ENTRY #12

696 55 1
                                    

2 days before Christmas..

Hindi ko manlang ma-enjoy ang Christmas break na ‘to dahil sa dami ng pinatake home activity ng mga prof namin.

Simula ng umuwi ako dito sa cavite halos di ako nalabas ng kwarto dahil tinatapos ko ang mga ipapasa namin pagbalik sa January. Ayuko kasing natatambakan ng trabaho. Mas ayukong may isipin pa, gusto ko tapos ko na lahat para maenjoy ko ang oras ko.

“ate may tawag ka sa landline.” Sigaw ng kapatid ko mula sa baba.

Padabog akong lumabas ng kwarto. Kilala ko kung sino ang kanina pa tawag ng tawag sa landline namin.

“sabihin mo nga sa kanila wag sila tumawag sa landline! Djan tumatawag sila tatay eh!”  pagtataray sakin ni crisanto.

Napipilitan kong inangat ‘yong telepono. “hello”

“carmela” narinig ko ang pag-iyak sa kabilang linya. Si aira. Salitan ata sila ni Karen tumatawag sa phone ko, noong hindi ako nasagot sa landline naman sila nangulit.

“wag nga kayo tumawag dito” hindi ko naman pwede tanggalin ang saksak ng landline dahil nga dito tumatawag sila nanay at tatay lalo at nasa opisina sila ngayon.

“hindi mo kasi kami sinasagot sa cellphone eh.”

“baka kasi ayukong sagutin.” Sarcastic kong sagot.

“carmela please kausapin mo na kami, ilang buwan na ang lumipas.” Tuloy parin ang paghikbi n’ya.

“hayaan mo kami makabawi, magkita tayo ngayon. Mag bonding tayong tatlo gaya dati, please carmela.”

Hindi ako sumagot.

Ilang buwan na nilang sinusubukan kausapin ako  ulit at panay ang sorry. Dapat ba payagan ko silang makabawi?

Hindi sa kalilimutan ko na ang ginawa nila pero hindi rin naman maganda na may hindi ka naaayos na problema. Hindi magandang may kasamaan ka ng loob hindi naman nakakaunlad.

“hays.. okay”

Narinig ko ang pag ‘yes’ ng dalawang tinig sa kabilang linya. Kung ganoon magkasama pala sila.

“kita tayo sa sm dasma. Libre namin!” nag sige lang ako at binaba ko na ang tawag.

Binalingan ko ang kapatid ko.” butchoy aalis ako, wag mo iwanan ang bahay ah”

ate ano ba! Cris nga kasi. Ang bantot bantot naman ng buchoy!” nakaupo siya sa sofa at mukhang naglalaro sa phone niya dahil hindi niya inaalis ang tingin doon.

“eh sa buchoy ang palayaw mo, dati naman natutuwa ka sa palayaw na iyon ah”

“noon iyon binata na ako, may girlfriend na nga! Pati tuloy siya butchoy ang tawag sakin eh!”

“buti nga hindi ko pinakita sa kanya ‘yon mga picture mo noon bata ka, iyong nilalaro mo ‘yong putotoy mo tsaka ‘yong naligo ka sa sarili mong tae”

“ATE ANO BA!”

Tinawanan ko lang siya at binato ng throwing pillow. Pulang-pula ang mukha niya. Kahit 18 na siya sa paningin ko baby parin siya kaya ang sarap padin niyang asarin.

Nag short lang ako at tshirt tapos pinarisan ko ng putting converse, hindi naman gano’n kalayo ang sm dasma samin kaya hindi ko feel pumorma. Kinuha ko ang tote bag ko at nag paalam na ako kay butchoy. Binilinan ko siyang wag iwanan ang bahay hanggat wala pa sila ate minda, yung kasambahay namin na pumunta ng palengke.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now