ENTRY #13

678 56 4
                                    

"Gusto mo bang sumama manuod ng sine?"

"hmm? Ano ba ang papanuorin n'yo"

Pinakita ko sa kanya 'yong ticket. "horror pala 'to"

"next time nalang siguro, pag nagkita tayo ulit."

Gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya. "wait? Maghahanapan ba tayo uli?"

Tumawa s'ya "ewan ko sa'yo, ang hilig hilig mo kasi gawin 'yon eh"

Nilahad niya sakin ang kamay niya. Inabot ko naman 'yon pero hindi ko alam kung para saan.

"lets do this again." He shake my hands "Dr. zander Antony mendez"

"Carmela Inessa Abades future engineer"

Hindi pa sana mapuputol ang moment namin kung di lang biglang tumunog ang cellphone ko. tumatawag si Karen.

"mukhang magsisimula na 'yong movie, ayaw mo ba talaga ? ako na bibili ng ticket" malungkot ko kunyaring sabi.

"hindi na kailangan ko bumalik ng hospital. Maybe next time.." tumunog din 'yong phone niya at parang kanina pa may nag tetext sa kanya.

Mukhang kailangan niya na talagang umalis.

Kinuha ko 'yong maliit na notebook sa bag ko at sinulatan ko ng number ko tsaka inabot sa kanya.

"here.."

Tinignan niya 'yong hawak ko na parang dismayado siya "you shouldn't be doing this"

"shounldn't what? Giving my number?" nginitian ko siya at nagpapainosente. "You're not a stranger to me, it is fine right?"

"are you always like this? Doing anything you want?" kahit tinatarayan niya ako ay kinuha naman niya 'yon papel.

"oo, kapag gusto ko gawin ang isang bagay ginagawa ko. sige na baka matraffic ka pa."

"ingat ka binibini."

Bago pa siya tuluyang makahakbang hinawakan ko na ang braso niya.

"can you do me a favor"

"sure" panay ang tingin niya sa phone niya. Mukhang pinagmamadali na siya bumalik sa trabaho.

"pwede mo ba ako batiin sa December 25"

"oo naman, it's Christmas day"

Nakita kong lumabas na si Karen sa theater area at sinesenyasan ako na pumasok na.

"no.. i mean yes but also it's my birthday"

"sure, advance happy birthday. Pero babatiin padin kita sa 25 mag celebrate tayo pag balik mo sa metro manila."

Parang may biglang kumanta ng hallelujah sa paligid ko. kumakaway parin ako sa kanya kahit nakaliko na siya.

Buong buo ang ngiti ko pag pasok ng sinehan.

"sino 'yon?" usisa sakin ni Karen pagkaupong pagkaupo ko palang.

"shh start na 'yong movie quiet"

Kahit horror iyong pinili nilang panuorin at naririnig ko ang bawat sigaw nila kapag intense 'yong scene nakangiti parin ako.

Sa bawat sigawan sa sinehan ay bawat mahinang tawa naman sakin. Nababaliw na ata ako.

Binuksan ko ang cellphone ko na naka low ang brightness.

Nag send ako ng text kay kezia 'it's a 10'

Nilingon ko ang mga kaibigan ko na halos magkakahawak ang kamay. sila aira ay maya maya ang pagpikit.

Nakatingin lang ako sa screen at nakangiti ng abot tenga.

Pagkatapos ng movie napagkasunduan nilang kumain muna.

Tahimik lang ako, nawala sakin 'yong bigat na naramdaman ko kanina dahil sa ex ko na gago.

Nasa burger king kami at nakapwesto na sila aron nalang daw ang oorder.

"grabi ka carmela mas natakot ako sayo kanina kesa sa movie." Sabi ni aira ng magsimula na kami kumain

Magkatabi kaming tatlong babae sa tapat naman namin 'yong mga lalaki.

"may namatay kaya doon sa scene pero natawa ka sa gilid."

Lalo naman ako tumawa dahil sa mga reaksyon nila.

"baka may kinalaman sa kausap niya kanina?" nanunuksong tanong ni Karen " ikaw ah.. sino 'yon? Gwapo ah" tila kinikilig pa ito.

"mas gwapo pa sakin?" nawala ang ngiti ko sa labi dahil sa sinabi ni aldrin. Masama ang tingin niya sakin.

Anong problema nito? Siya kaya 'tong may kasalanan sakin. Ni hindi pa nga siya nag sorry pasalamat nga siya hindi ko siya sinapak kaning nagkita kami dahil kahit papano may manners naman ako.

"It's a joke." Dagdag niya at kumain na.

"nasaan ang girlfriend mo? alam ba niya kung nasan ka?" hindi ko mapigilang magtanong at magtaray.

"alam niya" hindi parin nawawala ang masama niyang tingin.

"alam na niyang kasama ako?" hindi siya nakasagot. "baka isipin ng girlfriend mo nilalandi kita, eh wala naman na akong pakialam sayo. Hindi ko nga alam na nandito ka eh, kung alam ko lang hindi sana ako pumunta."

"carmela hindi namin sila inimbita nasalubong lang namin sila" paguulit ni Karen sa paliwanag nila kanina.

"kahit hiwalayan naman na tayo magkaibigan parin naman tayo." Matapang niyang sagot

"tinanong mo manlang ba ako sa bagay na yan?" parang gusto ko ibato sa kanya 'yong burger na hawak ko.

"may pinagsamahan parin naman tayo carmela" this time medyo mabait na 'yong boses niya.

"nirerespeto ko ang pinagsamahan natin aldrin, kaya nga buo pa 'yang mukha mo eh"

"guys wag kayo dito mag away." Bulong ni james.

"pagsabihan mo 'yang kaibigan mo, oh wait..tino-tolerate mo nga pala 'yan" makahulugan kong sabi

"carmela please.." hinawakan ni Karen ang braso ko pero tumayo na ako.

"this is a bad idea." Tinignan ko 'yong dalawang babae "uuwi na ako."

"wala akong kinalaman sa issue.. mag babye ka din sakin."

Nginitian ko si aron "ingat pauwi aron"

Sinadya kong tumapat sa gilid niya "at isa pa kung respeto ang pinaguusapan meron ako noon. Ikaw meron ba?"

Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad. Bwiset! Dapat hindi ko na tinuloy 'to eh

Pero kung hindi naman ako nagpunta baka hindi kami nagkita ni zander.

'what do you mean it's a 10'

Napangiti ako sa text ni kezia. Pero di ko na muna siya nireplayan.

Pumunta nalang ako sa precious pages para bumili ng libro. Magpapaka-adik muna ako sa love story ng iba habang wala pa iyong akin.

Pag uwi ko sa bahay wala si buchoy pero nandoon naman na ang kasambahay namin.

Naiistress ako kaya dumiretso ako ng kusina para maghanap ng pwedeng pagbalingan ng stress.

Pagbukas ko ng freezer may tatlong container ng ice cream magkakaiba pati ang flavor.

Hmmmm, yummy. I badly need icecream.

Kinuha ko 'yong double dutch .. isda ang laman,

Kinuha ko 'yong black forest .. manok ang laman,

Kinuha ko 'yong cookies and cream .. baboy ang laman.

Napasabunot nalang ako.. lalo ako na stress.

Kumuha nalang ako ng chichirya bago pumasok sa kwarto.

Until We Meet AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora