ENTRY #10

704 59 3
                                    

“paano ka na food poision eh parehas lang naman tayo ng kinakain sa dorm?” nangaasar na sabi ni regine .

Nag-aayos na sila dahil maya-maya ay uuwi na kami. Nasa baba na kasi ang mama ni angela at nagbabayad ng bill.

Kanina pa ako nananahimik, wala akong gana sabayan sila sa asaran nila.

“ano ba kinakain mo sa labas? Graba? Tapos hahaluan mo ng buhangin at semento?” nagtawanan sila.

Samantalang ako nasa sulok at kanina pa ang pagbuntong hininga.

“ano na carmela? Akala ko ba hahanapin ka niya bago ka umuwi? Eh tanghali na at pauwi na tayo, nasaan na?” inikutan ko lang ng mata si kezia at di pinatulan ang pangaasar niya.

Ang bigat ng dibdib ko. kanina pang umaga ako palabas labas at pagala gala sa hospital. Umasa talaga ako na hahanapin niya ako.

“tara na nag text na si mama” nagsitayuan na sila at lumakad palabas ng kwarto.

Mabigat ang bawat hakbang ko, nasa likod nila ako at panay ang lingon sa kanan, kaliwa at likod ko. baka may masipat ako. Tuloy padin ang kwnetuhan at asaran nila habang nag aantay kaming bumukas ang elevator.

“oy manahimik nga kayo, tignan niyo si carmela parang paiyak na” umakbay sakin si regine matapos niya sabihin ang mga salitang punong-puno ng pangaasar.

May mga kaibigan talaga tayong bakat na sa aura mong bwiset ka lalo ka pang aasarin.

“feeling ko minsan, pinanganak kayo para bwisitin ako.” Inirapan ko silang tatlo. Mga hindi talaga makaramdam.

Napahinto ako noong palabas na kami ng pinto ng hospital. Naramdaman ata nilang tatlo kaya huminto din sila at lumingon sakin.

“bakit?” takang tanong ko. hindi para sa kanila kundi para sakin.

Balisang balisa talaga ako. Alam ko na alam nila ‘yon.

“ganito nalang” panimula ni angela. “ sasabihin ko kay mama na nag cr ka, ikot ka pa isang beses pero last na ito ah. Text mo nalang kami.”

Napaka swerto ko talaga sa tatlong ito. Lagi talaga silang supportive sa lahat ng oras.

Gaya nga ng sinabi ni angela umikot ako sa hospital , mabagal ang paglalakad ko. nakaabot na ako sa last floor na pwede kong puntahan pero wala akong nakita. Bagsak ang balikat kong sumakay ng elevator.

Nakatingala lang ako sa screen kung saan makikita kung nasaang floor na. sinasabayan ko ng pagbilang sa bawat pag blink ng pababang arrow. bumukas ang elevator sa 4th floor.

Pumasok ang apat na nakaputing coat. Napunta ako sa pinaka likod at pinakagilid dahil nag give space ako. Nakayuko lang ako.

“saan niyo gusto kumain?”

“anywhere” sagot noong Moreno nilang kasama.

“I can’t go with you.” Nanigas ang buong katawan ko dahil sa boses na ‘yon “naka promise na ako to someone.”

“oohhhh babae ?” nangiintrigang tanong  ng mga kasama niya.

“leave him alone, di siya katulad n’yong dalawa” masungit na sagot naman ng isa.

Base sa nakikita ko magkakaibigan sila.. pigil akong napangiti, nandito ako sa likod mo ginoo.

“sunduin muna natin si jenica” sabi ulit noon mataray na lalaki at bumaba sila sa second floor.

Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon