CHAPTER 4

1.2K 60 7
                                    

A love without label
By: LadyDivichi

Chapter 4

Kinagabihan nakahiga lang ako sa kama at eto umiiyak nanaman. Mula noong nawala si Andrew saakin. Mula nung di sya nagparamdam palagi nalang akong umiiyak. Lagi nalang akong masasaktan habang iniisip kung bakit nya ako iniwan.

Sana totoo nalang yung panaginip ko. Pero hindi eh. Hanggang ngayon iniisip ko parin na sana bumalik sya.

Kahit alam kong Imposible na.

Bigla akong napabalikwas sa higaan ko ng may mag pop up na message. Akala ko sya. Pero hindi mali ako.

Galing yun sa isang stranger named 'Jefferson Mendoza' at ang laman ng Chat nya ay 'Hi'. Inistalk ko muna sya bago ako magreply gaya nung ginawa ko dati kay Andrew. Haysss Andrew nanaman.

He's a writer also at ML player. Nabasa ko lang mula sa BiO nya. Wala akong naramdaman ng kahit ano noong inistalk ko sya. Yung pakiramdam na gaya nung naramdaman ko kay Andrew.  Wala yung feeling na yun.

I replied Hello to him at nagreply sya ng Musta?.
Nireplyan ko naman yun agad ng Ok lang kahit hindi. 'Ok lang' yan yung word na nagtatago ng lahat ng sakit na nararamdaman mo kapag may nagtanong sayo. Itinatago nya yung tunay na salita na dapat sa isang pakiramdam na 'Hindi talaga ako Ok'.

Pagkatapos ng reply kong yun. Di ko na sya inentertain. Parang nawalan na ako ng gana sa lahat. Alam kong kapag ipinagpatuloy ko ulit yun baka ma attached nanaman ako sakanya tapos baka iwan nya rin ako. Ewan siguro dahil sa ginawa ni Andrew nawalan nako ng tiwala sa lalaki.

Andrew was my First Love and Also my First Heartbreak. Siguro tama na yun para matuto ako di ba. Tama na yung sakit nayun para kalimutan ko sya. I need to moved on for myself, for my future. May mga goals pa ako sa buhay na dapat kong pagtuunan ng pansin. Kailangan ko ng kalimutan ang mga bagay na nagbigay ng pagkakataong sirain ako.

Ako ang patunay na wag mong ibubuhos ang lahat ng atensyon mo sa isang tao o bagay kasi kapag nawala sila baka mawala ka rin. Paano na yung mga napabayaan mo? Wala ka ng naitira para dun. You need to learn a lesson on every step of your life. Kasi ako? May natutunan na ako. Alam kong hindi lang ito ang una at huli dahil alam kong may susunod pa. Habang nabubuhay tayo patuloy tayong masasaktan at babangon mula sa mga bagay na nagpadapa saatin.

----

Halos isang taon narin mula nung kalimutan ko ang mga nangyare saakin last year. Nawala na sya puso ko pero yung memories namin nasa isip ko parin. Im so glad kasi di nako nasasaktan kapag iniisip ko yung mga nangyare. Yung hinintay kong tao na akala ko babalik? Wala na yun. Erase na sya saaking fvcking heart.

Bumalik narin ako sa pagsusulat sa Wattpad Last April.Nagpost din ako ng announcement kung bakit di nako nakapag update sa wattpad. Ayun maraming naki simpatya sa namatay kong puso. Charrrr. Hahahahaha.Pinagdiwang namin ng pamilya ko yung 18th birthday ko sa Tagaytay ang saya saya ko talaga nun. Tska nag simba din kami sa simbahan nais ko talagang puntahan nun sa Padre Pio Shrine sa Sto. Tomas Batangas kung saan nakatira si Andr...nvm! Andun na sana yung pagkakataon na hanapin sya at itanong kung bakit nya ako biglang iniwan. Pero sabi ng puso ko wag na. Baka maiyak nanaman ako. Baka bumalik nanamaj yung sakit. Kaya mas pinili ko nalang na wag ng alalahanin pa si Ghoster.

Grabe ang bilis talaga ng Panahon parang minsan lang nakilala ko si Andrew na Ginost ako. Wow!

May na ngayon at matatapos na ang bakasyon. Nakapag enroll naman na ako sa University of Sto. Tomas Legaspi mag ccollege na ako and balak kong kunin na Course eh BS Psychology Major in Guidance and Counseling. Suportado naman ako nila mama kaya oks lang.

Since matatapos narin lang ang bakasyon na parang isang linggo lang eh ito na ata ang time para ipakilala ko ang aking sarili sa Publiko.

Kaya naman inopen ko ang aking Wattpad Account tapos nag post ako ng announcement. Sabi ko dun. "Lets be mutual on FB: ***** Ig: ****** at Twt: ******"

And after my announcement. Grabe sabog na sabog lahat ng notification ko sa FB,IG at Twt. Ang saya ko halos tumalon ako sa bintana namin. Charrrr.

Kinagabihan. Nakadapa lang ako sa kama at nakatutok sa Laptop kong Apple. Yeah meyemen. Panay reply lang ako sa mga readers and supporters ko. Sobrang tuwa ko kasi gumawa na sila ng Fandom na Ladybugs. They named it after my username in wattpad na LadyBuggy. Ang sarap sa pakiramdam na maraming nagmamahal sayo. Ang sarap sarap.

Innopen ko naman yung twitter ko. Ang dami agad mentions about myself and sa mga na published kong story. Yung story ko na dati ay apat eh naging 12 na. Dahil din yun sa pagsusumikap noong nahanap ko muli ang aking sarili mula sa pagkawala.

Habang iniiscroll ko yung mga messages sa twitter eh biglang nahagip ng mata ko ang isang mensahe.

Sobrang gulat ko dahil galing ang mensahe sa isang Legit Book Publishing company.

They DMed me. Inistalk ko muna sila baka kasi dummy lang.Pero watdapak legit!!!! Marami silang Followers at Following rin nila yung mga sikat na author sa wattpad kabilang dun si Sic Mylabs na hindi parin ako pinapansin. Attitude si Sic.

So ang laman ng message ay 'Hi this is *** Book publishing would you like to publish your stories into prints? Let me know email me on ***bookpublishing154@gmail.com'

Im so happpyyyyy talaga habang binabasa ko yung dm grabe di maalis sa mukha ko yung ngiti ko. Finally!!! Nangyare na. After 2.5M years kong paghihintay. Yeaaaaaaaah Published Author nakoooooooooo..

Agad naman akong nagreply sakanya via email.

***bookpublishing154@gmail.com sige payag.

Nagset sya ng Date at Lugar kung saan kami mag memeet mas prefer nya na malapit lang dapat sa lugar namin. Kaya sya yung nag adjust.

May 28, 20** naganap yung meet up sa isang Coffee shop dito sa Naga City Camarines sur. Since malapit naman ako nauna ako ng 30 minutes.

Inexplain lahat ni Ms.Gomez ang about sa contract. Panay Oo naman ako. Nagkasundo kami sa 5 yrs contract ko with their company.

And after the meet up. Nagpaalam na kami sa isat isa.

Nauna na silang umuwi kasi masyadong malayo ang Manila. Kaya ako tamang lakwatsa muna sa aming City. Napadaan naman ako sa simbahan at nagdasal para magpasalamat sa lahat ng blessings. Nagdasal ako ng taim tim at nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko.

Napatingin naman ako sakanya.

"Ate pahagad daw piso gutom na kaya ako" sabi nung bata

Nanghihingi sya ng pera pangkain nya lang daw. Nakaramdam naman ako ng awa  sakanya. Kaya binigyan ko sya ng 50 pesos pangkain nya. Tapos nun umalis na sya.

Turo kasi saakin ni Mama na kapag may taong nangangailangan bigyan. Kasi kapag ikaw na ang mangangailangan doble yung ibibigay sayo.

Ganun pala yun. Ngayon naiintindihan ko na.

A Love Without label [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin