ENTRY #9

697 61 1
                                    

“ginoo..” wika ko na sapat lang para marinig namin dalawa.

May pagaalinlangan sakin. Hindi ko akalain na makikita ko s’ya, ngayon.. o kahit kalian pa.

Nakatingin lang s’ya sakin. Hindi ako sigurado kung dapat pa ba ako tumayo doon o tatalikod nalang ako. para kasing ipapahiya ko ang sarili ko.

“girl tara na” narandaman ko ang paghawak sakin ni regine.

“naghugas ka ba ng kamay?” hindi ko padin maalis ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko. ganoon din s’ya, nakatingin sakin na hindi ko mawari ang iniisip.

“grabi ka naman, hindi naman tayo kagaya ng mga lalaki na kailangan pa hawakan ang membro nila para makaihi.” Pinunas nya ang kamay nya sa pantaloon n’ya bago kumuha ng panyo at pinusan sa braso ko.

Nanlalaki ang mata ko na patatingin sa kanya. Bunganga talaga ng babaeng ‘to. Di ba n’ya nakikita na may tao sa harapan namin.

Binigyan ko s’ya ng ‘manahimik ka’ look.

“hmm?” inosente n’ya akong tinignan bago siya tumingin sa lalaking kaharap ko. “kakilala mo?”

Binigay ko sa kanya lahat ng supot na hawak ko. “mauna ka ng umakyat”

“bakit? tara na para sabay sabay na tayo kumain.” Ang inosente parin ng tingin niya sakin mukhang di niya nagets ang ibig kong sabihin.

“wag ka nang magtanong.” Bulong pero may diin kong sabi. Please regine makaramdam ka.

Nagpalitan ang tingin niya sakin at kay ginoo..  bago kami naglaban ng titigan.

Naputol ang laban natin noong narinig ko ang hinang tawa ni ginoo. Tumingin ako sa kanya. Hindi sigurado kung ano ang ibig sabihin ng tawa niya.

“pati ba s’ya hindi ko pwedeng malaman ang pangalan?”

doon na tila nabuhayan ang loob ko. Naaalala niya ako.

Ngayon ko lang napansin ang ibang detale sa kanya. Nakasuot siya ng white coat. May nakasabit na id lace sa leeg nya pero nakatalikod ang ID kaya di ko nakikita ang picture  niya, nakikita ko lang ang logo at pangalan ng ospital.

“doctor ka?”  curious kong bigkas.

Tumango siya at ngumiti. Lumitaw nanaman yung puti at pantay na pantay niyang ipin.

“wow” iyon nalang ang nasabi ko dahil hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Noon hindi pa kami nagkikita ulit curious na curious ako sa kanya. Ang dami kong gusto itanong kasama na doon ang pangalan n’ya. madalas sumagi sa isip ko ang mga sasabihin ko kapag nagkita kami ulit.

pero hindi ko na naisip na possible nga na magkita kami ulit. Ngayon nasa harapan ko na s’ya hindi ko na maalala ang mga sentences na nabuo sa isip ko.

“kanina ka pa nakatingin sakin, may gusto ka bang sabihin?”

Nalilito akong napailing sa kanya. “a-ano naman ang dapat kong sabihin?”

Humakbang pa s’ya upang mas magkalapit kami tsaka siya yumuko. Naramdaman ko ang hininga na nagmumula sa bibig nya sa tenga ko. “pangalan mo?” wika niya tsaka bumalik ng ayos na pakakatayo.

“girl?” tawag sakin ni regine.

“bakit nandjan ka pa?” ayuko mag sound na naiinis o desperadang umalis siya pero parang hindi ko napigilan dahil napangiti sakin si regine.

Until We Meet AgainOnde histórias criam vida. Descubra agora