Kabanata 3

3.8K 128 4
                                    

Ice Cream

"Grabe! Ang gwapo niya! Muntik ng mapugto 'yong panty ko kanina. Ang swerte mo talaga, Zaccary!" Sabay hampas ni Bridgette sa braso ko.

Napangiwi ako at hinaplos ang braso ko. "Ang landi mo." umirap ako. "Si Kuya Hex lang 'yon."

Kilig ka kilig na pinisil ni Bridgette ang braso ni Katherine naman. "Parang nabuhay lahat ng dugo sa ugat ko. Hindi ba't sa Manila lang naman siya nag-aaral ng kolehiyo? Bakit parang galing siyang ibang bansa? Mas gumwapo at tumangkad siya ngayon."

Natawa na ako sa ka OA-han ni Bridgette. "Ewan ko sayo, Bridgette."

"Psst! Iyong crush mo, palapit dito." Ani Katherine sabay nguso sa likuran ko.

Agad na lumingon ako. Napa awang ang bibig ko at ito na naman ang pamilyar na dagundong sa dibdib ko. Pakiramdam ko'y sumisikip ang aking puso sa bawat pag hinga.

Agad na humarap ako pabalik kina Katherine. "Ano? May dumi ba ako sa mukha? Halata ba blush on ko?" Bulong ko.

Tiningnan naman nina Katherine ang mukha ko ng maigi sabay iling. "Hindi, ayos lang Zaccary." Nag angat uli ng ulo si Katherine. "Kalma ka lang. Malapit na siya. Kami bahala."

"Sige.." Napangiti ako.

Tumikhim si Katherine sabay kunyaring natabig niya ang mga hawak kong libro. Nahulog ito sa paanan kaya natigil si Gabriel sa paglalakad.

"Ay! Sorry, Zaccary. Ito kasing si Bridgette, ang gulo gulo." Ani Katherine sabay sinyas sa'kin.

Marahan akong tumawa. "Ah, okay lang, Katherine. Ako na pupulot."

Bago ko pa mapulot ay may mga kamay ng nauna. Nag angat ako ng mukha at pakiramdam ko nasusunog ang magkabilang pisngi ko.

Ngumiti si Gabriel sa'kin habang pinupulot ang mga libro ko. Napamura nalang ako sa isip ko at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pagtili.

"Ito, libro mo Zaccary." Baritonong boses ni Gabriel sabay abot sa mga libro ko.

"T-thank you, Gabriel." Hindi ko mapigilan ang ngumiti ng malaki.

"You're welcome." He replied with a smile before he continued walking.

Pagka-alis na pagka-alis ni Gabriel, tumili ako. Hinampas ko si Bridgette sa sobrang kilig.

"Grabe ang bait niya talaga. Hay, kailan niya kaya ako mapapansin?" I dreamily stare at the spot where he vanish from my sight. Yakap ang libro ay inalala ko uli ang naka ngiting mukha ni Gabriel habang binibigay sa'kin ang libro.

"Ano 'yon? Iyon lang?" dismayadong sabi ni Katherine.

"Eh anong gusto niyong sabihin ko? Inunahan ako ng kaba!" Kahit dismayado sina Katherine ay nagawa ko paring ngumiti.

"You know what, tama na ang mga simple nating patibong Zaccary. Hindi ka mapapansin ni Gabriel kong hindi ka magte-take ng risk." Si Bridgette.

"Anong ibig mong sabihin, Bridgette?"

She smile sheepishly as they stare with each other.

"It's time to make Gabriel see your worth! May isang paraan para mapansin ka ng tuloyan ni Gabriel." Anya.

"Paano?" Tanong ko.

"Confess to him!" Sagot ni Katherine.

Mabilis akong umiling. "No way! I can't. Hindi ko kaya."

Bumagsak ang balikat nilang dalawa saka inakbayan ako ni Katherine. "It's now or never, Zaccary. Magtatapos na si Gabriel at by next year, pupunta na siyang Maynila para doon mag-aral. Paano mo siya mahahabol gayong grade eleven palang tayo."

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon