ENTRY #41

89 30 2
                                    

hinang-hina ako sa mga oras na ito. pagod na pagod ang utak ko, hindi maganda ang takbo ng lahat sa pagkakataong ito.

"hindi ka pwedeng pumasok ulit sa isang relasyon kapag hindi ka pa okay." magsasalita sana siya pero iniangat ko ang kamay ko para pigilan siya. "normal ang magkaroon ng worries alam ko na mapagkukumpara mo ang bawat tao pero ang hindi normal ay kapag nakikita mo na gagawin sa'yo ng taong iyon ang mga ginawa sa'yo dati. that means hindi ka pa ready."

hindi siya nagsalita, para akong matanda na nagbibigay ng sermon sa isang teenager. i know magiging depende ang lahat sa kung ano man ang susunod kong sasabihin o gagawin. naka depende sa akin ang kahihinatnan ang relasyon na ito.

"let's just say that we're both broken. it's just that i am being vocal and you're not. it is easy to fix things na nasa harapan natin pero hindi ang mga bagay na tinatago sa atin."

"im sorry" aniya na para itong isang dasal na hindi niya pagsasawaan sabihin but this kind of demage hindi maiibsan ng sorry.

"let just wait for our heart to finally heal zander."

hindi ko inaasahan ang pagtayo niya. mabilis siyang pumuntsa sa tabi ko at umupo sa mga hita hita niya. kinuha niya ang kamay ko at puno ng pagsusumamo ang mga mata.

"i'm sorry please sabihin mong okay lang tayo."

isang malungkot na ngiti ang binigay ko sa kanya kasabay ng marahang pagiling. "kailangan muna nating maging okay individually bago tayo maging okay together."

"anong ibig sabihin noon?"nalilitong aniya.

"halika" tumayo ako at ganoon din ang ginawa niya. "saan naka-park ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya habang palabas kami ng mall. itinuro naman niya sa akin iyon.

hindi ko nalang nilingon ang mga taong nanunuod sa amin sa coffee shop, alam ko na hindi magandang ipagpatuloy ang pag-uusap doon lalo pa at nakaka-agaw na kami ng atensyon.

hawak ko ang kamay niya kaya naman alam ko na kinakabahan siya. nanlalamig iyon at pinagpapawisan, kung ibang tao siguro ito inasar ko na dahil sa pagpapawis. binitiwan ko lang siya ng nasa tabi na kami ng sasakyan niya.

nakatingin lang siya sa akin at ako naman ay nakatingin sa baba.

"what are you doing?" 

"i'm going to end this."

"what do you mean?"

binawi ko ang kamay ko. "zander--"

"you can't do that! break up should be a mutual decision! hindi pwedeng kapag mahirap ang sitwasyon mang-iiwan ka nalang. hindi ako pumapayag sa end-end na iyan no!"

pinagpapasalamat ko na kaming dalawa lang ngayon sa parking lot dahil hindi gaya kanina, malaya kaming makakapag-usap ng walang iniisip.

"i'm not doing this for me"

"no! hindi dapat ganito mag handle ng relasyon hindi mo pwedeng tapusin 'to dahil lang sa isang problema carmela." inaabot niya ako pero umiwas ako na kinabigla niya.

"zander hindi ito isang problema at mas lalong hindi ito simpleng problema!" normal ang lakas ng boses ko pero hindi ko naitago ang gigil sa bawat salita. "malaking bagay sa akin ito!"

"so ganoon nalang? tumatakbo ka? ayaw mong ayusin ito?" bumabakat ang ugat niya sa leeg dahil sa pagkakaigting ng panga. "i said i'm sorry! hindi ko lang talaga kayang buksan ang ala-alang iyon sa ngayon kaya ayuko sabihin sa'yo but i swear naging totoo ako sa iyo lahat ng pinakita ko totoo 'yon!"

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon