ENTRY #26

105 38 1
                                    

^_^; hindi naman mabigat ang story na ito baka nga hindi kayo umiyak eh. Personal sa akin ito , sana maintindihan niyo ang point ng story. Anyway~ sira ang laptop ko kaya sorry sa slow upate.

---------

Hinakbang ko ang mga paa ko para sana habulin ang sasakyan pero anong laban ko doon? Nalilitong tinignan ko iyon habang palayo. Mabilis kong kinuha ang cell phone sa loob ng bag ko pero ni-isa ay walang text o kahit missed call.

Hindi manlang niya ako makamusta pero may oras siya umupo at maglakbay kasama ang babae na iyon?

I dialed his number at panay ang hinga ko ng malalim habang hinihintay siyang sumagot. Ring lang ng ring hanggang sa nagsalita na ang recorded na boses. Ilang beses ko pang inulit iyon pero hindi talaga sumasagot.

Nangingilid ang luha ko sa inis. Bakit kasi hindi siya sumasagot pero may kasama siyang ibang babae?

"ano nangyayari sa'yo?" rinig ko ang tinig ni Poseidon sa tabi ko.

Tuloy lang ako sa pag call hanggang sa nawalan ako ng pag-asa na may sasagot. Napapadyak nalang ako sa inis.

"uwi na ta'yo"

"sabi mo gusto mo mag fully booked, ayan na oh tatawid nalang" tinignan ko ng masama si Erick pero agad din ako nagbaba ng tingin.

Hindi ko dapat ibunton sa ibang tao ang inis ko. c'mon carmela kumalma ka.

"okay ka lang ba?" sa wakas sumeryoso si Erick.

Sa halip na sumagot ay tumalikod nalang ako at naglakad pabalik sa market market. Nahampas ko ang dibdib ko ng ilang beses. hindi ko alam kung bakit unang beses ko palang nakita ang babae na iyon ay hindi ko na siya gusto. May mga ganoon naman talaga tayong nakikilala hindi ba? 'yong tipong hindi mo ma-vibes.

"baka naman napa-paranoid ka lang?" aniya ni kezia.

Nakaupo kaming apat sa may kusina at ikinuwento ko sa kanila ang nangyari at kung ano ang nararamdaman ko. pagkauwi ko palang kasi ay nahalata na agad nila na badtrip ako kaya naman hindi ako tinantanan hanggang sa magkwento ako.

Baka daw kasi byumahe nanaman ako kung saan kapag hindi ko nailabas ang saloobin ko.

"ewan ko ba, hindi ko maiwasan na hindi mag-isip ng iba" napakamot nalang ako sa ulo ko kahit hindi naman makati.

"close lang siguro sila ni Doc zander wag mong lagyan ng malisya."napasimangot nalang ako sa sinabi ni regine.

"tingin mo magagawa kaya niya akong lokohin?"

"jinowa-jowa mo tapos wala kang tiwala?"

"hindi sa walang tiwala, pero kasi hindi maganda na Makita ang boyfriend mo na may kasamang ibang babae tapos hindi naman niya sinasagot ang mga tawag mo at kahit isang text wala." Sagot ko kay angela.

"edi itanong mo sa kanya" sabay-sabay nilang sabi.

Napanguso ako. Nakitkit ko ang kuko sa hinlalaki dahil hindi ako mapakali sa mga pumapasok sa isip ko at dahil hanggang ngayon ay hindi padin nagrereply sa akin si zander. hindi ko kasi maiwasan talagang mag-isip maging ako ay naiinis sa sarili ko dahil sa sobrang pagiisip.

"sino may notes sa numerical methods? Hindi ako nakinig last time eh" pagbabago ni angela sa usapan.

Napabuntong hininga ako habang tinitignan ang calendar sa cellphone ko. napakadami palang gagawin at ni-isa ay wala pa akong natatapos at may exam nga pala next week sa math 10, mabuti nalang at nagtanong si angela kundi hindi ako magcheck ng calendar at hindi ko maaalala.

Until We Meet AgainOnde histórias criam vida. Descubra agora