ngayon nakikinig sa malalambing na musika, kasabay nito ang pagbuhos ng malakas at di magkamayaw na ulan.

Eto nanaman ako at muli nanamang nalulunod saaking mga iniisip. Kabilang na doon ang alok saakin na meet up ni Andrew.

Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Pero actually di naman ako malulugi kasi sya naman ang gagastos sa lahat. Oo ko nalang ang hinihintay nya.

Ano self? Makikipagkita ka ba? Pero isipin mo muna ang mga bagay na pwedeng mangyare. Baka mabigo ka nanaman kapag padalos dalos kang gumalaw.

Hayyyy ewan ko ba.

G. Tulungan moko. Give me some signs na papayag ako sa gusto ni Andrew. Malakas sya sayo di ba? Kaya sana bigyan moko ng sign.

Naghahanda nakong matulog at naalala ko baka may message saakin si Ms.Gomez kaya naman inopen ko ang selpon ko. Pagkabukas tumambad agad saakin ang wallpaper ko na si Ice Bear. Yung paboritong cartoon character namin ni Andrew. Isa na ba yun sa sign G?.

Pagka bukas ko ng FB wala namang chat si Ms.Gomez kaya nag out agad ako.

Sakto namang pinatugtog yung unang kanta na sinend ko kay Andrew ang Together by Neyo.

Kaya nagdasal ulit ako kay G.

Kung ito man yung mga Sign G. Sana gabayan nyoko sa magiging desisyon ko.

Kaya muli kong binuksan yung CP ko at inopen ang message.

Nag isip ako kung saan ang magandang spot para meet na malapit lang dito saamin. Tsaka yung perfect date para magkita.

Send to 09********** : Yes payag ako na magkita tayo. Dito sa Probinsya namin sa bicol. Sa SM naga. 8:00 AM. September 28.

Sent ✔

Kinaumagahan. Nakita kong nagtext sya saakin. Laman nito na Sumasang ayon sya sa gusto kong lugar at petsa. Alam kong matagal pero kung gusto nya talaga akong makita maghintay sya.
Ako nga isang taon naghintay eh. Sya pa kaya na dalawang buwan lang.

Andrew P.O.V

Noong gabing chinat ko sya. Hindi nako nun umasa na magrereply pa sya. Kaya naman naisip ko na tawagan nalang sya kinaumagahan. Buti nalang andito pa yung number na binigay ny saakin last year.

Umaasa ako na sana ito parin ang gamit nya. Kaya kinaumagahan tinext ko sya gusto ko syang makita.

Oo i want to meet her na inperson. Dahil gusto kong makasama sya bago man lang ako bumalik sa loob ng seminaryo sa ibang bansa. Gusto kong masabi sakanya ang lahat lahat. Pati yung feelings ko sakanya till now. Pero sana pumayah sya.

Tinry kong tawagan yung number pero di natuloy kasi sya na mismo ang unang tumawag nag hello sya ngunit nalibang akong pakinggan  yung boses nya sa kabilang linya habang nakangiti. Ngunit napalitan ito ng lungkot kasi binaba nya yung phone. nainis ata saakin kasi di ako nagsasalita.

Ngayon ako naman yung tumawag ngunit niteject nya ito.

Akma kong tatawagan sya ulit ngunit sya na yung tumawag. Sinagot ko naman ito at inilagay ang selpon ko sa tapat ng aking tenga. Halos mabingi ako sa boses nya kasi halata sa pagsasalita nya ang pagkataranta. Napagkamalan nya akong Head ng Book Publishing. Natawa nalang ako kasi ang kyut nya.

Ng tumigil na sya sa pagdadada. Agad na akong nagsalita.

'Vya'

'What? Whos this?' Sagot nya saakin

'Its me'

'Its andrew'

Alam ko kahit hindi sya magsalita naririnig ko ang bawat paghinga sya mula sa kabilang linya. At ok na sakin yun. Atlis alam kong narirnig nya ako.

'Alam kong nabigla ka kaya ako tumawag kasi gusto kitang makita Vya. For the first and Last Time gusto kong makasama ka. Ako na sasagot sa lahat makasama ka lang. Gusto kong masabi sayo ng personal lahat ng mga nararamdaman ko. Kaya Vya hihintayin ko ang sagot mo kapag handa kana.'

Siguro tama na yung mga sinabi ko sakanya kaya ako na mismo ang pumutol sa linya.

Ngayon iniisip ko kung payag ba sya ma magkita kami.

Makalipas ang isang oras natanggap ko na ang Text nya. And shes saying Yes. Sobrang saya ko nanaman ngayon dahil pumayag syang makipagkita.

Sapat naman na ata ang aking ipon para makita sya. Tsaka malapit narin akong mag birthday kaya i consider that as a gift.

A Love Without label [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon