Kabanata 1

5.1K 153 24
                                    

Last Will

"Condolences, hija." anang matanda.

"Salamat po." sagot ko at yumuko.

Sampung taon ang lumipas pagkatapos mamatay ni Lolo Zaccarriano ay sumunod si Lolo Zaccarrius.

Tahimik at pribado ang araw ng libing ni Lolo Zaccarrius dito sa private owned cemetery ng mga Fuentabella.

Buhos ang iyak nina Mommy at Daddy maging nina Tito Arius at Tita Dahlia at ng mga pinsan ko. Umiyak rin ako habang yakap ni Kuya Zac.

Isa-isa kaming lumapit sa ataul ni Lolo Zaccarrius saka inihulog namin ang tig-isang hawak naming puting rosas.

Pagkatapos ng libing ay nagtipon kami sa Fuentabella mansion at pinag-usapan ang manang inihabilin ni Lolo Zaccarrius sa'min.

"According to Don Zaccarrius Fuentabella's last will and testament, all of his property will be given fifty percent each to his two sons named Zaccarrius Antonio Fuentabella II and Zaccarrius Emilio Fuentabella III." Panimula ng legal lawyer namin na si Attorney Laurel.

"Alin-alin sa property ni Papa ang makukuha namin, attorney?" Tanong ni Daddy.

Tumikhim si Attorney Laurel. "The Fuentabella Corporation will be shared fifty percent to each of you Antonio and Emilio. The one hundred hectares each land in Sta. Cruz and Sta. Elena will be given to Antonio." dagdag nito na ikinatuwa ni Daddy.

"The one hundred hectares each land in Talamban and Ilaya will be given to Emilio."

Napapalakpak pa si Tita Dahlia pero natahimik din ng tumitig kami lahat sa kanya.

"But the one hundred fifty hectares in Almendra and the Hacienda Fuentabella including the billion worth Fuentabella mansion, jewelries, antiques and paintings na binili ni Don Zaccarriano are all still solely inherrited to Tanya Zaccary Fuentabella."

Mas lumaki ang ngiti ni Daddy samantalang hindi maipinta ang mukha ni Tito Arius.

"Sandali lang attorney. Bakit naman naka pangalan parin kay Zaccary ang mga ari-arian na iyan? Wala bang nag bago?" Ani Tito Arius.

"Ibinigay 'yan ni Lolo Zaccarriano, Arius! Anong karapatan mong kwestyunin ang bagay na 'yan?"

Hinampas ni Tito Arius ng malakas ang lamesang gawa sa matibay na narra. Napatayo si Tita Dahlia habang pinapakalma si Tito Arius.

"Bakit? Wala ba akong karapatan? Anak din ako ni Papa! At apo ako ni Lolo. Hindi naman ata tama na lahat ng ari-arian dito sa Almendra ay mapupunta lang kay Zaccary. Bakit sa ibang apo e walang pinamana?"

Tumayo narin si Daddy at nanlilisik ang mga matang naka tingin kay Tito Arius.

"Antonio..." Pigil ni Mommy.

"Aba't bakit hindi mo hukayin ang katawan ni Lolo at tanungin mo? Malinaw na walang pandadaya ang nangyayari dahil iyan ang nasa kasulatan ni Papa at Lolo, Arius. Bakit ba hindi mo matanggap?"

"Palibhasa, anak mo ang binigyan ng mana kaya nasasabi mo 'yan! Sigurado akong nanlalamang lang kayo."

Pagak na tumawa si Daddy. "Mukha ka talagang pera, Arius!"

Tumawa naman si Tito Arius. "Sino sa'tin ang mukhang pera huh, Antonio? Kung alam ko lang, sipsip ka kay Lolo noon kung kaya't kayo ang mas pinagbigyan."

"Hindi ko na kasalanan kong bakit mas pinili ni Lolo at Papa na ipamana kay Zaccary ang ari-arian dito sa Almendra dahil puro mga ingrato 'yang mga anak mo!"

Suminghap si Tita Dahlia at nag tagis ang bagang ni Tito Arius. "Anong sabi mo?" Lumapit si Tito Arius kay Daddy at kwenelyohan ito.

Tumulong naman sina Kuya Zac, Kuya Zoren at Kuya Zeus sa pag pigil kina Daddy at Tito Arius. Nagkagiitan na din sina Mommy at Tita Dahlia samantalang panay iyak lang ako.

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon