CHAPTER 2

1.6K 69 3
                                    

A love without Label
By: LadyDivichi

So yes, hi ulit! Hahahaha mejo maikli lang tong story baka 10 chapters lang kasi wala gusto ko bakit ba?

Yung mga story pala na nabanggit dun sa C-1 is mga story ko talaga pero yung Reads,Votes at Comments keme keme ko lang yun. Malay mo mangyare talaga di ba? Hhahaha.

Chapter 2


Sa halos Isang buwan na Pagchachat namin online e kahit minsan di kami nakapag video call man lang. Only VMs, kinakantahan ko sya tas sya naman tinutugtugan ako ng Piano tas hanggang doon lang yun. Kapag nagrerequest ako na 'oi vc' palagi nya akong tinataggihan kesyo wala syang load, nahihiya sya, o kaya naman malabo ang Cam.

Nakakalungkot, pero ok lang yun saakin. Isa rin yun sa dahilan kung bakit ayokong umamin na i like him na. Baka kasi once na umamin ako mabokya lang ako o baka pagtawanan nya lang ako. Baka di nya ako gusto gaya ng pagkagusto ko sakanya. Kaya mas pinili kong itago nalang yun.

----

Halos dalawang buwan narin kaming magkakilala ni Andrew gaya ng dati araw araw kaming magkachat, palagi akong tawang tawa sa mga jokes nyang waley naman. Ganyan ba talaga kapag mahal mo yung tao? Kahit na di naman nakakatawa yung mga banat nya eh tumatawa ka. Kasi nga mahal mo sya.

And then.one night may sinend si andrew na picture di ko naman yun agad nakita kasi mabagal ang internet dito saamin. Ngunit nagulat nalang ako ng makita ko ang larawan na sinend nya. Napangiti ako ng sobrang lawak hanggang tenga. Ang saya ng puso ko nung nabasa ko yun.

Hes holding a paper with my name on it at may nakalagay na 'I like you'.

Di ko talaga maexplain ang nararamdaman ko ngayon. Para akong naiiyak, natutuwa natatae naiihi. Na parang ewan. Ito na ba talaga yung Love? Hayp yan. Nakakakilig.

Habang tinatype ko yung mga salita na nais kong ireply grabe nanginginig ako dahil sa sobrang kiligz.

Hooo!

Vya : Hala!

Yan nalang yung nareply ko. Ewan ko kabado ako eh.

Andrew : I like you Vya. Noong una kitang nakita sa NF ko. Di ba sinabi ko sayo na I found you interesting. Im serious with that. Di ko alam kung maniniwala ka pero na love at first chat ata ako sayo.Naalala mo nung inasar kita about sa 'pandak' thingy? Nagpapansin talaga ako sayo nun. Matagal ko na sanang sabihin na gusto kita kaso nauunahan ako ng kaba, takot at katorpehan. Natatakot ako na baka di moko magustuhan kapag sinabi kong gusto kita.

Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin sayo ang mga nararamdaman ko Vya. I like you. I really really like you. Everytime na magka usap tayo palagi akong nakangiti. Ikaw yung kasiyahan ko Vya.

Napa isip Tuloy ako sa mga sinabi nya. So hindi pala ako ang unang nagkagusto sakanya? Sya pala yun? Siguro kung di ako naunahan ng hiya na umamin baka meron na kaming mabuting ugnayan.

Pero sinadya ata ni tadhana na si Andrew ang mag first move para mawala yung hiya ko na umamin rin.

Vya : Andrew!!!

Andrew : Oh? Nabigla ka ba sa sinabi ko? Vya, totoo yun maniwala ka man sa hindi.

Vya : I know, i feel it. Your explanation is enough para maramdaman ko yung totoo mong nararamdaman. Congrats, same feelings.

Yeah finally naka amin narin. Yieeeeee

Andrew : Hala? Talaga totoo? Hayp yan hooooooooooo!!! Yes!!! Para akong nanalo sa loto.

Sa pangalawang pagkakataon. Naramdaman ko ulit na masayang masaya sya. gaya nung pinayagan ko syang maging kaibigan ko. At maging parte ng buhay ko.

Matapos naming magka aminan, doon na nagsimula ang lahat ng kasweetan namin sa buhay. Palagi din kaming nagpapalitan ng I love you's, I miss you's at Goodnights and Goodmornings. Grabe he changed my boring life into excitement. Dahil sakanya nagbago yung Routine ko na Selpon bago kain. Ngayon Kakain muna bago magselpon. Palagi kasing nagagalit si Shunga saakin. Kesyo daw baka magka sakit ako.

Sinabi nya rin saakin kung gaano sya kasaya na meron kaming Mutual Feelings. Pero akala ko manliligaw na sya. Pero akala ko lang pala yun. Kasi hindi nya ginagawa. Tinanong ko narin sakanya kung nanliligaw sya. Pero ang sagot nya. Hindi na importante yun. Ang importante mahal kita.

Nagdalawang isip pa ako bago sumang ayon sa sinabi nya.

Sa matagal na panahon naming magkakilala at magka-ibigan? Akala ko masaya na. Ngunit napalitan ito ng lungkot dahil bigla nya nalang akong hindi kinausap. Halos isang Linggong walang 'Andrew' na nagchachat saakin.

Kaya di ko talaga mapigilang mag overthink, may mga nabubuong scenarios sa utak ko na negative. Na ghosting na ba ako? Gaya ng mga nababasa ko sa FB. O baka iniwan nya na ako. Ngunit anong dahilan? Mahal ko naman sya eh wala naman ata akong pagkukulang. Pero bakit wala na syang paramdam?

Ito na ba yung feeling na 'Sa una lang masaya ang lahat pagkatapos nun, mararamdaman mo na yung lungkot sa huli?'

Kaya minsan nakakatakot narin maging masaya.

Akala ko after 1 week magpaparamdam na sya saakin. Pero ito may dumagdag na nanaman week pero wala parin yung Andrew na makulit, joker at yung Andrew na minahal ko, yung taong nagpapasaya saakin araw araw.

Puta! Asan kana Andrew? Bakit bigla mo nalang akong hindi kinausap?

Simula nung di na sya nagparamdam, nawalan nako ng gana sa lahat ng bagay, nawala narin sa isip ko yung ginagawa kong story sa wattpad, palagi akong umiiyak kapag gabi. Ang sakit sakit sa puso na umiyak na walang sound. Para bang iniipit yung puso mo ng Tong. Halos nawalan narin ako ng oras sa sarili ko. Nangangayayat na ako di nako kumakain. Pati pamilya ko nag aalala na. Palagi lang akong nasa kwarto di nako nasisikatan ng araw, palaging nagmumokmok dahil kay Andrew.

Ang laki ng epekto saakin ni Andrew mula noong nawala sya. Kapag namimiss ko sya binabalikan ko nalang yung mga Message nya saakin, yung convo namin, pinapakinggan ko yung boses nya sa vm habang kumakanta. Palagi kong binibisita ang timeline nya na ang last post e yung tag nya saakin na 'I LOVE YOU'.

Naiiyak nalang ako habang nagbabalik tanaw sa mga ala ala namin.

I was hurt, i felt pain, i cried because of the boy i just met online.

A Love Without label [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon