Kabanata 8

2.9K 98 27
                                    

Rumors

"Zaccary!"

Naka dalawang beses na si Kuya Hex sa pag tawag sa'kin pero hindi ko parin siya nililingon hanggang sa makarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto ko at marahan niyang hinigit ang braso ko.

"Hey..."

"I need to review Kuya kasi may long quiz kami bukas. May assignment din ako." hindi ko mapigilan itago ang inis ko sa kanya.

Nagagalit siya sa'king naglilihim ako e siya din naman pala.

Pinaningkitan niya ako ng mga mata habang naka pameywang siya. "What's wrong?"

"Nothing... Sige na. Ba-bye na!" sabi ko at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto ko at ni lock ang pinto.

Dumapa ako sa kama at inis na kinuha ang cellphone ko. I swipe the screen to unlock it and saw one message from an unknown number.

Binuksan ko ito at binasa ang laman.

Unknown Number:
Magandang gabi Zaccary. Si Gabriel to. Ito ang cellphone number ko :)

Nawala ang iritasyon ko at agad akong napabangon. Gusto kong tumili sa kilig habang nagtitipa ng ire-reply kay Gabriel.

Napaka pormal niya kahit sa text, nakakaloka!

Me:
Good eve din Gabriel :) Saan mo nakuha ang number ko?

Ilang minuto akong naghintay hanggang sa nakapag reply din si Gabriel.

Gabriel:
Secret :) Sorry ang tagal kong makapag reply, ang hina ng signal samin. Study muna ako ha? Mag aral ka rin. :)

Tumili na talaga ako sa sobrang kilig! Tinakpan ko rin ang bibig ko ng makarinig ako ng mga katok. Nanlaki ang mga mata ko ng mag salita si Kuya Hex mula sa labas. Kumunot ang noo ko sa pagtataka.

Nasa labas parin siya?

Tumayo ako mula sa kama at naglakad papunta sa pinto. Pinihit ko ang siradura saka binuksan ito.

"Kuya?"

Kunot ang noo at humaba ang leeg niya kakatingin sa loob ng kwarto ko.

"Bakit?"

"Why are you shouting? Are you okay?"

Shit. He heard me. Now what excuse am I gonna do? Should I lie? But we have a promise not to lie. Pero siya nga e nagsisinungaling din! Urrgh! Naiirita tuloy uli ako.

"Wala... Ano.. Hindi ko kasi maisaulo agad ang nire-review ko kaya napa sigaw ako sa frustration."

"Do you want me to help you?"

"Hindi na. Sige na, bumalik ka na ro'n. Baka hinahanap ka na." I said pertaining about Ate Gwyne.

"I'm done eating dinner. Let me help you." giit niya, ayaw sumunod.

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sa gulat ko ay muntik ko ng mahulog ito, mabuti nalang nahigpitan ko ang pag hawak.

"Who's calling you?" tumalim ang mga mata niya sa cellphone ko.

Binilisan ko ang pagtitig sa screen at mas nagulat ako ng rumehistro ang pangalan ni Gabriel. Dali-dali ko agad itong tinakpan ng akmang sisilip din si Kuya Hex.

"Si Katherine! Sige na, Kuya. Bumalik ka na roon at baka hinahanap ka na ni Ate Gwyne." ulit ko, akmang isasara na ang pinto ng pigilan niya ako.

"Why are you in a hurry? Are you mad? 'Cause you keep pushing me away."

"Hindi nga Kuya. Sige na!" mas lalo tuloy akong nainis kasi pakiramdam ko, nagi-guilty siya.

Pinilit kong sinara ang pinto pero nagmatigas siya. Hinarang niya ang kamay niya kaya napasandal ako sa gilid ng pinto habang yumuko siya at tinitigan ang mukha ko.

With All MightWhere stories live. Discover now