Kabanata 32

2.7K 85 4
                                    

Reality

"Ito po 'yong mga bagong makinarya. Binili po 'to ni Sir Anton last year para po mas mapabilis ang pag produce natin sa market. Ang ibang luma po Ma'am ay hindi inalis ni Sir Anton kasi maayos pa naman po at walang sira." paliwanag ni Mrs. Alfon.

"Ilang sugarcane ang naaangkat natin every delivery? By week ba tayo nag aangkat o araw-araw?" tanong ko.

"Usually po every other day, Ma'am. Sa lawak at dami po ng tanim na tubo, kaya po mabilis ang ating pagbebenta. Kaya mas nakakabawi talaga tayo dito sa azukarera."

Tumango ako at inilipat ang tingin sa mga masisipag na trabahante. Naalala ko ulit ang una kong napansin nang pumunta ako rito no'ng dumating ako.

"Can you please call those two workers?" I ask my staff.

Mula sa'kin ay lumipad ang matalim na titig ni Hex sa dalawang lalaking pinapalapit ko. Nag igting ang panga niya nang pag taasan ko siya ng kilay.

What now, huh? Anong nginingitngit mo ng tingin ngayon?

"Magandang hapon, Ma'am Zaccary. Maligayang pagbabalik po!" masiglang bati sa'kin ng isang maskuladong lalaki.

"Good afternoon. What's your name?" tanong ko.

"Remuel po, Ma'am."

"Magandang hapon, Ma'am. Bakit niyo po kami pinatawag?" tanong naman no'ng isang moreno at may dimples sa kanang pisngi.

I think they are both my age or I am a little year older than them.

"And your name?"

"Ahh, Baste po.."

Lumapit ako sa kanila at napasinghap si Baste nang hawakan ko ang laylayan ng uniporme niya.

"Does this uniform make you uncomfortable?" I ask.

Nagkatinginan ang dalawa at napa-ubo naman si Mrs. Alfon. Umirap ako nang makitang hindi inaalis ni Hex ang matalim niyang titig sa kamay kong naka hawak sa laylayan ng long sleeve uniform ni Baste.

Hinaplos ko 'yon at binitawan din ng marinig ko ang malakas na tikhim niya. Saka lang napansin nila Baste at Remuel si Hex sa likod ko. They were stiff and stunned looking at my face.

Hilaw na ngumisi ang dalawa pero kita ko agad ang pamumutla ng mukha ni Baste.

"Ahh.. Medyo lang po, Ma'am. Medyo makapal po kasi ang tela at... mainit." sagot ni Baste na pumiyok ang boses sa huli at hirap na napalunok.

"Lura, please tell Jean to make a new design for the uniform of the employees in the field. Gusto kong nipisan konti ang tela para hindi sila masyadong mainitan. It might cause them stroke!" sabi ko at agad din naman nitong tinake note.

"Yes, Ma'am Zaccary!"

"And uhh.. Remuel. Please ask your co-workers if they wanted it in a long sleeves or t-shirts okay? Isasama ko nalang din ito sa meeting. Mrs. Alfon will tell you the schedule once I'm done with my plan." sabi ko.

Agaran silang nag tanguan at nang matapos ay napagpasyahan ko nang magsi-balik na sa aming offices.

Busangot ang mukha ni Hex pagkalabas namin sa milling. Naunang pumasok sina Mrs. Alfon, Lura at ibang staff ko sa naka antabay na pick-up truck. Sasakay na sana ako ng hinigit niya ang braso ko.

"What is it?" iritado kong tanong.

"You'll come with me." matikas niyang sabi.

Hindi ko mapigilan matawa. Is he annoyed? He looks like he is ready to devour anyone who will pull his trigger.

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon